BCC Malabon

BCC Malabon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BCC Malabon, Religious Center, Malabon.

August 25, 2021Lectio DivinaJeremias 42: 1-6 (ASD)Nilalaman:        Hiniling ng mga tao na ipanalangin sila ni Jeremias ...
24/08/2021

August 25, 2021
Lectio Divina

Jeremias 42: 1-6 (ASD)
Nilalaman:
Hiniling ng mga tao na ipanalangin sila ni Jeremias sa Panginoon at ang pangako nilang gagawin ang sasabihin ng Panginoon. Pero ginawa pa rin ang kagustuhan pumunta sa Egipto na inaasahan nilang tulong.

Reflection:
Sa ating mga kalagayan hindi maganda humihiling tayo na ipanalangin tayo at nangangako na gagawin ang lahat ng sasabihin ng Panginoon na pinapasabi sa atin ng Panginoon pero hindi naman natin ginagawa ang sinasabi niya at ang sarili pa rin natin gusto at paraan ang ating ginagawa.

Response:
Oh aming Amang Diyos na makapangyarihan sa lahat, Diyos na nakakaalam ng Lahat ng bagay at lubos na nakakakilala sa akin. Patawarin mo po ako na madalas humihiling ako ng panalangin at nangangakong gagawin ang anuman ang sabihin mo pero hindi ko ginawa, at ang sarili ko pa rin kagustuhan at kalooban ang inaasahan kong makakatulong sa akin.
Tulungan mo po ko na magustuhan man namin o hindi ang sasabihin iyong pa rin ang susundin ko at aasahan kong tulong. Maraming Salamat po. Amen

Remain:
Pakinggan at sundin ang sinasabi ng Panginoon hindi ipilit ang ating kagustuhan.

Memory Verse:
Jeremias 42:6 (ASD)
Magustuhan man namin o hindi, basta't susundin namin ang sasabihin ng Panginoon naming Diyos, para maging mabuti ang lahat para sa amin.

August 18, 2021Lectio DivinaEzekiel 26:7-14Nilalaman:         Nangyari ang Sinabi ng Panginoon na Pagbagsak ng taga Tyre...
17/08/2021

August 18, 2021
Lectio Divina

Ezekiel 26:7-14
Nilalaman:
Nangyari ang Sinabi ng Panginoon na Pagbagsak ng taga Tyre dahil sa kanilang pagmamataas.

Reflection:
Totoo at nangyayari ang Salita ng Panginoon Diyos na kanyang sinabi na ibinabagsak Niya ang mga nagmamalaki at itinataas ang mga nagpapakababa.

Aral na itinuturo:
Tinuturuan ako ng Diyos na huwag magmataas sa lahat ng pagkakataon kundi magpakababa dahil sigurado na mangyayari ang sinabi niya na ibabagsak ang mga nagmamataas.

Response:
Oh aking Diyos Amang nasa langit na mapagmahal at mapagpatawad. Hindi mo nais na sapitin ko ang kapahamakan dahil sa pagmamataas kaya tinuturuan mo po akong magpakababa at hindi magmataas. Kaya Ama maraming Salamat po sa mga pagtuturo at pagsaway mo sa pamamagitan ng iyong mga Salita ay natutuwid ang aking pamumuhay. Maraming Salamat. Amen

Remain:
Huwag ipagyabang o ipagmalaki ang araw ng bukas dahil hindi natin hawak ang ating buhay at kinabukasan.

Memory Verse:
Ezekiel 26:17-18 (ASD)
At tataghoy sila ng ganito para sa iyo. Paano kang bumagsak, ikaw na tanyag na lungsod na tinatahanan ng mga tao sa tabing dagat? Makapangyarihan ka sa karagatan at kinatatakutan ng lahat.
At ngayon, ang mga nakatira sa tabing dagat ay nanginginig sa takot dahil sa iyong pagkawasak

August 11, 2021Lectio DivinaEzekiel 8:1-6Nilalaman:          Malinaw na pinakita ang kasamaan ng bayan at ang Kabanalan ...
10/08/2021

August 11, 2021
Lectio Divina

Ezekiel 8:1-6
Nilalaman:
Malinaw na pinakita ang kasamaan ng bayan at ang Kabanalan ng Diyos dahil sa Puspos ng Espiritu.

Reflection:
Kung ako ay may malapit na ugnayan sa Panginoon Diyos makikita mo ng malinaw ang kapahayagan ng Diyos sa aking kasalanan pamamagitan ng kanyang Banal na Espiritu na sumasaakin.

Response:
Oh aking Amang Diyos na Banal at Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ang Puspos ng kapangyarihan na nakakaalam ng lahat at walang akong natatago sa iyo.Tulungan mo po ako magkaroon ng malapit na ugnayan sa iyo upang maging karapat dapat sa iyong Kabanalan sa tulong ng iyong Banal na Espiritu. Maraming Salamat po. Amen

Remain:
Magkaroon ng malalim na ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng Pagbabasa, Pakikinig, Pag-aaral, Pagbubulay at Pagsasabuhay ng Kanyang Salita.

Memory Verse:
1 Pedro 1:15-16
Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”

August 4, 2021Lectio DivinaJeremias 17:14-18 (ASD)Nilalaman:      Mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa laman...
03/08/2021

August 4, 2021
Lectio Divina

Jeremias 17:14-18 (ASD)
Nilalaman:
Mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa Panginoon.

Reflection:
Ang Panginoon Diyos lamang ang pinanggagalingan ng ang ating kagalingan, kaligtasan at kanlungan sa panahon ng kapahamakan.

Aral na itinuturo:
May masamang bunga ang ating nagawang kasalanan, ngunit kung sa Panginoon lamang tayo magtitiwala at hindi lalayo sa Panginoon hindi natin mararanasan ang galit ng Panginoon.

Response:
Oh aking Diyos Ama na aking kaligtasan at kanlungan sa panahon ng kapahamakan. Patawarin mo po ako sa panahon nalalayo sa iyo kaya ako napapahamak. Tulungan mo po ako na tanging sa iyo lamang magtiwala at umasa.
Maraming Salamat po. Amen

Remain:
Huwag lumayo sa Panginoon at tanging sa kanya lamang magtiwala at umasa, at maliligtas tayo sa bunga ng ating kasalanan.

Memory Verse
Jeremias 17: 5-8 (ASD)
Sinabi ng Panginoon, "Isusumpa ko ang taong lumalayo sa akin at nagtitiwala lamang sa tao. Matutulad siya sa isang maliit na punong kahoy sa ilang na walang magandang kinabukasan. Maninirahan siya sa tigang at maalat na lupain na walang nakatira.
Pero Mapalad ang taong nagtitiwala at lubos na umaasa lamang sa akin.
Matutulad siya sa punong kahoy na itinanim sa tabi ng ilog na ang ugat ay umaabot sa tubig. Ang punong kahoy na ito'y hindi manganganib, dumating man ang tag-init o mahabang tag-araw. Palaging sariwa ang dahon at walang tigil ang pamumunga.

July 28, 2021Lectio DivinaJeremias 10:12-16Nilalaman:          Ang Kapangyarihan at Kadakilaan ng Diyos ay hindi maitutu...
27/07/2021

July 28, 2021
Lectio Divina

Jeremias 10:12-16
Nilalaman:
Ang Kapangyarihan at Kadakilaan ng Diyos ay hindi maitutulad sa dios-diosan nilikha at sinasamba ng mga tao.

Reflection:
Makapangyarihan ang Diyos na lumikha ng langit at lupa. Lumikha ito mula sa kanyang karunungan at makapangyarihang salita na lumabas sa kanyang bibig. Mangmang, hangal at mapapahamak ang sumasamba sa dios-diosan dahil hindi ito totoong diyos, walang buhay at walang kabuluhan , darating ang araw wawasakin lang ito.

Aral na itinuturo..
Walang ibang dios-diosan ang kayang itulad at ipalit sa ating Panginoon Diyos na buhay at makapangyarihan sa lahat na tanging dapat sambahin at panamapalatayanan.

Response:
Oh aking Ama Diyos na makapangyarihan sa lahat na lumikha ng lahat ng nasa langit at sa lupa sa kapangyarihan ng iyong mga salita. Sinasamba kita dahil Wala ibang Diyos na katulad mo na buhay at totoong Diyos. Patawad sa mga panahon may ibang diyos ako na naipapalit sa iyo na mas aking napapahalagahan. Tulungan mo lang ako na huwag mawala ang aking kamalayan na walang ibang dios na katulad mo. Marami pong salamat. Amen.

Remain:
Huwag magkaroon ng ibang dios. Walang ibang Diyos maliban sa Panginoon Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Memory Verse:
Jeremias 10:10-11 (ASD)
Pero ang Panginoon ang tunay na Diyos. Siya ang buhay na Diyos at walang Hanggang Hari, kapag nagagalit siya, nayayanig ang daigdig at walang bansa na makakatagal sa tindi ng galit niya.
Sabihin ninyo sa sumasamba sa ibang dios ang inyong diyos ay hindi lumikha at lupa ay mawawala sa mundo.

July 21, 2021Lectio Divina2 Cronica 33: 11-15 (ASD)Nilalaman:          Ang Muling Pagbabalik-loob ni Manases sa Panginoo...
20/07/2021

July 21, 2021
Lectio Divina

2 Cronica 33: 11-15 (ASD)
Nilalaman:
Ang Muling Pagbabalik-loob ni Manases sa Panginoon.

Reflection:
1. Nakagawa si Manases ng ng masama sa paningin ng Panginoon, hindi sumunod at gumawa ng dios-diosan, hindi nakinig kahit binalaan na ng Panginoon ang dahilan kaya pinabihag at dumanas ng matinding hirap.
2. Pero nagpakumbaba,
nagmaka-awa sa Panginoon sa panalangin. Naawa sa kanya ang Panginoon at pinakinggan ang kanyang dalangin.
Napagtanto ni Manases na ang Panginoon ay Diyos at pinaalis ang mga dios-diosan sa altar at ipinatapon sa labas ng templo.

Aral na Itinuturo:
1. Tayo ay nakagagawa ng masama sa paningin ng Diyos at nagtatayo ng mga dios-diosan na pumapalit sa pwesto ng Panginoon sa ating buhay. Binalaan tayo ng Panginoon pero hindi pa rin nakinig kaya pinadaan ng Panginoon sa paghihirap at pagtitiis.
2. Pag nakita natin ating kasalanan, humingi ng awa at ang Diyos ay sumasagot sa ating daing at panalangin. Muling magbalik loob, alisin ang mga masamang gawa sa paningin ng Diyos at dios- diosan na ating ipinapalit sa pwesto ng Panginoon sa atin buhay na nagpapalayo sa atin sa Diyos.

Response:
Oh aking Ama nasa langit na puspos ng kaawaan at kahabagan, patawad sa mga nagawa kong masama sa iyong paningin at dios diosan na pumapalit sa iyo sa aking buhay kaya hindi ikaw ang nagiging priority at mahalaga. Salamat sa iyong mga Salita na patuloy na nagbabala sa akin. Tulungan mo po akong maging sensitive na pakinggan ang sumbat/udyok ng Banal na Espiritu para hindi muna makadanas ng kahirapan tsaka kikilalanin at mapagtanto na Ikaw Panginoon ay Diyos. Tulungan mo po ako na sa aking pagbabalik loob ay talikuran ang gawang masama at alisin mga dios diosan ipinalit ko sa iyo. Maraming Salamat po sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Remain:
Ang Diyos ay Diyos ng isa pang pagkakataon sa mga nagbabalik loob at tumatalikod sa kasalanan.

Memory Verse:
Efeso 5:5 ( ASD )
Tandaan ninyo, walang taong mahalay, malaswa ang pamumuhay at sakim ang mapapabilang sa kaharian ni Cristo at ng Diyos.
Sapagkat ang Kasakiman ay tulad din ng pagsamba da dios-diosan

July 14,2021Lectio DivinaIsaiah 62:1-5 (ASD)Nilalaman: Ang Walang Hanggan Kahabagan ng DiyosReflection:Hindi natatahimik...
13/07/2021

July 14,2021
Lectio Divina

Isaiah 62:1-5 (ASD)
Nilalaman: Ang Walang Hanggan Kahabagan ng Diyos

Reflection:
Hindi natatahimik ang Panginoon hanggat hindi mapasakanya ang kaligtasan ng mga tao dahil sila ay mahal nya at kaligayahan ng Diyos na maging kasintahan niya tayo na naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Aral na Itinuturo:
Sa sobrang pagmamahal ng Diyos sa tao Siya ay hindi tumitigil na hanggat ang tao ay hindi nananalig sa Kaligtasan inaalok ng Panginoon sa kanila dahil nasasabik siya na nasalubungin natin Siya bilang ating Kasintahan na ikakasal sa kanyang pagbabalik.

Response.
Oh Aking Ama na puspos ng Kahabagan, Maraming salamat sa iyong awa at hindi mo ako tinigilan na alukin ng kaligtasan na inaalok mo sa akin nung ako'y makasalanan pa. Kaya ngayon naranasan ko ang kaligayahan ng iyong pagliligtas at Masaya ka Panginoon na ako ay balikan bilang iyong minamahal na kasintahan. Maraming Salamat in Jesus name. Amen

Remain
Huwag tumigil na ipangaral ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.
At maging Handa bilang Kasintahan sa kanyang Pagbabalik.

Memory Verse:

Isaiah 62:1 (ASD)
Dahil sa mahal ko ang Jerusalem hindi ako tatahimik hangga't hindi dumarating ang kanyang tagumpay at katwiran na parang magbubukang- liwayway at hanggang mapasakanya ang kanyang kaligtasan na parang nagniningas na sulo.

July 7, 2021Lectio Divina Basahin : Isaiah 35: 1-6 ASDNilalaman:                 Ang Kaligayahan ng mga Iniligtas.Reflec...
06/07/2021

July 7, 2021
Lectio Divina

Basahin : Isaiah 35: 1-6 ASD
Nilalaman:
Ang Kaligayahan ng mga Iniligtas.

Reflection:
Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak halaman, aawit at sisigaw sa tuwa, magiging maganda ang bundok, mamumunga ng sagana at mahahayag ang kadakilaan at kapangyarihan ng Panginoon Diyos. (v. 1-2)

Aral at katotohanan na Itinuturo:
May dulot na pagbabago sa isang tao ang sinumang mananampalataya sa Panginoon Hesus. Mula sa tuyot na buhay ay may dulot na kasariwaan at kagalakan. Dito mahahayag ang Karangalan at Kadakilaan ng Panginoon.

2. Palakasin ang mga nanghihina, palakasin ang loob ng mga natatakot, dahil ang Diyos ang nakikipaglaban sa kanila at sila ay makakakita, makakarinig , magiging malakas at dadaloy ang kagalakan.
(v. 3-6)

Aral na itinuturo:
Marami pang mga tao na hindi pa nanampalataya sa Mabuting Balita ng Kaligtasan ng Panginoon Hesus. Palalakasin ko ang kanilang loob , aking ipapahayag, ipapakilala ang Panginoon Hesus na kayang magligtas sa kanila sa parusa ng kasalanan at bunga ng kasalanan. Sa gayon makikita at mararanasan nila ang Kaligayahan ng Pagliligtas ng Panginoon sa kanila.

Response:
Oh Aking Ama na Diyos na nasa langit, Ikaw ang Diyos ng puspos ng pag-ibig, awa at kagandahang loob. Nagmamalasakit sa mga ang buhay ay tuyot at wasak dulot ng kasalanan. Gusto mo na kami ay maligtas at mabago ang aming buhay kaya ipinagkaloob mo ang buhay mo para sa amin, nagpakadukha ka para kami yumaman. Kaya Ama tulungan mo po ako/kami palaging abutin ang mga tao na hindi pa nananampalataya sa iyo para maranasan nila ang buhay na binago na galing sa iyo. Magkaroon kami ng Compassion ng tulad ng sa iyo na para ipahayag Mabuting Balita, bakit ka naparito. Gusto mo na iligtas ang napapahamak (Juan 3:16) at bigyan ng buhay na masagana at kasiya siya. (Juan 10:10) Tulungan mo lang po bigyan sila ng Espiritu ng pang unawa para maunawaan nila ang layunin ng iyong pagparito at bakit mo binigay ang buhay mo para sa amin.

Remain:
Tanging sa Panginoon Hesus lamang matatagpuan ang kaligtasan at mararanasan ang kagalakan ng Kaligtasan ( Joy of Salvation) dulot nito.

Memory Verse:
Isaiah 12:2
Kayo Oh Diyos ang aking tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, Panginoon ang nagbibigay lakas sa akin, kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin

June 30, 2021Lectio Divina2 Cronica 30: 1-27 (ASD)Nilalaman:         Ang  Bagong Paanyaya at    Kautusan sa Paghahanda s...
29/06/2021

June 30, 2021
Lectio Divina

2 Cronica 30: 1-27 (ASD)

Nilalaman:
Ang Bagong Paanyaya at Kautusan sa Paghahanda sa Pista ng Paglampas ng Angel.

Reflection:
Muling nagpadala ng bagong mensahe ng paanyaya sa Pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Angel bilang pagpaparangal sa Panginoon. Dahil kakaunti ang dumadalo. May mensahe Muling Alalahanin ang kabutihan, magbalik loob at huwag magmatigas ang ulo.

Aral na itinuturo:
Araw araw ay may mensahe paanyaya sa para sumamba at dumalo sa mga pagtitipon at ako ay sugo niya na sabihin kahalagahan ng pagtitipon tipon para sa Panginoon. (v. 1-5)
Muling kong palalakasin ang iba na magbalik loob sa mga pagtitipon BCC Zoom Online Worship Service at Bible Study, maibalik Best Gratitude , magbalik loob at magpasakop sa Diyos.( v.6-8) Dahil ang Diyos ay matulungin at mahabagin Diyos .(v.9-27)

Response:
Oh Aking Diyos Ama na matulungin at mahabaging Diyos, Patawarin mo po ako Panginoon na hindi napapahalagahan ang mga pagtitipon tipon. Salamat sa isa pang pagkakataon na para muling makapagbalik loob kasi ikaw ang Diyos na mapagpatawad, matulungin at mahabagin. Tulungan mo po na patuloy na makapaglingkod at makasunod sa iyo ng may katapatan. Salamat sa iyong mga Salita na nagsasaway sa akin at Banal na Espiritu nagpapaalala at tumutulong sa akin .

Remain:
Palaging pahalagahan ang ginawa ng ating Panginoon at ang bawat pagtitipon-tipon.

Memory Verse:
Hebreo 10:25 (ASD)
Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian ng ilan. Sa halip palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Religious centre

Lectio Divina June 29, 2021Read:  2Kings 18:1-8Nilalaman:   Naging kalugod-lugod sa Diyos si Ezequias (Bakit? )1. Sumuno...
29/06/2021

Lectio Divina
June 29, 2021

Read: 2Kings 18:1-8

Nilalaman:
Naging kalugod-lugod sa Diyos si Ezequias (Bakit? )
1. Sumunod siya sa alituntunin ni David;
2. Hindi siya sumamba sa ibang Diyos;
3. Nanatiling tapat sa pagsunod sa Diyos)

Reflection:
1. Malapit ang Diyos sa mga sumasamba sa kanya at tapat na sumusunod sa kanyang mga utos;
2. Binibigyan ng Diyos ng pagtatagumpay ang mga nananatiling tapat sa kanya.

Response:
Dakilang Diyos, katulad ni Ezequias sinasamba kita sa Espiritu at katotohanan. Ikaw ang kataas-taasang Diyos at walang hihigit sa iyong kapangyarihan at karunungan. Ikaw ang tunay na Diyos na walang katulad. Sa kapangyarihan ng Banal na Espritu ay tulungan mo ako na maging tapat at sumunod sa iyong mga utos. Katulad ng ginawa mo kay Ezequias, huwag kang humiwalay sa akin at bigyan mo ako ng pagtatagumpay sa lahat ng aking gagawin sa araw na ito. Amen.

Remain: Bigyan kaluguran ang Diyos sa pamamagitan ng pagiging tapat at pagsunod sa kanya.

Memory Verse:
Kaya mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di masasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
1Corinto 15:58

June 23, 2021Lectio DivinaAmos 5: 1-27Nilalaman:         1. Ang panawagan ng  Pagsisisi.        2. Hindi kalugod lugod a...
22/06/2021

June 23, 2021
Lectio Divina

Amos 5: 1-27
Nilalaman:
1. Ang panawagan ng Pagsisisi.
2. Hindi kalugod lugod ang Handog ng kanyang bayan sa Panginoon.

Reflection:
1. Nanawagan ang Panginoon ng Pagsisisi sa pamamagitan ni Amos. Dahil sa lugmok na kalagayan dahil sa kasalanan at malapit na ang pagdating ng Panginoon dala ang parusa at hatol sa kasalanan. (v. 1-20)

Aral na Itinuturo:
Ako at lahat ng mananampalataya ay inuutusan na ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan sa pamamagitan ng Ating Panginoon Hesus dahil malapit na Siyang dumating dala ang Hatol at Parusa sa Kasalanan sa mga hindi sasampalataya sa kanya,

2. Hindi naging kalugod lugod sa Panginoon ang Handog at pasasalamat na dala ng Kanyang Bayan . Dahil hindi ipinaiiral ang katarungan at katwiran.

Aral na itinuturo:
Maaring pinakamainam ang dala kong handog at pasasalamat sa Panginoon sa aking pagsamba sa kanya, pero may laban ang Panginoon sa paraan ng aking pamumuhay. Hindi niya nakita na ako ay namuhay ng ayon sa kanyang katwiran at katarungan sa paraan paano ko tinatrato ang iba. Kaya hindi ako naging kalugod lugod sa paningin ng Diyos.

Response:
Oh Aking Ama na Dakila at Makapangyarihan sa Lahat. Patawad po dahil hindi ko po nasasamantala ang bawat pagkakataon na maipahayag ko ang Mabuting Balita ng Kaligtasan tungkol sa iyo. Patuloy mo po ako bigyan ng Espiritu ng katapangan para sa lahat ng pagkakataon ay maipahayag at maipakilala kita sa mga tao na nakakasalamuha ko araw araw. Dahil malapit ka na dumating at dala ang hatol ng parusa, ayaw mo silang mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan, kaya namatay ka sa krus dahil sa aming mga kasalanan upang kami ay mapawalang sala. Maraming Salamat sa lahat ng ginawa mo sa amin sa krus at sa pagpapawalang sala mo sa aming kasalanan ng kami ay sumampalataya sa iyo Panginoon Hesus bigyan mo palagi kami ng kakayanan at kagustuhan ipahayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat ng tao at maipairal namin palagi ang iyong katarungan at katwiran sa lahat ng pagkakataon. Maraming Salamat po. Amen.

Remain:
Palaging ipahayag ang Mabuting Balita Kaligtasan sa lahat ng pagkakataon at pairalin ang katarungan at katwiran ng Panginoon sa ating buhay.

Memory Verse:

Roma 1:16 (ASD)
Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita tungkol kay Cristo, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya- una ang mga Judio at gayon din ang mga hindi Judio.

Address

Malabon
1470

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCC Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share