17/11/2024
Sino ang namatay sa krus para sa sangkatauhan?
Sino ang nagtagumpay laban sa kamatayan at nabuhay mula sa mga patay?
Ito ay si Jesus!
Naisip mo na ba kung bakit kailangang bumangon si Jesus mula sa mga patay?
Maiintindihan mo kapag binasa mo ang isang sipi mula sa salita ng Diyos.
Sabi ng Diyos, “Ang Panginoong Jesus na muling nabuhay ay ang Panginoong Jesus, na gumugol ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na gumagawa sa gitna ng sangkatauhan. Bagaman napako Siya sa krus at naranasan ang lambak ng anino ng kamatayan, at bagaman naranasan Niya ang muling mabuhay, hindi Siya sumailalim sa anumang pagbabago sa anumang aspeto. Bagaman mayroon na Siya ngayong mga bakas ng pako sa Kanyang katawan, at bagaman muli Siyang nabuhay at lumabas mula sa libingan, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan, at ang Kanyang mga layunin tungo sa sangkatauhan ay hindi nagbago kahit na kaunti. Gayundin, sinasabi Niya sa mga tao na bumaba Siya mula sa krus, napagtagumpayan ang kasalanan, napagtagumpayan ang mga paghihirap, at napagtagumpayan ang kamatayan. Ang mga bakas ng pako ay ang katunayan lang ng Kanyang tagumpay kay Satanas, katunayan ng pagiging isang handog para sa kasalanan upang matagumpay na matubos ang buong sangkatauhan. Sinasabi Niya sa mga tao na inako na Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan at natapos na Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos. Nang bumalik Siya upang makita ang Kanyang mga disipulo, sinabi Niya sa kanila ang mensaheng ito sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita: ‘Ako ay buhay pa rin, umiiral pa rin Ako; sa araw na ito ay talagang nakatayo Ako sa inyong harapan nang makita at mahawakan ninyo Ako. Ako ay palaging sasainyo’.”
Naramdaman mo ba ang mabait at taimtim na intensyon ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagpapakita pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay? Kung nais mong matuto nang higit pa, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng Messenger.