26/06/2026
๐๐ค๐-๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฒ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ง๐
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ang Ina, Reyna at Patrona ng Lungsod ng Makati
+ ๐๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฎ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ, ๐๐ฎ๐ฆ๐ฏ.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐
O Jesus kong maawain, na sa malaking pag-ibig Mo sa tao, bago Ka pumanaw sa mundo, kami ay iyong inihabilin sa Mahal Mong Ina, na Iyong binigyan ng katungkulang magkalinga sa amin dito sa bayan ng kahapisan at pumatnugot sa aming paglalakbay sa daang patungo sa mahal Mong kaharian. Taglay ang dilang kapakumbabaang loob, ako'y nagpapatirapa sa mahal Mong harap, isinisigaw ko ang lahat kong kasalanan, at pinagsisishang masakit sa loob ko, sapagkat iyon ay mga katampalasanang nagawa ko sa Iyo, mairugin kong Ama. Patawad, O Jesus na mahal! Patawad, alang-alang sa dugo Mong ibinuhos, alang-alang sa kasalanan ko, alang-alang sa pagkamatay Mo sa Krus, at alang-alang sa matataas na karapatan ng Mahal Mong Ina, na siya kong pinipintakasi sa nobenang ito. Kahi manawari P**n ko't Amang maawain, na sa paglanghap ko ng mababangong halimuyak nitong kalinis-linisang bulaklak, ako ay mahawagahan at mahabilinan ng kamuti man lamang bango ng kaniyang mga hirang na kabanalan, at nang ako'y maawasan ng kasalanan, mabuhay at manatili sa grasya Mong mahal hanggang sa oras ng kamatayan ko. Amen.
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ (Ang Inugali ni Maria ukol sa pag-aalaga niya sa kaniyang Mahal na Anak na Si Hesus)
Lubos ang pananampalatay ni Santa Maria na ang bunying Anak na ipinagkaloob sa Kanya ng Panginoong Diyos ay dili iba kundi ang ikalawang Persona ng Santisima Trinidad, ang mahal na Verbong Anak na tunay sa pagka-Diyos ng Diyos Amang walang hanggan, at gayon din naman lubos ang pagkatanto ni Maria na ang Verbong ito sa pagkatao ay anak niyang tunay, na kaniyang ipinaglihi, lalang ng Espiritu Santo at lumabas sa kaniyang kalinis-linisang tiyan. Dito mo nga mapagwawari, kaluluwa ko, ang malaking pag-ibig ni Maria kay Hesus, na naiipon baga at napipisan sa isang Persona ang pagka-Diyos at ang pagka-anak Niyang tunay.
Malaki mandin ang kahirapang tiniis ni Maria sa pag-aalaga niya kay Hesus, kahirapan na parang naging bunga ng malaki niyang pagsintaโt pag-ibig. Datapwat kahirapan man ang tiniis niya, ay hindi niya ito tinanggihan, bagkus minatamis niya sa kanyang loob, dala palibhasa ng kanyang pagsintaโt pag-ibig kay Hesus. At ano, kaluluwa ko, ang kanyang mga paghihirap na ito? Usisain mo sa isang matahimik na paggugunamgunam ang buhay na dinalita ni Maria mula sa Belen, duon sa harap ng labangan ng mga hayop, na siyang gianmit ng banig ng pinaghigaan kay hesus na Sanggol, hanggang sa bundok ng Kalbaryo, sa harap ng krus na kinaratayan at kinamatayan nito ring si Hesus namng malaki na. Kailan pa man ay tinanggihan baga ni Maria ang pag-aalaga niya sa kanyang mahal na Anak? Hiniwalayan baga Niya ito?
Pinabayaan baga niya? Hindi nga, kaluluwa ko, kundi bagkos pinagtiisan niya ang lahat alang-alang sa malaki niyang pag-ibig kay Hesus na Anak niya, at alang-alang naman sa pagtupad ng kaniyang katungkulang pagka-Ina ni Hesus.
Itoโy isang larawan na dapat kunan ng halimbawa ng mga ama at ina, na hindi nila dapat pabayaan ang kanilang mga anak na ipinagkatiwala sa kanila ng Panginoong Diyos.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
O matamis at malumanay na Birheng Ina ni Hesus, anong bango ng samyong nanggagaling sa bulaklak ng iyong mahal na pag-ibig kay Hesus na masintahin mong Anak. Kung aking pag-isip-isipin at sakit na iyong tiniis dahil sa mahal mong Anak, di mangyaring di ko sabihin na ang mga pagtitiis mong iyan ay walang ibang pinanggagalingan kundi ang maulatang pagsintaโt pag-ibig mo kay Hesus.
Pag-ibig na hindi lamang namahay sa iyong malinis na puso, sapagkat si Hesus ay anak mong tunay, kundi sapagkat siya namay Diyos na totoo, at Kaniyang itinalga, na damayan mo siya sa dilang kahirapan at ksakitang inako, dahil sa pagtubos sa taong makasalanan. Alalayan mo, oh mahal na Ina ang aking kahinaan, akoโy tapunan mo ng kamunting liyab ng mahal mong pag-ibig, nang ibigin ko naman si Hesus na anak mong kamahal-mahalan at alang-alang sa pag-ibig kong ito ay titiisin ko naman ang dilang kahirapan dito sa ibabaw ng lupa, dala ng aking katungkulan at kalagayan. Magningas nawa ang puso ko sa apoy ng pagsinta kay Hesus, ngayon hanggan sa oras ng kamatayan ko. Amen.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Akoโy nagpapasalamat sa Iyo, O Diyos Amang walang hanggan, dahil sa dakilang kapangyarihan na iyong ipinagkaloob kay Santa Mariang kalinislinisan mong Anak.
(๐๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ด๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ 1 ๐๐ฎ๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ฃ๐ข ๐๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ข๐ต ๐๐ญ๐ฐ๐ณ๐ช๐ข.)
Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Mahal na Diyos Anak, dahil sa dakilang karunungan iyong ipinagkaloob kay Santa Mariang kalinis-linisan mong Ina.
(๐๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ด๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ 1 ๐๐ฎ๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ฃ๐ข ๐๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ข๐ต ๐๐ญ๐ฐ๐ณ๐ช๐ข.)
Ako'y nagpapasalamat sa Iyo, O Diyos Espiritu Santong mahal dahil sa maningas na sintaโt pagibig na iyong ipinagkaloob kay Santa Maria esposa mong kamahal-mahalan.
(๐๐ข๐จ๐ฅ๐ข๐ด๐ข๐ญ ๐ฏ๐จ 1 ๐๐ฎ๐ข ๐๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ, ๐๐ฃ๐ข ๐๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ช๐ข ๐ข๐ต ๐๐ญ๐ฐ๐ณ๐ช๐ข.)
O Inang hari ng awa, kaming nangingibang bayan dito sa mundong kahapis-hapis, kami po'y nagmamakaawa sa iyo na ilingap mo sa amin iyang mga mata mong maawain, at kami'y kahabagan mong limusan ng kamunting kabanalan at grasya, yamang ikaw ang nag-iingat ng mga kayamanan ng langit. Ilagay mo po kami, sa ilalim ng mahal mong saklolo, ipagtanggol mo kami sa dilang panganib at tukso sa pagkakasala sa Diyos, ipanalangin mo kami kay Hesus na giliw mong Anak na makamtan namin ang kapatawaran sa aming mga kasalanan, at mga biyayang pagpapanatili sa mahal niyang grasya, hanggang sa oras ng aming kamatayan.
O inang mapagmahal kami'y tulungan mo sa pakikibaka sa mga kaaway ng aming mga kaluluwa, at huwag mo kaming pababayaan hanggang hindi namin matawid ang karagatan nitong hinaharap na buhay at malagay kami sa kapisanan ng mga kampon mo't devoto sa langit na walang hanggan. Amen.
๐๐๐๐๐
๐ฒ๐พ๐๐พ
๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ, ๐ต๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎโ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ!
๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ต๐ฒ๐ป ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ,๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ด ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ.
๐๐ฎ๐น๐๐น๐๐๐ฎ ๐ธ๐ผโ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฟ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป!
๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฟ๐ต๐ฒ๐ป ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ,๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐ด ๐๐ถ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ.
I
O matamis na Maria
sa iyo kami na asa,
ikaw ang aming ligaya
ikaw ang aming sinta.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
II
Ikaw nga ang pintakasi,
na sa ami'y nagkandili,
tumatawag na parati
ng wikang kawili-wili.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
III
Bukahin mo't iladlad
ang taglay mong inawak,
at sukuban kaming lahat
na parang anak mong liyag.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
IV
Sa amin, na sa pag-ibig
nagpupuyat na masakit,
ituro mo ang matuwid
na daang pagpasa langit.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
V
Sa pagbigkas mong mahusay
niyang bibig mong timtiman,
halimbawa ka at aral
ng dilang bininyagan.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
VI
Sa iyong ngalang Maria,
nanlumo ang herejia
at tumakas kapagdaka
ang budhing palamara.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
VII
Hari ng sang langitan
langhap na malumanay
ang pangako't kahilingan
niring irog na bayan.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
VIII
Isang araw nama'y kagyat
loobin mo Inang liyag
masamyo ang halimuyak
niyang Rosa mong pamagat.
(๐๐ข๐ฅ๐ข)
๐/ ๐๐ฉ๐๐ง๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฆ๐จ ๐ค๐๐ฆ๐ข, ๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ.
๐/ ๐๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ชโ๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฌ๐ฐ ๐ฏ๐ช ๐๐ฆ๐ด๐ถ๐ด.
Ipagkaloob mo, O maawaing Diyos na sa aming mga alipin mo ang matiwasay na kagalingan ng kaluluwa't katawan, at sa pamamagitan ng maluwalhating saklolo ng mahal na Birheng si Santa Maria, kami po'y iyong iadya sa dilang kalumbayanan dito sa hinaharap na buhay, at marapatin mo nawang aming sapitin ang kasayahang walang hanggan sa langit. Alang-alang kay Hesukristong mahal mong Anak, na Panginoon namin. Siya Nawa.
๐๐๐ก๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ข๐ซ๐ ๐๐ง ๐๐ ๐ฅ๐ ๐๐จ๐ฌ๐, ๐ช๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ฐ ๐ฑ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช.
+ ๐๐ข ๐ฏ๐จ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ฎ๐ข, ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ฏ๐ข๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐๐ด๐ฑ๐ช๐ณ๐ช๐ต๐ถ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ, ๐๐ฎ๐ฆ๐ฏ.