MAPLE of IFI Malabon

MAPLE of IFI Malabon This is the Official Page of the Ministry of Altar Preparation and Liturgical Environment (MAPLE) of IFI MALABON.

The ministry in-charge of the liturgical arts of the parish for the liturgical celebrations and commemorations.

"O RADIX JESSE"Ang Belen ng Parokya sa taong ito ay kumakatawan sa katuparan ng pangakong kaligtasan. Nagsimula ang Daki...
24/12/2025

"O RADIX JESSE"

Ang Belen ng Parokya sa taong ito ay kumakatawan sa katuparan ng pangakong kaligtasan. Nagsimula ang Dakilang Plano ng kaligtasan mula sa lahi ni Abraham hanggang sa katuparan nito sa pagsilang ng Mesiyas.

Makikita sa Belen ang isang tuod na sa kabila ng pagiging tuyot ay sumibol ang malapay na mga sanga at 14 na bunga.ito ay kumakatawan kay Jesse ang ama ni Haring David ang angkang pinagmulan ni Jesus. Ipinahayag ni Propeta Isaias โ€œMay sisibol na usbong mula sa tuod ni Jesse, at isang supling mula sa kanyang mga ugat ang mamumunga.โ€ (Isaias 11:1)

Ang kamanghamanghang pagsibol ng labing-apat na bunga mula sa isang tuod ay kumakatawan sa tatlong mga henerasyon, 14 na henerasyon mula kay Abraham hanggang kay David, 14 na henerasyon mula kay David hanggang sa pagkabihag ng Babilonia at 14 na henerasyon mula naman sa pagkabihag ng Babilonia hanggang kay Hesus. (Mateo 1:17)

Ang tagpong ito na nagpapakita kay Maria at Hesus sa ilalim ng isang puno ay tila nagpapaalala sa atin ng dating tagpo nina Eba at Adan sa Hardin ng Diyos.Kung ang unang Eba at Adan ang pinagmulan ng kasalanan, si Hesus at Maria bilang mga bagong Eba at Adan ang pinagmulan naman ng kaligtasan.

Tayo bilang mga saksi sa kaligtasang nililikha ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na anak ay binibigyang inspirasyon na tumulad kay Jose, na tahimik na nakikibahagi sa katapuran ng isang dakilang pangako.

Taus-pusong pasasalamat sa Tagapagtangkilik ng gayak ng Belen kina G. at Gng. Victor at Delia ca Cruz. Maraming salamat po sa inyong buong pamilya.

Halina sa Belen! At masdan ang isang pamilyang mula pa sa mahabang linya ng mga saling-lahi na naging dahilan ng ating kaligtasan at nagpabago sa mukha ng Mundo.

Gayak ng Altar Mayor sa pagsisimula ng Simbang Gabi, ang pagsisiyam tungo sa Dakilang Kapistahan ng Kapaskuhan ng Pagsil...
15/12/2025

Gayak ng Altar Mayor sa pagsisimula ng Simbang Gabi, ang pagsisiyam tungo sa Dakilang Kapistahan ng Kapaskuhan ng Pagsilang ng Panginoong Hesukristo.

FIESTA PURISIMA 2025"Maria, Puspos ng Grasya"Gayak ng Altar Mayor sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Patr...
07/12/2025

FIESTA PURISIMA 2025
"Maria, Puspos ng Grasya"

Gayak ng Altar Mayor sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Mahal na Patrona, La Purisima Concepcion de Malabon, Hiyas ng Tambobong.

Sumasalim sa grasya Diyos na Kaniyang ipinagkaloob sa pinagpalang Birheng Maria bilang Ina ng Tagapagligtas at piniling Patrona at Reyna ng Pilipinas.

Taus-pusong pasasalamat para sa kanilang taunang pagtangkilik sa gayak ng kapistahan, handog ng Pamilya Gutierrez sa ala-ala ng kanilang mga magulang Generoso at Hermogena Gutierrez at sa kanilang mga yumaong kapatid Violy Gutierrez at Liwayway Guitierrez





PASAYO NG BANDANaihanda na ng ating parokya sa pamamagitan ng Ministry of Altar Preparations and Liturgical Environment ...
07/12/2025

PASAYO NG BANDA

Naihanda na ng ating parokya sa pamamagitan ng Ministry of Altar Preparations and Liturgical Environment (MAPLE), ang gayak ng sasakyang maglululan sa Mahal na Patrona Impong Maria, ang Hiyas ng Tambobong para sa masayang paglibot sa kanyang nasasakupan sa saliw ng mga tugtugin ng banda ng musiko.

Pasasalamat kay G. Orlando Pedro at Pamilya sa kanilang pagtangkilik sa dekorasyon at sasakayan.

Ang PASAYO NG BANDA ay magsisimula sa ganap na alas dos ng hapon.

Ruta: Simbahan - C. Arellano St. Camus Ext. - Gen. Luna St. - Bonifacio St. - C. Arellano St. - Simbahan

Sama-sama po nating salubungin ang ating Partona sa kanyang masayang paglibot.





Ikalawang gayak ng Dambana ng ating Pintakasi at Hiyas ng Tambobong para sa pagpapatuloy ng Misa Novenario sa  karangala...
02/12/2025

Ikalawang gayak ng Dambana ng ating Pintakasi at Hiyas ng Tambobong para sa pagpapatuloy ng Misa Novenario sa karangalan ni Impong Maria.

Pasasalamat ng ating Parokya para sa tagatangkilik ng ikalawang gayak ng dambana sa pamilya nina Kapatid Susan Guevarra.

Ave Maria Purisima, Sin Pecado Concebida!




๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐‚๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐•๐ˆ๐ƒ๐„๐Ž ๐‡๐ˆ๐†๐‡๐‹๐ˆ๐†๐‡๐“๐’Tunghayan natin ang mga kaganapan sa isinagawang Motorkada kahapon, Nobyembre 29, bilang...
30/11/2025

๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐‚๐€๐ƒ๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“: ๐•๐ˆ๐ƒ๐„๐Ž ๐‡๐ˆ๐†๐‡๐‹๐ˆ๐†๐‡๐“๐’

Tunghayan natin ang mga kaganapan sa isinagawang Motorkada kahapon, Nobyembre 29, bilang hudyat ng pagsisimula ng Novenario alay sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Patrona, Impong Maria.

Tema: โ€œ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ, ๐‘ท๐‘ผ๐‘บ๐‘ท๐‘ถ๐‘บ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘บ๐’€๐‘จโ€

Halinaโ€™t sama-sama nating ipagdiwang ng buong galak si Impong Maria na ating Ina, Reyna at Patrona, ANG HIYAS NG TAMBOBONG.





Ang Dambana ng ating Pintakasi at Hiyas ng Tambobong, La Purisima Concepcion ay naihanda na para sa pagsisimula ng Misa ...
29/11/2025

Ang Dambana ng ating Pintakasi at Hiyas ng Tambobong, La Purisima Concepcion ay naihanda na para sa pagsisimula ng Misa Novenario sa kanyang karangalan.

Pasasalamat ng ating Parokya para sa tagatangkilik ng unang gayak ng dambana sa pamilya nina kapatid Hilarion at Susan Corvera.

Ave Maria Purisima, Sin Pecado Concebida!




Pasasalamat mula sa parokya sa pagtangkilik ng gayak at sasakyan ng buong Pamilya nina Engr. Ramoncito at Arch. Neneth D...
29/11/2025

Pasasalamat mula sa parokya sa pagtangkilik ng gayak at sasakyan ng buong Pamilya nina Engr. Ramoncito at Arch. Neneth Dela Cruz.




MOTORKADA 2025
26/11/2025

MOTORKADA 2025

PISTA NA!!!
26/11/2025

PISTA NA!!!

๐…๐ˆ๐„๐’๐“๐€ ๐๐”๐‘๐ˆ๐’๐ˆ๐Œ๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Narito po ang ating mga serbisyo at gawain sa pagdiriwang natin sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Tema: โ€œ๐‘ด๐‘จ๐‘น๐‘ฐ๐‘จ, ๐‘ท๐‘ผ๐‘บ๐‘ท๐‘ถ๐‘บ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘บ๐’€๐‘จโ€

Halinaโ€™t sama-sama nating ipagdiwang ng buong galak si Impong Maria na ating Ina, Reyna at Patrona. HIYAS NG TAMBOBONG

Patuloy na magpuri at magpasalamat sa Diyos na Lumikha ng lahat!





Address

Malabon
1470

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 12pm

Telephone

+639606123940

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MAPLE of IFI Malabon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category