02/10/2026
Oo, nakakabahala ang init na dala ng Super El Niño at hindi ‘to dapat balewalain…
Pero may mas nakakatakot pang bagay na pwede mong maranasan kung hindi mo ito paghahandaan at patuloy mo lang isasawalang-bahala- ito ay WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN SA APOY NG IMPIYERNO. 🔥
Hindi ito kathang isip.
Hindi ito pananakot.
Yan ay katotohanang dapat nating tanggapin sapagkat ‘yan ang sinasabi ng Diyos mula sa Kaniyang Salita. 📖
Dahil sa Impiyerno, may apoy na ‘di napupugnaw at uod na hindi namamatay. Ito din ay may pintuang papasok pero walang pintuang palabas. Kapag nandoon ka na, wala nang labasan pa.
Dahil ang Impiyerno, ano mang oras ay pwede mo itong maranasan. Pwedeng sa susunod na taon, buwan, Linggo, o bukas sapagkat ang kamatayan ay hindi nagpapaalam.
Dahil ang Impiyerno, walang pinipiling estado ng buhay. Mayaman, mahirap, may pinag-aralan o wala, kung hindi mo ito paghahandaan, tiyak na ito ay iyong mararanasan.
Kaya kung matindi ang paghahanda natin sa parating na Super El Niňo, sana ay doble o triple ang paghahanda natin para hindi natin maranasan ang init na dala ng impiyerno.
At walang ibang paghahanda na pwede tayong magawa para sa kaligtasan ng ating kaluluwa kundi PAGSISISI ng ating mga kasalanan at buong pusong PANANAMPALATAYA sa ating Panginoon Hesus. ✝️
Kaya sana,
… ang mensaheng ito ay ‘wag mong isawalang-bahala. Dahil ang Super El Niño kahit gaano kainit ay may inaasahang katapusan, samantalang ang init na dala ng impiyerno ay pang walang hanggan kung ngayon ay HINDI MO AAGAPAN. 🙏
📖 Roma 6:23
“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”