10/04/2026
Finally, after 3 months of practice, we managed to finish our Way of the Cross production! 🤍✨
We can finally rest after sacrificing so much to serve and offer everything for Jesus.
Before we officially close this WOTC season, let’s take a moment to hear reflections from our main cast and our director 📢‼️
All glory to God! 🙏
Coming from our DIRECTOR:
- “Hi everyone! Ako po si Chelsea Lirazan, ang inyong director ngayong WOTC2026. Una sa lahat, gusto ko lang i-share ang kwento ko sa WOTC. Matagal-tagal na rin ako sa WOTC at ang first role ko ay bilang isa sa mga 'Kababaihan'. First time kong sumali sa ganitong activity kaya medyo kabado po ako nung una dahil sa role na ginagampanan ko. Naisip ko noon na medyo mahirap ang role na napunta sa akin, pero may nakapagsabi na, 'Hindi mabubuo ang kwento ni Jesus kung wala ang role mo.' Kaya kahit na medyo alanganin ako, itinuloy ko pa rin.
Sa mga naging practice namin, sobrang naging masaya dahil marami akong nakilalang bagong friends at mga memories na nabuo kasama ang mga ate at kuya natin sa simbahan. Malaki ang naging impact ng mga memories ko sa WOTC. Sobrang solid ng mga ate at kuya sa pagtuturo sa amin kung ano ba ang dapat naming gawin. Naalala ko pa ang sinabi ni Kuya Babs, 'Hindi mo kailangang magpa-cute o magpaganda sa role mo. Ibigay mo yung best mo para ipakita kung sino yung ginagampanan mo.' Ito yung tumatak sa isip ko. Mahiyain pa ako nun dahil first time ko, pero ginawa kong inspirasyon ang sinabi ni Kuya Babs para magampanan nang maayos ang role ko.
Balik tayo sa pagiging director ko ngayon para sa WOTC 2026. Super unexpected ng lahat kasi balak ko talaga mag-cast ulit para sulit ang 4 years ko sa WOTC. Pero isang araw, tumawag si Kuya Babs at tinanong kung pwede ba akong maging director. Tinanggap ko ito dahil para kay Lord naman ang ginagawa natin, kahit alam kong mahirap itong pagsabayin dahil may pasok pa ako sa school. Ang schedule ko ay 5 PM to 9 PM, kaya kahit medyo late na, ginagawa ko ang lahat para makahabol sa practice natin. Pagdating ng mismong araw (Biyernes Santo), sobrang sarap sa pakiramdam na makita na ang lahat ng inaral, pinraktis, at itinuro sa kanila ay nagbunga ng isang maganda at maayos na pagtatanghal.
Para sa akin, ang WOTC is one of the many ways to find new friends. Marami akong nakilala at natuklasan tungkol sa mga taong sumali rin dito.”