Lord Of Pardon - Makati City

Lord Of Pardon - Makati City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lord Of Pardon - Makati City, Religious organisation, Makati.

Ang Kapatiran Señor Del Perdon - Makati City Unit ay isang Samahan na nagdedebosyon at naglilingkod sa Señor del Perdon bilang pagsasakripisyo at pagbabayad puri sa lahat ng mga kasalanan.

22/02/2026
Mayo 29, 2025 Maraming Salamat po Sis. Dheng Angulo at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ng Mahal na Perdon sa inyong Taha...
29/05/2025

Mayo 29, 2025

Maraming Salamat po Sis. Dheng Angulo at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ng Mahal na Perdon sa inyong Tahanan!

Pagpalain nawa kayo kasama ng inyong mga mahal sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo, Mahal na Perdon ng Walang Hanggang Biyaya!

Dinala ang Mahal na Perdon sa kanilang tahanan sa Tondo, Manila at magtatagal ng Mahigit Isang Buwan. Ito ang kanilang unang Pagtanggap sa Mahal na Perdon sa kanilang tahanan.

Panalanging Walang Hanggan Mahal na Perdon, Huwag niyo po kaming Pababayaan! Amen!



Mayo 17, 2025 | Pilgrimage of Hope Paglalakbay ng Kapatiran Señor Del Perdon sa walong simbahan ng Diyosesis ng Antipolo...
28/05/2025

Mayo 17, 2025 | Pilgrimage of Hope

Paglalakbay ng Kapatiran Señor Del Perdon sa walong simbahan ng Diyosesis ng Antipolo

1. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Abandoned - Marikina
2. Diocesan Shrine and Parish of St. Therese of the Child Jesus - Mayomot, Antipolo
3. Nuestra Señora De Annunciata Parish - Boso-Boso, Antipolo
4. International Shrine and Cathedral of Our Lady of Peace and Good Voyage, Parish of Immaculate Conception - Antipolo
5. Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light - Cainta, Rizal
6. Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist - Taytay, Rizal
7. Diocesan Shrine and Parish of St. Clement - Angono, Rizal
8. Sta. Ursula Parish - Binangonan, Rizal

Salamat po sa mga simbahang tumanggap sa amin!

Mayo 14, 2025 Maraming Salamat po Sis. Letty Arungay Coronado at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ulit ng Mahal na Perdon...
14/05/2025

Mayo 14, 2025

Maraming Salamat po Sis. Letty Arungay Coronado at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ulit ng Mahal na Perdon sa inyong Tahanan!

Pagpalain nawa kayo kasama ng inyong mga mahal sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo, Mahal na Perdon ng Walang Hanggang Biyaya!

Dinala ang Mahal na Perdon sa kanilang tahanan sa Binangonan, Rizal at magtatagal ng Dalawang Linggo.

Panalanging Walang Hanggan Mahal na Perdon, Huwag niyo po kaming Pababayaan! Amen!



09/05/2025
Pamimintuho tuwing Martes at Biyernes sa Mahal na PerdonPanalangin O Mahal na Perdon, kami po ay lumililong sa ilalim ng...
06/05/2025

Pamimintuho tuwing Martes at Biyernes sa Mahal na Perdon

Panalangin

O Mahal na Perdon, kami po ay lumililong sa ilalim ng iyong kapangyarihan. Ikaw po ang Panginoon ng Kapatawaran, humihingi kami ng tawad sa aming mga pagkakasala. Ikaw na tumubos sa aming mga sala sa kamatayan sa krus. Iniaalay mo ang iyong sarili saming lahat, kaya ngayon ay inaalay namin sa iyo ang aming mga sarili. Ituro mo po sa amin ang matuwid na landas patungo sa langit na iyong kaharian. Mahal na Perdon, pagpalain po ninyo ang aming mga tahanan, pamilya, kaibigan, samahan at ang aming bansa. Iligtas mo po kami sa mga kaharasan ng lindol, apoy, bagyo at iba pang mga panganib. Ilayo niyo kami sa mga salot, kapansanan, at karamdaman na maaring mapahamak sa aming buhay. Nawa'y makamtan namin ang iyong pagpapala, gayon din naman kaming may sala, kami po ay iyong patawarin. O Hesus, Mahal na Perdon, ang aming dalangin ay iyo sanang dinggin, sa aming pagkakaharap sa inyo. Siya Nawa.

Ama Namin
Aba ginoong Maria
Luwalhati

O Mahal na Perdon, Kaawaan mo po kami.

Mayo 1, 2025 Maraming Salamat po Mrs. Luz Balasbas at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ulit ng Mahal na Perdon sa inyong ...
01/05/2025

Mayo 1, 2025

Maraming Salamat po Mrs. Luz Balasbas at sa inyong Pamilya sa pagtanggap ulit ng Mahal na Perdon sa inyong Tahanan!

Pagpalain nawa kayo kasama ng inyong mga mahal sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo, Mahal na Perdon ng Walang Hanggang Biyaya!

Dinala ang Mahal na Perdon sa kanilang tahanan sa Pasig at magtatagal ng Dalawang Linggo.

Panalanging Walang Hanggan Mahal na Perdon, Huwag niyo po kaming Pababayaan! Amen!



Mayo 1, 2025 | Ang Munting gayak para sa Pagbababa ng Mahal na Perdon mula sa Chapel.
01/05/2025

Mayo 1, 2025 | Ang Munting gayak para sa Pagbababa ng Mahal na Perdon mula sa Chapel.

TIGNANAng bagong bihis sa mga P**n para sa Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
25/04/2025

TIGNAN

Ang bagong bihis sa mga P**n para sa Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

PASASALAMAT SEMANA SANTA 2025Maraming maraming Salamat po sa mga Taong tumulong, sumama, at nakiisa sa pagdiriwang ng Mg...
24/04/2025

PASASALAMAT SEMANA SANTA 2025

Maraming maraming Salamat po sa mga Taong tumulong, sumama, at nakiisa sa pagdiriwang ng Mga Mahal na Araw ng Kapatiran Señor Del Perdon

1. Sa mga tahanan sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City na buong pusong tumanggap sa Mahal na Perdon :

• Mrs. Anna Cano at Pamilya

• Sis. Mea Virtudazo at Pamilya

• Mrs. Kaye Cabalhin at Pamilya

• Mrs. Aileen Olarte

• Mrs. Amy Amago

• Mrs. Grace

• Mrs. Jenny Caramat at Pamilya

• Orbida's Residence

• Sis. Anna Ledda

2. Sa mga Perdonista na lagi at patuloy na sumasama at nakabuo ng siyam na araw na pag nonobena at pag sama prusisyon. At ganun din sa pagsama sa Prusisyon ng Miyerkules Santo sa Poblacion, Makati City.

3. Mga taong walang pasubaling pagtulong sa Mahal na Perdon hanggang sa Taunang Pabasa sa ating Chapel.

Ang Mahal na Perdon na po ang bahal magbalik sa inyo ng siksik, liglig, at umaapaw na biyaya! Maraming maraming Salamat po!

Sa susunod po ulit na Semana Santa !

ANG IKA-SIYAM NA ARAW SA PAGSIYASIYAM SA PANGINOON NG KAPATAWARAN(Ang Nobena sa Mahal na Perdon)V: Ave Maria Purissima.R...
16/04/2025

ANG IKA-SIYAM NA ARAW SA PAGSIYASIYAM SA PANGINOON NG KAPATAWARAN
(Ang Nobena sa Mahal na Perdon)

V: Ave Maria Purissima.
R: Sin Pecado Concebida.

Sa Ngalan ng Ama at Anak, ng Espiritu Santo. Amen.

V: Aawit po tayo.

-ANO PANG DAPAT MONG GAWIN-

Ano pang dapat mong gawin,
Hesus poong mahabagin.
Upang puso mo’y akitin,
Na ang puso mo’y sintahin.

Koro:
Sa krus ikaw ay namatay,
Upang kami ay mabuhay.
Laman mo’y pagkain tunay,
Anong laking pagmamahal.

Kaya Hesus yaring puso,
Alay ko sa iyong buo.
Ngayon ay aking pangako,
Lagi sa iyo’y susuko.

(ulitin ng koro)

Ligayang walang kapantay,
Ang sa iyo’y nagmamahal.
Ngunit kahit na dalisay,
Ang sa iyo’y mamamatay.

PAGSISI

Panginoon kong Hesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, na gumawa at sumakop amin, pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo na ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko ng lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na ako muli-muling makakasala sa iyo, at nagtitika naman akong mangungumpisal sa dilang kasalanan ko. Umaasa akong papatawarin mo kami alang-alang sa Mahal na Pasyon at Pagkamatay mo sa Krus, ng dahil sa amin. Siya Nawa.

PANALANGIN SA LAHAT NG ARAW

Diyos na Panginoon at Ama ng lahat ng bagay, kami’y sana’y pagpalain ng iyong liwanag, upang makita namin ang katotohanan at madama ang iyong kapatawaran sa bisa ng iyong Pitong Wika na aming magugunita ngayon.
Pinasasalamatan namin ng buong puso ang pagkakataong ito na aming makitang muli ang mga palatandaan ng iyong walang hanggang kaawaan.
Nababatid namin Panginoon na kami’y iyong minamahal, at ang pagmamahal na iyan ang dahilan ng aming pamumuhay dito sa lupa.
Wala kaming ibang ninanais kundi mapabuti ang aming buhay at maging kalugod lugod sa iyong mga mata ang aming mga gawain.
Ipahintulot mong magampanan namin ng tapat ang lahat ng aming mga tungkulin sa buhay at sa gayon ay magkamit ng iyong ,mahahalagang biyaya.
Ito ang mga pagkakataong ibinuhos mo sa sangkatauhan ang iyong walang hanggang kahabagan.
Ihanda mo Panginoon ang aming isipan namin at puso upang iyong mga aral ay pulutin at gampanan sa lalong ikababanal ng aming abang pamumuhay.
Ikaw lamang O Hesus ang aming inaasahang mag-aakay sa amin sa buhay na ito, patungo sa landas, tungo sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa.

V: Aawit po tayo.

-MAHAL NA PUSO NI HESUS-

Mahal na Puso ni Hesus,
Kami ay kupkupin.
Akitin ang puso namin,
Ang grasya’y makamatan.

Koro:
O Kristo’y dinggin,
Aming Panalangin.
Laging angkinin,
Ang puso namin.

Banal na templo’t tahanan,
Dito’y kalangitan.
Aliw namin kayamanan,
Ang lagi mong laan.

(ulitin ang koro)

Mga puso’y ipiniid,
Ala-ala’y said.
Ang sala ng tao’y hatid,
Sugat sa iyong gilid.

(ulitin ang koro)

-PANIMULANG PANALANGIN SA SANTO ROSARYO-

V: Aba Ginoong Maria napupuno ka ng Grasya ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
R: Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ng iyong anak si Hesus.

V: Buksan mo Panginoon ko ang aming mga labi.
R: At purihin ka ng aming dila

V: Pagsakitan mo Diyos ko ang pag-ampon at pagsaklolo mo sa amin.
R: At iadya mo kami sa mga kaaway.

V: Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo.
R: Kapara ng sa unang-una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Siya Nawa.

(Dito ay Magdasal ng Santo Rosaryo)

ATING PAGNILAYAN ANG MGA MISTERYO NG HAPIS :

1. Ang Pananalangin sa Halamanan ng Getsemani.
2. Ang Paghampas kay Hesus sa haliging bato.
3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik sa Kamahal Mahalang ulo ng Ating Panginoong Hesukristo.
4. Ang Pagpapasan ng Krus patungong Kalbaryo.
5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa Krus.

PANALANGIN SA IKA-SIYAM NA ARAW

Panginoon, natapos na ang iyong pag-aalay ng buhay.
Panginoon, ikaw ay namatay upang kami’y mabuhay.
Salamat, Panginoon, at kami ay makakasama mo rin sa langit sa kabila ng aming pagkakasala, kami’y iyong pinatawad.
Kaya ngayon ay kami ang naghahabilin ng aming kaluluwa. Ikaw ang siyang magtataguyod sa aming paglalakbay dito sa lupa.
Tulungan mo kami sa aming pagbabagong buhay at ang iyong biyaya ay huwag mong ipagkait sa amin.
Ang iyong pag-ibig ay iniwan mo sa amin, kaya ang pag-ibig namin ang aming isinusukli sa iyo, Panginoon.
Inahabilin namin sa iyo ang aming kaluluwa, pagkalooban mo kami ng minimithing kabanalan.
Inahabilin namin sa iyo ang aming katawan, gawin sana naming sangkap ng aming ikadadakila, sa halip na gawing kasangkapan sa ikapapariwara.
Inahabilin namin sa iyo ang aming mga mahal sa buhay, pagpalain mo sila ng tanang biyaya ng iyong kabutihan at iligtas kaming lahat sa mga ligalig.
Ipagtanggol kami sa pagkakasala, upang huwag mapariwara ang aming kaluluwa.
Panginoon, inahabilin namin sa iyong ang buong daigdig pagkalooban mo sana ng kapayapaan, pagkakaunawaan at tunay at dalisay na pagmamahalan. Siya Nawa.

DALIT SA MAHAL NA PERDON

R: Oh Mahal na Santo Kristo
Na aliw ng mga tao
Kami’y lingapin mo
Na tinubos ng dugo mo.

L: Sambahin natin si Kristong Mahal
Ng kami ay malunasan
Sa aming mga Karamdaman.

R: Ang takot ay lubhang totoo,
Oh Birheng Ina ko,
Doon sa halamanan,
Ng pawisan si Hesus ng dugong buhay.

L: Sambahin natin si Kristong Mahal
Ng kami ay malunasan
Sa aming mga Karamdaman.

R: Dahil doon sa sindak niya;
Birhen naming mapaninta,
Sakit namin mapasama,
Doon sa matinding hirap niya.

L: Sambahin natin si Kristong Mahal
Ng kami ay malunasan
Sa aming mga Karamdaman.

LITANYA NG KAMAHAL-MAHALANG DUGO

Panginoon, maawa ka.
Kristo, maawa ka.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami, Kristo pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak na Tumubos sa Sanlibutan, maawa ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa amin.
Santisima Trinidad, na iisang Diyos, maawa ka sa amin.
Dugo ni Kristo na bugtong na Anak ng Amang walang haanggan, maawa ka sa amin.
Dugo ni Kristo na verbo ng Diyos na nagkatawang-tao, maawa ka sa amin.
Dugo ni Kristo ng bago at walang hanggang Tipan, maawa ka sa amin.
Dugo ni Kristo na dumanak sa lupa dahil sa matinding hirap, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na umagos dahil sa hampas, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na tumulo sa Koronang Tinik, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na tumulo sa Krus, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo kabayaran ng aming Kaligtasan, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na tanging Bukal ng Kapatawaran, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na inumin sa Eukaristiya pampasigla sa Kaluluwa, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo batis ng Kaawaan, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na nagtagumpay laban sa Demonyo, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na nagpapatapang sa mga Martir, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na nagpapalakas ng mga Kumpesor, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na nagpapasilang sa mga Birhen, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na saklolo ng mga nanganganib, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na tulong sa mga napapagal, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na aliw ng mga nalulumbay, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na pag-asa ng mga nagsisisi, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na kaginhawaan sa mga nanghihingalo, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na kapayapaan at katamisan ng mga Puso, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo katiyakan ng buhay na walang hanggan, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na humango ng mga kaluluwa sa Purgatoryo, Iligtas mo kami.
Dugo ni Kristo na karapat-dapat sa lahat ng luwalhati at Dangal, Iligtas mo kami.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin mo po kami Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sandaigdigan, Pakapakinggan mo po kami Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan, Maawa ka po sa amin.

V: Sa iyong Dugo, Panginoon tinubos mo kami.
R: At ginawa mo kaming kaharian ng aming Diyos.

MANALANGIN TAYO

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, hinirang mong manunubos ng daigdig ang iyong kaisa-isang Anak at niloob mong payapain ka ng kaniyang Dugo. ipagkaloob mo, hinihiling namin sa iyo, na aming sambahing nararapat, itong halaga ng aming kaligtasan at sa pamamagitan niya ay maipagtanggol sa mga sama ng buhay na ito upang tamasahin ang kaniyang bunga sa langit magpakailanman. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon. Siya Nawa.

V: Aawit po tayo.

-MAAWAIN NA HESUS-

Maawain na Hesus,
Patawarin mo kami.
Sa aming mga kasamaan,
Maraming kasalanan.

Kami ay nagsisi na,
At ‘di na uulit pa.
Habang may buhay,
Ikaw ay paglilingkuran

Ilaw ng pagbabangong buhay,
Kami’y makasalanan.
Nais naming makamtan,
Ang buhay na walang hanggan.

O Hesus maawa ka,
Panalangin dinggin mo.
Habang may buhay,
Ikaw ay paglilingkuran.

Habang may buhay,
Ikaw ay paglilingkuran.

ABA PO SANTA MARIA

Aba po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; namin. Ay Aba pinapanaligan ka namin, ikaw nga po ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin po ang pinagbubuntung hininga namin ng aming pagtangis, dito sa lupang bayang kahapis hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata mong maawain at kung matapos yaring pagpanaw mo sa amin, ipakita mo sa amin ang Iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam, at matamis na Birhen.

V:Ipanalangin mo kami O Santang Ina ng Diyos.
R:Nang kami’y maging karapat dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

-ADIOS REINA DE CIELO-

Adios reina de cielo,
Madre del Salvador.
Dulce prenda adorada,
De mi sincero amor.

De tu Divino rostro,
La belleza admirar.
Permite me que vuelva,
Tus plantas a besar.

Alejarse o Maria,
No asiento el corazon.
Te lo entrego senora,
De me tu bendicion.

Adios de cielo encanto,
Ami amor o deo.
Adios oh Madre Mia,
Adios, adios, adios.

PANALANGIN SA HULING ARAW
(Miyerkules Santo)

LAHAT: O Mahal Na Perdon, dumating na ang sandali ng aming pag aalay ng aming panalangin sa loob ng Siyam na Gabi. Hindi kayang bigkasin ng aming mga labi ang pasasalamat na naguumapaw sa aming mga puso.

O Mapagmahal na Perdon, nawa'y sa susunod na taon, magampanan nawa namin muli ng buong puso ang aming mga tungkulin, sama sama nawa kaming manalangin at magpasalamat sa iyo. Salamat Mahal na Perdon, Salamat, sa mga biyayang ipinagkaloob mo po sa amin. Salamat sa mga taong iyong ipinagaling. Salamat sa mga kahilingang iyong nadinig. Susunod na taon ay amin kang hihintayin ng buong pananabik.

O Mahal na Perdon, nawa'y manirahan sa aming mga puso ang iyong pagmamahal. Igawad mo po sa amin ang iyong bendisyon, basbasan niyo po ang aming mga pamilya, Basbasan niyo po ang aming mga tahanan, basbasan niyo po ang mga kapatid na nandirito, Ang Samahang Kapatiran Señor del Perdon basbasan niyo po ang aming mga pang-unawa, upang kayo'y laging isipin at tumira sa inyong kabanal-banalang puso, magpakailanman. SIYA NAWA.

-HINAGPIS NG MAKASALANAN NAGSISI (PATAWAD O DIYOS KO)-

Koro:
Patawad O Diyos ko,
Diyos ko ay patawad.
Patawari’t kaawaan,
Patawad O Diyos ko.

I.
Nagkasala ako,
Tinatanggap ko.
Ako ay nababalisa,
Sa nagawang sala.

II.
Walang utang a loob,
Pinaalis ka sa puso.
Na walang habag,
Aming manunubos.

III.
Ang katawang lupa,
Higit kong minahal.
Tigmakin ang kaluluwa,
Patawarin ako.

IV.
Ako’y naging masama,
Di nagpahalaga.
Sa namatay sa krus,
Dahil sa amin.

V.
Sa krus pinatulo,
Ang mahal mong dugo.
Buhay inihain,
Kahit ‘di na pansin.

VI.
Kaya nga, O Diyos ko,
Bumabalik sa iyo.
Ang sala ko sa iyo,
Patawarin ako.

VII.
Sa dugo hugasan,
Aming kasalanan.
Pawiin ang galit,
Upang masagip.

VIII.
Ako’y nangangako,
Sa daan ‘di liliko.
At sa iyo,
‘Di na lalayo.

IX.
Hesus, ako’y hawakan,
Huwag mong pabayaan.
Sa oras ng aming,
Kamatayan.

X.
Tulungan mo kami,
Ng huwag malugami.
Na ang langit,
Ang siyang magwagi

Address

Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lord Of Pardon - Makati City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share