20/04/2025
Magandang araw po, mga kapatid sa pananampalataya,
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa naging problema sa audio at kalidad ng ating livestream kamakailan sa ating National Convention. Nagkaroon po tayo ng ilang hindi inaasahang teknikal na aberya habang isinasagawa ang ating gawain, kaya’t hindi naging maayos ang inyong karanasan sa panonood.
Kami po ay kasalukuyang nagtatrabaho upang maayos ang recording, at sa tulong ng Diyos, maipapalabas natin ang mas malinaw at maayos na bersyon. Maari lamang pong maghintay nang kaunti habang inaayos ito.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, at nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Panginoon habang tayo’y nagkakaisa sa pananampalataya.
Pagpalain po kayo ng Diyos.