Chapel of San Nicolas de Tolentino

Chapel of San Nicolas de Tolentino Isang Kapilyang Katoliko na matatagpuan sa Guadalupe Nuevo, Lungsod ng Makati. Iskedyul ng Banal na Misa:
Tuwing ika-10 ng buwan – ala-sais (6) ng gabi

Ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe.

27/03/2026
Viernes Dolores 2026Halina at makiisa sa banal na Prusisyon at Daan ng Krus bilang paggunita sa dalamhati ng Mahal na Bi...
25/03/2026

Viernes Dolores 2026

Halina at makiisa sa banal na Prusisyon at Daan ng Krus bilang paggunita sa dalamhati ng Mahal na Birheng Maria. Sama-sama nating tahakin ang landas ng pananampalataya at pagninilay, mula sa panimulang lugar hanggang sa pagtatapos sa ating kapilya.

Marso 27, 2026 (Biyernes)
5:00 ng hapon
Simula: Dali Store
Wakas: San Nicolas Chapel

Sa bawat hakbang, alalahanin natin ang sakripisyo ni Kristo at damayan ang ating Mahal na Ina sa kanyang pagdurusa.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at magnilay.










Viernes DoloresInaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na Prusisyon at Daan ng Krus bilang paggunita sa mga dalamhati...
25/03/2026

Viernes Dolores

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na Prusisyon at Daan ng Krus bilang paggunita sa mga dalamhati ng Mahal na Birheng Maria. Sama-sama nating pagnilayan ang paghihirap at sakripisyo ni Kristo sa pamamagitan ng taimtim na panalangin at debosyon.

Marso 27, 2026 (Biyernes)
San Nicolas Chapel
5:00 ng hapon

Tayo ay magsama-sama bilang isang komunidad ng pananampalataya at ialay ang ating mga panalangin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Mahal na Ina.

Halina at makiisa!










Stations of the Cross Dapitan st.
20/03/2026

Stations of the Cross

Dapitan st.


Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen — isang huwar...
18/03/2026

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, Kabiyak ng Puso ng Mahal na Birhen — isang huwaran ng kababaang-loob, pananampalataya, at matatag na pag-ibig. Nawa’y ang kanyang tahimik na lakas at ganap na pagsunod ay magbigay-inspirasyon sa atin na magtiwala sa plano ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay.

Maligayang Kapistahan, San Jose!

“Ang iyong salita ay ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking landas.”Inaanyayahan po ang lahat sa Bibliarasal — isan...
15/03/2026

“Ang iyong salita ay ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking landas.”

Inaanyayahan po ang lahat sa Bibliarasal — isang pagtitipon para sa Biblia, Aral, at Dasal.

March 16, 2026 (Monday)
7:30 PM
San Nicolas Chapel, Makati City

Magkita-kita po tayo para sa pagninilay, aral, at panalangin.

Stations of the Cross San Nicolas st.
13/03/2026

Stations of the Cross

San Nicolas st.


Buwanang Debosyon sa Karangalan ni San Nicolas de TolentinoIsang gabi ng panalangin at pagkakaisa sa pananampalataya.Pin...
10/03/2026

Buwanang Debosyon sa Karangalan ni San Nicolas de Tolentino
Isang gabi ng panalangin at pagkakaisa sa pananampalataya.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Britto Adaikalam ang banal na misa sa San Nicolas Chapel.

Patuloy nating ipanalangin ang tulong at paggabay ni Apong Kulas, ang ating patron, sa ating araw-araw na buhay.

Viva Apong Kulas!inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa Buwanang Debosyon sa Karangalan ni San Nicolas de Tolentino sa ...
09/03/2026

Viva Apong Kulas!

inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa Buwanang Debosyon sa Karangalan ni San Nicolas de Tolentino sa Marso 10, 2026 (Martes) sa ganap na 6:00 PM, sa Chapel of San Nicolas de Tolentino.

Isang gabi ng taimtim na panalangin at debosyon upang ialay sa Diyos ang ating mga pasasalamat, pag-asa, at mga hangarin sa pamamagitan ng ating minamahal na patron, San Nicolas de Tolentino, habang tinatahak natin ang bagong yugto ng taon.

San Nicolas de Tolentino, ipanalangin mo kami!







Stations of the Cross Masilang St. and Kalayaan Ave.
06/03/2026

Stations of the Cross

Masilang St. and Kalayaan Ave.


05/03/2026

Address

Magallanes Street Guadalupe Nuevo Makati City
Makati
1212

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chapel of San Nicolas de Tolentino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share