16/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐
Nakikiramay ang SETA sa pamilya Thomas sa pagpanaw ng kanilang haligi ng tahanan na si G. Engelbert Thomas, ama ni Bro. Marc Vincent Thomas mula sa Configuration 2.
Sama-sama tayong manalangin para sa kapahingahan ng kanyang kaluluwa upang malugod siyang tanggapin ng mga koro ng mga anghel sa mapagmahal na yakap ng Panginoon. Isinasama rin natin sa ating mga panalangin ang kanyang pamilyang nagdadalamhati sa sandaling ito. Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang kapayapaan ng isip at puso sa gitna ng panahong ito ng pagsubok.