Nuestro Señor De Longos-Mission Station

Nuestro Señor De Longos-Mission Station The official page of Nuestro Señor de Longos Mission Station. Launched as a Mission Station on September 2, 2018.

24/05/2026
𝐇𝐈𝐌𝐈𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐃𝐄𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎𝐒May 29, 2026 | BiyernesMga kapatid kay Kristo at kay Maria, makiisa sa isang gabi ng m...
22/05/2026

𝐇𝐈𝐌𝐈𝐆 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐎𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐃𝐄𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎𝐒
May 29, 2026 | Biyernes

Mga kapatid kay Kristo at kay Maria, makiisa sa isang gabi ng musika at debosyon! Ihandog natin ang pinakamagagandang himig para sa ating Ina.

Sa paparating na May 29, Biyernes, ating gaganapin ang Himig Handog para kay Desamparados: A Harana Concert para sa ating Ina, ang Nuestra Señora de los Desamparados, Reyna ng Marikina.

Ang oras ay sa ika-8 ng gabi, pagkatapos ng banal na misa.





19/05/2026

𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒖𝒔𝒐: 𝑻𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏, 𝑩𝒓𝒐. 𝑴𝒂𝒖𝒊 𝒂𝒕 𝑩𝒓𝒐. 𝑹𝒆𝒚𝒏𝒂𝒏𝒕𝒆!

Hindi sapat ang salitang "salamat" para sa panahon, pagmamahal, at serbisyong inialay ninyo sa aming mission station. Sa bawat ngiti, bawat turo, at bawat sandaling nakasama namin kayo, ipinadama ninyo sa amin ang totoong puso ng isang lingkod ng Diyos.

Bro. Maui at Bro. Reynante, hinding-hindi kayo malilimutan ng ating komunidad. Mananatili ang inyong mga yapak sa aming mga puso. Ipinagdarasal namin ang inyong patuloy na paglalakbay patungo sa Paring Katoliko! 🙏✨




19/05/2026

𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐔𝐒, 𝐀𝐍𝐃 𝐁𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐎𝐌𝐄𝐓𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐑𝐄𝐀𝐓! 𝐋𝐄𝐓 𝐔𝐒 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐑𝐃 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐉𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐆𝐋𝐀𝐃𝐍𝐄𝐒𝐒!

We are the Voice of St. Joseph from Nuestro Señor de Longos Mission Station, brought together by a shared love for music and a deeper mission of faith.

For those who want to serve the Lord using their gifts of golden voice, join us in praising and worshipping our Lord God Jesus through vocal harmony and unity.

Our mass services are held in Nuestro Señor De Longos-Mission Station every 2nd and 3rd Saturday of the month, 7:00 PM. The rehearsal schedules are every Tuesday and Saturday after mass and also held at the mission station.




𝐋𝐈𝐓𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍/𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎May 30, 2026 | SabadoInaanyayahan ang lahat ng mga nais makiisa sa ating Flores de Mayo ...
19/05/2026

𝐋𝐈𝐓𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍/𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎
May 30, 2026 | Sabado

Inaanyayahan ang lahat ng mga nais makiisa sa ating Flores de Mayo o Sagalahan 2026. Narito sa ibaba ang mga alituntunin upang makalahok sa nasabing gawain:

𝑴𝑮𝑨 𝑨𝑳𝑰𝑻𝑼𝑵𝑻𝑼𝑵𝑰𝑵 𝑺𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑺𝑨𝑳𝑰:

1. Maaaring sumali ang sinuman o tagasaanman.

2. Hangga't maaari ay sumali bilang mga karakter o tauhan sa Litanya sa Birhen.

3. Sa mga maliliit na batang lalahok, maaaring sumakay ng pedicab ngunit hindi na lalagyan ng mga arko, kung lalagyan ng pangalan ay ididikit na lamang sa sasakyang gagamitin.

4. Ang mga karakter o tauhan ay may sariling arko na magmumula sa simbahan, ito ay may kalakip na malaking pangalan ng karakter at sa ilalim ay mas maliit na pangalan ng gumanap.

5. Kung gusto na mas pagandahin pa ang arko, makipag-ugnayan na lamang sa mga taong babanggitin sa ibaba.

Ang DEADLINE ng pagpapalista ay hanggang Thursday (May 21)

Magkakaroon ng orientation sa Friday (May 22) sa ganap na ika-5 ng hapon.

Sa mga nais magpalista, hanapin lamang si ate Margarette Foz at si ate Celle Cruz o kaya naman ay makipagugnayan sa mga kakilala ninyong taga-simbahan.





𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆, 𝐑𝐄𝐘𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀!May 24-31, 2026 | Mga Gawain sa SimbahanSa pagdating ng Nuestra Señora De Los De...
17/05/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆, 𝐑𝐄𝐘𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀!
May 24-31, 2026 | Mga Gawain sa Simbahan

Sa pagdating ng Nuestra Señora De Los Desamparados, naririto ang mga gawain na ating pagsasamahan sa loob ng 8 araw niyang pamamalagi sa ating komunidad.

MAY 24 | LINGGO
4:30 PM - Pagsundo sa Birhen
5:30 PM - Darating sa EMME Compound at Prusisyon patungong simbahan
6:30 PM - Pagdarasal ng Santo Rosario
7:00 PM - Misa Pagtanggap

MAY 25 | LUNES hanggang MAY 28 | HUWEBES
6:00 PM - Pagdarasal ng Santo Rosario
7:00 PM - Banal na Misa

MAY 29 | BIYERNES
6:00 PM - Pagdarasal ng Santo Rosario
7:00 PM - Banal na Misa
8:00 PM - Himig Handog para kay Desamparados

MAY 30 | SABADO
4:00 PM - Santa Cruzan
7:00 PM - Banal na Misa
8:00 PM hanggang 10:00 PM - Magdamagang pagdarasal ng Santo Rosario

MAY 31 | LINGGO
6:00 AM - Banal na Misa
4:30 PM - Banal na Misa
6:00 PM - Pagdarasal ng Santo Rosario
7:00 PM - Misang Pamamaalam
8:30 PM - Paglisan ng Birhen

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at makisama sa pagbibigay pugay sa Ina ng ating Tagapagligtas!






𝐌𝐀𝐘𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀, 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀-𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐈𝐘𝐀!May 24-31, 2026 | Nuestra Señora De Los DesamparadosBibisita at mamamalag...
14/05/2026

𝐌𝐀𝐘𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐓𝐀𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐒𝐈𝐓𝐀, 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀-𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐈𝐘𝐀!
May 24-31, 2026 | Nuestra Señora De Los Desamparados

Bibisita at mamamalagi ng 8 araw sa ating Mission Station ang Nuestra Señora De Los Desamparados De Marikina, ang Reyna ng Marikina. Sama-sama tayong maghanda, magdasal, at magpuri sa ating Mahal na Ina.

Mangyaring hintayin lamang ang listahan ng mga paparating na gawain sa ating Mission Station.





𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔May 9, 2026 | SaturdaySa pangunguna ng mga Kabataan ni San Jose at ng LMPC, nagsagawa ang ating sim...
11/05/2026

𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔
May 9, 2026 | Saturday

Sa pangunguna ng mga Kabataan ni San Jose at ng LMPC, nagsagawa ang ating simbahan ng "Youth Conference" na kung saan binigyang pagkakataon ang lahat ng kabataan ng ating Mission Station na makapagsama-sama at magkaroon ng team-building activities upang mas lalo pang mapalakas ang pagsasama at pagkakaibigan ng bawat isa.

Dagdag pa rito ay ang mga makabuluhang mga "talk" ng ating mga bisitang seminarista na sina Bro. Maui Lunod at Bro. Reynante Labao na nakapagpaalab pa lalo ng espiritwalidad ng mga kabataan tungo sa mas makabuluhang paglilingkod sa Diyos.





𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐈𝐍𝐀!May 10, 2026 | SundayMaligayang araw ng mga Ina sa lahat ng nagsisilbing ilaw ng tahanan. Hin...
10/05/2026

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐈𝐍𝐀!
May 10, 2026 | Sunday

Maligayang araw ng mga Ina sa lahat ng nagsisilbing ilaw ng tahanan. Hindi sapat ang isang araw para pasalamatan kayo sa lahat ng sakripisyo ninyo.

Tulad ng Mahal na Inang Maria, ang pinakadakilang halimbawa ng wagas na pagmamahal ng isang Ina sa kaniyang Anak. Mahal na mahal namin kayo!




Address

Gen. P. Borromeo
Malabon
1470

Opening Hours

Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm
Sunday 8am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestro Señor De Longos-Mission Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestro Señor De Longos-Mission Station:

Share