26/11/2022
📌PANAHON NG ADBIYENTO
Dahil nakapasok na tayo sa panahon ng Adbiyento ating alamin ang tunay nitong kahulugan.
•Ano po ang Adbiyento o Advent?
SAGOT: Galing sa salitang Latin Adventus ang salitang Adbiyento. Ang ibig sabihin ng salitang Adventus ay "pagdating." Ang panahon ng Adbiyento ay tungkol sa paghihintay at paghahanda para sa Pasko. Puwede nating sabihin na ang panahon ng Adbiyento ang tinatawag nating Christmas countdown ng ating Inang Simbahan. Sapagkat, sa panahon ng Adbiyento, dito natin hinahanda ang ating sarili para sa Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Panginoon. Paano nating hinahanda ang ating sarili para sa Kapaskuhan? Kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pari sa Sakramento ng Kumpisal, sumasama sa Advent Recollection, gumawa ng mabuti sa kapwa lalung-lalo na ang mga mahihirap, etc. Ang mga bagay na ito ay makakatulong sa atin na maging handa para sa Araw ng Pasko. Sapagkat iyon talaga ang Diwa ng Kapaskuhan, gumawa ng mabuti sa kapwa-tao. Kaya, sana, gawin natin araw-araw ang paggawa ng mabuti sa kapwa-tao.
Ngayon alam mo na? Hayaan mo marami ka pang malalaman sa susunod na mga Linggo. Kaya abang-abang na mga kapatid!