16/04/2025
Mabuting Balita l Abril 17, 2025 â Huwebes Santo
Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon
Unang Pagbasa: Exodo 12, 1-8. 11-14 | Salmong Tugunan: Salmo 115
Ebanghelyo: Juan 13: 1-12
Bago magpiyesta ng Paskuwa, alam ni Hesus na dumating na ang kanyang oras upang tumawid mula sa mundong ito patungo sa Ama, at siya na nagmahal sa mga sariling kanya na nasa mundo, minahal niya sila hanggang sa katapusan. Naghahapunan sila at naipasok na ng diyablo sa isip ni Judas na anak ni Simon Iskariote, na ipagkanulo siya. Alam ni Hesus na ipinagkaloob ng Ama sa kanyang kamay ang lahat, at mula sa Diyos siya galing at sa Diyos siya pabalik. Kaya tumindig siya mula sa hapunan at hinubad ang tunika, at pagkakuha ng tuwalya ay ibinigkis sa sarili. Pagkatapos ay nagbuhos siya ng tubig sa hugasan, at nagpasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nakabigkis sa kanya. Nang lumapit sâya kay Simon Pedro sinabi nito sa kanya, âPanginoon, ikaw ba ang maghuhugas sa aking mga paa?â Sumagot si Hesus, âHindi mo nauunawaan ngayon ang aking ginagawa, ngunit mauunawaan mo makaraan ang mga ito.â Sinabi sa kanya ni Pedro, âHinding-hindi mo huhugasan ang aking mga paa, magpakailanman.â Sumagot si Hesus sa kanya, âKung hindi kita huhugasan wala kang kaugnayan sa akin.â Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, âPanginoon, hindi lamang ang mga paa ko, kundi pati na ang mga kamay at ulo.â Sinabi sa kanya ni Hesus, âMga paa lamang ang kailangang hugasan nang naligo na dahil malinis na ang buo nâyang sarili. Malinis na nga kayo, subalit hindi lahat.â Kilala na ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kanya. Dahil dito kaya niya sinabing: âhindi lahat kayoây malinisâ. Kaya nang mahugasan niya ang kanilang paa, kinuha niya ang kanyang tunika, bumalik sa hapag at nagsalita sa kanila: âNalalaman ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo? Kayo'y tumatawag sa aking 'G**o' at 'Panginoon.' Tam