18/05/2026
Para sa lahat ng nagnanais sumali sa "Pangawasan Zumba Dance Contest 2026" may ilan lamang po kaming binago sa ibang detalye base sa naunang post namin sa page at karagdagang papremyo na talagang mag-eenjoy kayo bukod sa nakapagpapawis kayo ay sulit pa ang pagsasayaw nyo💃🕺
📍 Lugar: Lalisan Residence
⏰ Oras: 8:00 ng gabi
📋 DETALYE NG PALIGSAHAN:
✅ Limitado sa 8 pangkat lamang ang maaaring sumali
✅ Bawat pangkat o grupo ay may higit 7 pataas na myembro
✅ Bukas para sa lahat na nagnanais sumali
✅ IPINAGBABAWAL ANG MALASWANG KASUOTAN tulad ng puro bra at panty lamang
✅ IPINAGBABAWAL ANG MALASWANG PAGTATANGHAL, lalo pa’t may mga bata na nanonood
✅ 7 MINUTO LAMANG ang itinakdang oras para sa buong pagtatanghal (kasama na ang sigawan o yells)
📏 PAMANTAYAN SA PAGHUSGA(CRITERIA)
🔹 PANGKALAHATANG PAGMAMARKA 100%
- Ritmo at Tiyempo – 35%
(Tamang pagsabay sa musika at wastong pagsunod sa himig)
- Lakas, Sigla at Presensya – 30%
(Lakas ng katawan, sigla, pagkakaisa, at tiwala sa sarili habang nasa entablado)
- Kasuotan, Gamit at Pagtatanghal – 20%
(Kagandahan, pagiging angkop, at malikhaing paggamit ng kasuotan at props)
- Ayos ng Galaw at Pagkamalikhain – 15%
(Maayos na pormasyon, malinis na galaw, at galing sa pagbuo ng sayaw)
🔹 PARA SA MGA ESPESYAL NA PARANGAL(SPECIAL AWARDS)
✨ BEST IN YELLS (Pinakamahusay sa Sigawan)-100%
- Lakas at linaw ng boses – 30%
- Nilalaman at pagkamalikhain – 30%
- Pagkakaisa ng pangkat – 20%
- Paggamit ng props at paraan ng pagtatanghal – 20%
✨ ZUMBA STYLE FASHION AWARD (PINAKAMAHUSAY NA KASUOTAN)-100%
- Angkop sa Tema– 40%
- Pagkamalikhain – 30%
- Kagandahan–20%
-Angkop sa Galaw-10%
🏆 MGA PREMYO:
🎗️ BEST IN YELLS – ₱500.00
🎗️ ZUMBA STYLE FASHION AWARD –₱1000.00
🏅 CHAMPION – ₱3,000.00
🥇 1ST PLACE – ₱2,000.00
🥈 2ND PLACE- ₱1,500.00
🥉 3RD PLACE – ₱1,200.00
💝 CONSOLATION PRIZE– ₱800.00 bawat GRUPO
📌 MAHALAGang PAALALA:
Kinakailangang sundin ang lahat ng patakaran at panatilihing maayos, disente, at kagalang-galang ang inyong pagtatanghal para sa kabutihan ng lahat.
📞 PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Makipag-ugnayan kay:
Mirasol T Delco
📱 Numero: 09853420759
Halina at ipakita ang inyong galing! Handa na ba kayo? Magkita-kita tayo! 🎉