26/07/2026
Assalāmu ’Alaikum wa Raḥmatullāhi wa Barakātuh
Alhamdulillāh. Bilang Pangulo ng YOUTH UNION ORG / اتحاد الفتية, taos-puso akong nagpapasalamat sa pagbisita ng walo nating miyembro. Nawa’y gantimpalaan kayo ni Allah sa inyong oras at pagsisikap sa paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.
Sa ating munting pagtitipon ay ating tinalakay ang unang hadith sa Al-Arba’īn An-Nawawiyyah:
«إِنَّمَا الْأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ»
“Katotohanan, ang mga gawain ay nakabatay sa mga intensyon.”
Napakahalaga ng niyyah para sa bawat Ṭālib al-’Ilm (طالب العلم), sapagkat ang tamang layunin ang susi sa pagtanggap ng ating mga gawain sa paningin ni Allah.
Kabilang sa ating mga napag-aralan:
📖 تمييز العادات عن العبادات — Pagkakaiba ng mga nakasanayang gawain at mga gawaing pagsamba.
📖 تمييز العبادات بعض عن بعض — Pagkakaiba ng bawat uri ng pagsamba sa pamamagitan ng tamang intensyon.
Hiling ko kay Allah na pagkalooban ang ating samahan ng ikhlāṣ, pagkakaisa, at katatagan sa pag-anyaya sa kabutihan at sa paghahanap ng kapaki-pakinabang na kaalaman.
جزاكم الله خيرًا، وبارك الله فيكم جميعًا.