07/02/2026
๐๐ค๐-๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐ญ๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐
๐๐๐ฅ๐ข๐ญ (๐ง๐๐ค๐๐ญ๐๐ฒ๐จ)
Sa dusaโt dilang hilahil,
at sakunang sapin-sapin,
Martang Pintakasi namin,
kamiโy iyong idalangin.
Sumunod ka namang sadya
sa mga babaing santa
na kay Kristoโy sumama
niyong Siyaโy nagdurusa.
Hanggang itong P**n natin
sa Kalbarioโy dumating.
Martang Pintakasi namin,
kamiโy iyong idalangin.
Saka niyaong mamatay
si Hesus na ating buhay,
ay tikis mong sinamahan
ang Inang tigib ng lumbay;
pinintuho mong taimtim
itong dalisay na Birhen.
Martang Pintakasi namin,
kamiโy iyong idalangin.
Sa kamatayang darating
na tantong kalagimlagim,
Martang Pintakasi namin,
kamiโy iyong idalangin.
N/ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B/ Amen.
๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข (๐ง๐๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ก๐จ๐)
Kataas-taasang Panginoon at lubhang mahabagin naming Mananakop, na sa walang makahalimbawa at di malirip na pagsinta po ng Iyong Puso sa amin ay nagkatawang-tao Ka at nagtiis ng kakilakilabot at lalong mababangis na mga kahirapan at karuwahaginan noong Ikaw poโy nabubuhay, lalong lalo na sa panahon ng walang kapantay Mong pagpapakasakit at pagkamatay sa kalait-lait na Krus. Alang-alang po dito sa kamahal-mahalan Mo pong pasyon at kamatayan ay ipinagmamakaawa ko po sa Iyo na kahabagan at patawarin Mo po itong maralitang makasalanan na sa kaibuturan ng puso, at sa buong kapakumbabaan at paghihinagpis, ay nagsisisi na poโt ikinalulumbay na masakit ang di mamagkanong pagkakasala at kalagim-lagim na kapalamarahang ginawa sa walang hanggan Mong kamahalan na niluluhuran, sinasambaโt iginagalang ng buong kinapal sa langit at lupa.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฐ-๐๐ซ๐๐ฐ
O mapalad na Santa Marta, ang iyong pananampalataya ang nag-udyok upang ipahayag ni Hesus, โAko ang muling pagkabuhay at buhay;โ at pananampalataya rin ang umakay sa iyo upang kilalanin si Hesus hindi lang bilang isang tao nang iyong ipahayag, โKayo po ang Anak ng Diyos, ang Mesias.โ Taglay ang ang matibay na pag-asa, winika mo, โnalalaman kong kahit ngayoโy ibibigay sa inyo ng Diyos ang anumang hingin ninyo sa kanya,โ at tinawag ni Hesus ang kapatid mong si Lazaro mula sa mga patay. Taglay ang dalisay na pag-ibig kay Hesus, tinanggap mo siya sa iyong tahanan.
Kaibigan at lingkod ng Panginoon, ako rin ay โnaliligalig sa maraming bagayโ (banggitin dito ang kahilingan). Ipanalangin mo ako upang ako ay lumago sa pananampalataya, pag-asa at pag-ibig, at upang si Hesus, na dumulog sa iyong hapag, ay makinig sa akin, at magkaloob ng isang lugar para sa akin sa piging ng buhay na walang hanggan. Amen.
๐๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ (๐ง๐๐ค๐๐ญ๐๐ฒ๐จ)
Juan 15:12-17
N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.
B. Papuri sa Iyo, Panginoon.
Winika ni Hesus sa kanyang mga alagad, โIto ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayoโy mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayoโy humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.โ
N/ Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B/ Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.
Mauupo para sa sandaling katahimikan. Pagkaraan ay babasahin ang isang pagninilay.
๐๐๐ ๐ง๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฒ
Ang Pagdedebosyon kay San Jose
Di dapat lisanin o kalimutan ng sinumang Kristiyano ang pagdedebosyon sa kalinis-linisang Esposo ng Birheng Maria na nagkalinga, nag-iwiโt nagpakain nang buong pagsinta at kasipagan sa Anak ng Diyos noong Siya ay nakikipamayan sa ating lipos-karalitaang mundo. Ano nga kaya ang maipagkakait sa atin ni Hesus at ni Maria kung hinihingi nitong bunyi at kaibig-ibig na Patriarka? Dinggin naman natin ang mga nakaaaliw na pangungusap ni Santa Teresa de Jesus, na kailanman ay wala siyang maalaala na hiningi kay San Jose na hindi niya ipinagkaloob. Dahil sa mga dakilaโt kagila-gilalas na mga biyayang ipinakamtan sa kanya ng Diyos, sa pamamagitan ni San Jose, gayon din ang pagliligtas sa kanya sa mga kapanganiban ay kanyang naihayag, โna ang ibang Banal ay waring pinagkalooban ng pagtulong sa isang kailangan; datapuwaโt naranasan ko,โ anya, โna ang maluwalhating Santong ito ay tumutulong sa lahat ng kailangan, at dito ay nais ipakilala ng ating Mahal na Panginoon na kung si San Jose ay pinintuho Niya sa lupa, gayon din naman sa langit, na ipinagkaloob Niya ang lahat ng sa Kanyaโy hingin.โ
Bukod sa rito, dapat nating ilimbag sa ating dibdib ang isang isinaysay ng Mahal na Birhen sa โMistica Ciudad de Dios.โ Sa huling araw, sa paghuhukom sa lahat ng tao ay magsisipanangis nang buong kapaitan ng loob, ang lahat ng sawing palad sa hindi pagkakilala, dahil sa kanilang mga kasalanan kay San Jose, na totoong malakas at mabisang paraan sa kanilang ikagagaling. Hindi nga nila ginamit ang paraang ito sa kanilang kakayahan upang makamtan nila ang pakikipagkatoto sa matuwid-tuwirang Hukom.
Mamintakasi nga tayo dito sa lubhang maawaing tagapag-ampon araw-araw sa pagninilay at pagdarasal ng kanyang pitong sakit at ligaya gayon din tuwing ikalabing-siyam ng buwan at tuwing pista ng banal ay dapat tayong makinabang, gaya ng ginagawa natin sa mga kapistahan ni Hesus at ni Maria, nang sa kanyang pamamagitan ay pagpalain tayo ng Diyos at iligtas sa dilang kapanganiban hanggang sa magtamo tayo ng isang magandang kamatayan gaya ng sa kanya, sa piling ni Hesus at ni Maria. Sa ating mga karalitaan, kapighatian, at sa alin mang hilahil at sakuna ay huwag nating kalimutan ang pagdaing at pag-ampon kay San Jose sapagkat siyaโy lubhang marami nang iniligtas sa kapanganiban, at pinagkalooban ng mga tanging biyaya sa kanyang pamamagitan.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง (๐ง๐๐ค๐๐ฅ๐ฎ๐ก๐จ๐)
Pintakasi naming Santa Marta, yayamang ikaw po ay naririyan sa langit, at natatalastas mo ang dakilang kapangyarihan ni San Jose, ay ipagmakaawa mo sa kanya na magkaroon kami ng tunay na pamumuhay-Kristiyano at matularan ang kanyang kalinisan, kababaan ng loob at ang katiisan sa mga karalitaan, at kapagalan sa pagganap ng mga utos ng Diyos at ng mga sariling tungkulin, upang sa gayoโy maging dapat kaming magkamit ng kaluwalhatian sa langit. Amen.
Magdasal ng 3 Ama Namin, 3 Aba Ginoong Maria, at 3 Luwalhati na maipatutungkol sa mga kaluluwa sa Purgatoryo. Ipagmakaawa natin sa Banal na Santatlo, sa pamamagitan ni Santa Marta, ang ninanasa nating makamtan sa pagsisiyam na ito. Sa loob ng pagsisiyam ay pagsumikapang makapagkumpisal at makapakinabang nang buong kataimtiman ng loob.
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ก๐๐ง
Kalinis-linisang Birheng Maria, lubhang dakilang Reyna ng mga Anghel at mga Banal, at kamahal-mahalang Ina ng Diyos, marapatin mo pong tunghayan ng mata mong maawain kaming mga maralitaโt kahabag-habag na makasalanan. Kami poโy buong kapakumbabaan at matibay na nananalig sa pagsasakdal sa lilim ng walang makahalimbawa mong kagalingan at pag-aampon. Natatalastas mo po, Inang lubhang mapagpala, na kamiโy laging nalilibot ng di mabilang na mga kapanganibang sukat ikapahamak ng aming kaluluwaโt katawan. Saklolohan mo nga kamiโt ipagtanggol hanggang sa malipat sa panatag na bayan ng dalisay na kaligayahan.
Kahabagan mo naman at papagbaliking loob ang mga di-binyagan, mga ereheโt lahat ng nasisinsay sa daan ng pagpapakagaling. Ipamagitan mo sa Diyos upang ipagkaloob sa kanila ang grasya ng tunay na pagsisisi; sa mga banal ay ang pagkasulong sa paglilingkod sa Diyos, at ang banal na pananatili; sa mga naghihingaloโy ang magandang kamatayan; at sa mga kaluluwa sa purgatoryoโy ang pagpapahingalay na walang hanggan, nang kung ang lahat poโy maglingkod nang buong kababaang-loob sa kamahal-mahalan Mong Anak ay makinabang sa Kanyang pasyon at kamatayan, na tiniis nang lubhang masintahin Niyang puso upang mapagaling lamang ang aming kaluluwa.
Ibigin nawa sa lahat ng dako ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus.
Matamis na Puso ni Maria, ikaw nawa ang maging kagalingan ko.
Amen.
๐๐๐ ๐ฐ๐๐ฐ๐๐ค๐๐ฌ (๐ง๐๐ค๐๐ญ๐๐ฒ๐จ)
Santa Marta, kami ay nagsasaya,
awit ng pagdiriwang sa iyoโy iniaalay,
Rosas ng Pateros, ikaw ay pag-ibig,
pag-asa ka namin, ng gabay na nananalig.
pag-asa ka namin, ng gabay na nananalig.
N/ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B/ Amen.
Imahen ng Santa Marta de Makati na pinipintuho sa Parokya nina San Pedro at San Pablo, Lungsod ng Makati. Ang Imahen ng P**ng Sta Marta de Makati ay nasa pangangalaga ng Cofradia de Santa Marta de Makati at Pamilya Cano-Rafols, na isang regalo mula kay Reb. Pad. Estelito Villegas noong Pebrero 2018. Natapos ang Imahen ng Hulyo 2022. Ang debosyon kay Santa Marta sa sampiro ay bunga ng debosyon na dinala ni Fr. Lito noong siya'y naging Kura Paroko ng nasabing parokya noong taong 2006.