Youth Pastoral Council Sta. Teresita Parish

Youth Pastoral Council Sta. Teresita Parish Youth Ministry

✨ “Take courage! I have overcome the world.” — John 16:33Nagtipon ang mga Youth Ministry Coordinators ng Vicariate of Ou...
30/08/2026

✨ “Take courage! I have overcome the world.” — John 16:33

Nagtipon ang mga Youth Ministry Coordinators ng Vicariate of Our Lady of Guadalupe para sa isang fellowship and coordination meeting noong August 29, 2026, na ginanap sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati.

Dumalo ang mga youth leaders mula sa iba’t ibang parokya ng Vicariate—Santa Teresita Parish, Santuario de San Antonio Parish, Mary, Mirror of Justice Parish, St. John Marie Vianney Parish, at St. John of the Cross Parish.

Mas naging meaningful ang pagtitipon dahil personal na nakilala ng ating mga youth leaders ang bagong Vicariate Youth Director, Rev. Fr. Mark Adame Bakari. Isang bagong chapter, isang bagong pagkakataon na mas mapalalim ang collaboration at pagkakaisa ng mga kabataan sa Vicariate. 🙏

Kasabay ng fellowship ay ang paghahanda para sa mga nalalapit na activities para sa Archdiocesan Youth Month 2026 ngayong Setyembre.


Ang boto ng kabataan sa darating na eleksyon: Maka-Pilipinas! 🇵🇭 Nakibahagi ang ating mga youth representatives ng Parok...
29/08/2026

Ang boto ng kabataan sa darating na eleksyon: Maka-Pilipinas! 🇵🇭

Nakibahagi ang ating mga youth representatives ng Parokya sa RCAM-PPCRV Voters’ Education Program (Katipunan Module) na ginanap sa Mary, Mirror of Justice Parish, Pembo noong August 22, 2026.

Bilang mga kabataang tinatawag na maging responsableng mamamayan at lingkod ng bayan, mahalagang maging mulat tayo sa social and political realities ng ating lipunan. Ang bawat boto ay may boses, may pananagutan, at may ambag sa kinabukasang nais nating buuin.

Bitbit ang bagong kaalaman at kamalayan, patuloy tayong matuto, makialam, at makilahok—hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kapwa at sa ating minamahal na bayan. ❤️



"𝐴𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑖𝑔𝑑𝑖𝑔 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑟𝑜𝑜𝑛,    𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦-𝑎𝑟𝑖'𝑦 𝑠𝑖 𝑌𝑎ℎ𝑤𝑒ℎ 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.”(𝑀𝑔𝑎 𝐴𝑤𝑖𝑡 24:1)Maraming salama...
27/08/2026

"𝐴𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑖𝑔𝑑𝑖𝑔 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑟𝑜𝑜𝑛,
𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦-𝑎𝑟𝑖'𝑦 𝑠𝑖 𝑌𝑎ℎ𝑤𝑒ℎ 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.”
(𝑀𝑔𝑎 𝐴𝑤𝑖𝑡 24:1)

Maraming salamat po sa mga nakibahagi at sumuporta sa Bote't Dyaryo Collection Project ng Youth Pastoral Council para sa buwan ng Agosto ngayong taong 2026.

Maraming salamat din sa mga youth volunteers na nagbigay ng kanilang oras at tulong sa pamumuno ng ating Service Committee, Bro. Murphy at Bro. Raey Rasonable. Ang inyong munting handog malaking tulong para sa ating simbahan at kalikasan.

𝑾𝒐𝒓𝒌 𝑫𝒐𝒏𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏! 🌱♻️


06/08/2026

🔥 ARE YOU READY, YOUTH?! 🔥

Papahuli ka ba sa pinakamasayang tagisan ng talino ng taon?

It’s time to flex your faith and knowledge sa 11th SAN PEDRO CALUNGSOD CATEQUIZ ngayong darating na October 17, 2026! 🗓️

Gisingin ang natutulog na inner theologian at maki-bonding sa mga kapwa mo kabataan. Hindi lang ito basta quiz bee, may matinding tawanan, bagong tropa, at solid na experience pa ang naghihintay! 🏆✨

Kaya sa mga kabataan mula sa,
Archdiocesan Parish Youth Ministry (APYM)
RCAM Archdiocesan Youth Organizations and Movements - AYOM
Dormitory Ministry
RCAM Ministry on Campus
RCAM-ES

G na ba? G na yan! Ipakita natin na ang mga Kabataang Katoliko ng Arkidiyosesis ng Maynila ay lodi pagdating sa pananampalataya! 🙏💪👉

For more details, send us a message here 👉 [email protected] | ACY - Manila





𝑺𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒚, 𝒎𝒂𝒎𝒖𝒏𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒈𝒂𝒏𝒂! 🌿 Buong pusong nakiisa ang ating mga Officers ng Youth Pastoral Council sa Philippine...
28/07/2026

𝑺𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒚, 𝒎𝒂𝒎𝒖𝒏𝒈𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒂𝒈𝒂𝒏𝒂! 🌿

Buong pusong nakiisa ang ating mga Officers ng Youth Pastoral Council sa Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na ginanap noong Hulyo 26, 2026 sa University of Santo Tomas.

Sa makabuluhang araw ng paglalakbay na ito, mas naunawaan nila kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na Sangkay—isang kaibigang handang makinig 👂, umalalay 🤲, at samahang lumago sa pananampalataya ✝️, habang si Kristo ang laging sentro ng bawat hakbang.

Dalangin natin na ang karanasang ito ay maging inspirasyon sa kabataang lingkod ng parokya na maging tapat na kasama ng kanilang kapwa—hindi lang sa pagbuo ng tunay na pagkakaibigan, kundi higit sa lahat sa pag-akay sa kanila palapit kay Hesus sa pamamagitan ng kanilang salita, gawa, at pagiging buhay na patotoo. ✨

Dahil ang tunay na Sangkay ay hindi lang basta kasama sa paglalakbay—siya ang taong marahang umaakay sa iba palapit sa ating tunay na SANGKAY, si Hesukristo. 💙

“𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯, 𝘴𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘚𝘢 𝘩𝘢𝘭𝘪𝘱, 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘺𝘢𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰.” — Juan 15:15




28/06/2026

Maligayang Kaarawan, Fr. Paul Arnel Lucero, SMM! 🌹

Sa inyong espesyal na araw, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong tapat na paglilingkod, mapagmahal na paggabay, at inspirasyong ibinabahagi sa aming parokya.

Dalangin namin na patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong bokasyon. Nawa'y mapuno ang inyong puso ng kagalakan at pag-asa, tulad ng pagmamahal na patuloy ninyong ipinapadama sa aming lahat.

Maligayang kaarawan po, Fr. Dodong! Maraming salamat po sa pagiging mabuting pastol ng aming parokya. Nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos ng marami pang masasayang kaarawan. 🎉🙏💙

06/06/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋-𝐁𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍

Inaayayahan po namin ang lahat ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng ating parokya ng Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi sa darating na 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟳 𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼, 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼.

Ang lahat ng ay inaanyayahang makiisa sa Prusisyon ng Banal na Sakramento sa ganap na ika-5:00 N.H. at susundan naman ng pagdiriwang ng Banal na Misa, sa ganap na ika-6:00 N.G.

Halina at sambahin ang Panginoon sa Kabanal-banalang Sakramento!

Maraming salamat po sa mga nakibahagi at sumuporta sa Bote't Dyaryo Collection Project ng Youth Pastoral Council para sa...
06/06/2026

Maraming salamat po sa mga nakibahagi at sumuporta sa Bote't Dyaryo Collection Project ng Youth Pastoral Council para sa buwan ng June ngayong taong 2026.

Maraming salamat din sa mga youth volunteers na nagbigay ng kanilang oras at tulong sa pamumuno ng ating Service Committee. Ang inyong mga munting handog malaking tulong para sa ating simbahan at kalikasan.

𝑾𝒐𝒓𝒌 𝑫𝒐𝒏𝒆 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏! 🌱♻️


01/06/2026

Address

Makati
1215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Youth Pastoral Council Sta. Teresita Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share