Sto. Niño de Pasion

Sto. Niño de Pasion The Sto. Niño de Pasion is enshrined at Saints Peter and Paul Parish in Poblacion, Makati. His feastday is celebrated every 2nd Sunday of Lent. FR.

KASAYSAYAN NG DEVOSION NG P**N SANO NÑO DE PASION

Ang banal na pananaimtim sa ating Panginoon sa ilalim ng sagisag na Santo Niño de Pasion ay nagsimula noong taong 1885, at isang karangalang maipagmamlaki ng Bayan ng Makati, Rizal, na ang Devosiong ito ay nag-ugat at kasalukuyang nagsasabog ng masamyong bango at nahihitik sa bunga ng magagandang aral. Sa ilalim ng pamamatnugot ni P. Manuel Mar

co, ang pananaimtim sa Santo Niño de Pasion ay nagsimula at kailanman ay di napatlangan hanggang sa mga panahong ito. Nguni't sa taong ito ay di pangkaraniwang dingal ang gaganapin sa Makati sa karangalan ng Santo Niño de Pasion. Ang maganda at kaaya-ayang larawan ay tanging sa Parokya ng Makati matatapuan. At dito pinipintuho nang buong giliw. Nalalarawan ang isang mangandang sanggol na ang suot na damit ay kulay Violeta. Kulay ng pagpapakasakit o Pasion, sa kanang kamay ay hawak ang isang Krus, tanda ng Kristiano at kasangkapan sa Pagtubos ni Kristo at sa kaliwang kamay ay isang koronang tinik at tatlong pako, sagisag ng Mahal na Pasion din ni Hesus. Minsan pa ay inaasahan ng nakalagda na ang bayan ng Makati at taga ibang bayan mang devoto ng Santo Niño de Pasion ay magbibigay dangal sa lalong iluluwalhati ng Dios at kapurihan ng Santa Iglesia. Makati, Rizal, Pebreo, 1949

REV. LAZARO OCHUGA, PBRO
Cura Paroco

Address

D. M. Rivera Street Brgy. Poblacion
Makati
1200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño de Pasion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share