27/04/2026
IKA-LIMANG LINGGO NG PASKO
NG MULING PAGKABUHAY
MGA TANONG AT MGA SAGOT
NA MAKIKITA PAGKATAPOS
NG MGA PAGBASA PARA SA
LINGGONG ITO
SA SUMUSUNOD NA MGA
PAGBASA, TUMUTOK TAYO
SA ISANG ARAL LAMANG
PARA MATALAKAY NG LU-
BUSAN.
1. Ano po ang isa sa mga ARAL
na nais iparating ng tatlong
Pagbasa ngayong IKA-LIMANG
LINGGO NG PASKO NG MULING
PAGKABUHAY.
Ang isa po sa mga ARAL ay ito:
NAKIKITA NG MGA MATA ANG
MAY PUSONG HANDA.
UNANG PAGBASA MULA SA
MGA GAWA NG MGA APOSTOL
Gawa 6:1-7
Noong mga araw na iyon,
dumarami na ang mga su-
masampalataya at nagrek-
lamo ang mga Helenista
laban sa mga Hebreo. Sina-
bi nilang ang mga babaing
balo sa pangkat nila ay na-
papabayaan sa pang-araw-
araw na pamamahagi ng
ikabubuhay. Kaya’t tinipon
ng Labindalawa ang buong
kapulungan ng mga suma-
sampalataya at sinabi sa
kanila, “Hindi namin dapat
pabayaan ang pangangaral
ng salita ng Diyos upang
mangasiwa sa pamamahagi
ng ikabubuhay. Kaya, mga
kapatid, pumili kayo sa mga
kasamahan ninyo ng pitong
lalaking kilala sa pagiging
mabuti, matatalino at pus-
pos ng Espiritu Santo, at ila-
lagay namin sila sa tungku-
ling ito. At iuukol namin ang
buong panahon sa panana-
langin at sa pangangaral ng
Salita.” Nalugod ang buong
kapulungan sa panukala ng
mga apostol; kaya’t pinili ni-
la si Esteban, isang lalaking
matibay ang pananalig sa Di-
yos at puspos ng Espiritu
Santo, at sina Felipe, Procoro,
Nicanor, Timon, Parmenas,
at Nicolas na taga-Antioquia,
isang Hentil na naakit sa Ju-
daismo. Iniharap sila sa mga
apostol; sila’y ipinanalangin
ng mga ito at pinatungan ng
kamay. Patuloy na lumaga-
nap ang salita ng Diyos; at
ang sumasampalataya ay pa-
rami nang parami sa Jerusa-
lem. At maging sa mga saser-
dote, marami ang sumampa-
lataya.
Ang Salita ng Diyos.
B – Salamat sa Diyos!
SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19
P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.
Lahat ng matuwid dapat na
magsaya dahil sa ginawa ng
Diyos sa kanila; Kayong ma-
sunuri’y magpuri sa kanya!
Ang Diyos na P**n ay pasa-
lamatan, tugtugin ang alpa’t
awit ay saliwan.
P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.
Panginoo’y tapat sa kanyang
salita, at maaasahan ang kan-
yang ginawa. Minamahal niya
ang gawang matapat, ang pag-
ibig niya sa mundo’y laganap.
P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.
Ang may takot sa Diyos, at
nagtitiwala sa kanyang pag-
ibig, ay kinakalinga. Hindi
babayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila’y
binubuhay.
P**n, pag-asa ka namin,
pag-ibig mo’y aming hiling.
IKALAWANG PAGBASA MULA
SA UNANG SULAT NI APOSTOL
SAN PEDRO
1 Pedro 2:4-9
Mga pinakamamahal:
Lumapit kayo sa Panginoon,
sa batong buhay na itinakwil
ng mga tao, ngunit hinirang
ng Diyos at mahalaga sa kan-
yang paningin. Wari’y mga
batong buhay, maging sang-
kap kayo ng isang templong
espiritwal. At bilang mga sa-
serdoteng nakatalaga sa Di-
yos, maghandog kayo sa kan-
ya ng mga haing espiritwal
na kalugud-lugod sa Diyos
dahil kay Hesukristo. Sapag-
kat sinasabi ng Kasulatan:
“Masdan ninyo, itinayo ko
sa Sion ang isang batong pa-
nulukan, hinirang at mahala-
ga; hindi mabibigo ang sinu-
mang nananalig sa kanya.”
Kaya nga, mahalaga siya sa
inyong mga may pananalig.
Ngunit sa mga walang pana-
nalig, matutupad ang nasa
Kasulatan: “Ang batong iti-
nakwil ng mga tagapagtayo
ay siyang naging batong-pa-
nulukan” at “naging batong
katitisuran at ikararapa ng
mga tao.” Natisod sila sapag-
kat hindi sila sumunod sa sa-
lita ng Diyos; ito ang itinala-
ga sa kanila. Datapwat kayo
ay isang lahing hinirang, mga
saserdote ng Hari, isang ban-
sang nakatalaga sa Diyos. Pi-
nili kayo ng Diyos upang ma-
ging kanya at maghayag ng
mga kahanga-hangang gawa
niya. Siya rin ang tumawag sa
inyo mula sa kadiliman tungo
sa kanyang kagilagilalas na
kaliwanagan.
Ang Salita ng Diyos.
B – Salamat sa Diyos!
ALELUYA
Juan 14, 6
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA AYON
KAY SAN JUAN
Juan 14:1-12
P – Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San Juan.
B – Papuri sa iyo, Panginoon!
Noong panahong iyon, sinabi
ni Hesus sa kanyang mga ala-
gad: “Huwag kayong mabalisa;
manalig kayo sa Diyos at mana-
lig din kayo sa akin. Sa bahay
ng aking Ama ay maraming si-
lid; kung hindi gayon, sinabi ko
na sana sa inyo. At paroroon
ako upang ipaghanda ko kayo
ng matitirhan. Kapag naroroon
na ako at naipaghanda na kayo
ng matitirhan, babalik ako at
isasama kayo sa kinaroroonan
ko. At alam na ninyo ang daan
patungo sa pupuntahan ko.”
Sinabi sa kanya ni Tomas, “Pa-
nginoon, hindi po namin alam
kung saan kayo pupunta, paa-
no naming malalaman ang da-
an?” Sumagot si Hesus, “Ako
ang DAAN, ang KATOTOHANAN,
at ang BUHAY. Walang makapu-
punta sa Ama kundi sa pama-
magitan ko.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B – Pinupuri ka naming, Panginoong
Hesukristo!
MGA TANONG AT MGA SAGOT:
1. Ano po ang isa sa mga ARAL
na nais iparating ng tatlong
Pagbasa ngayong IKA-LIMANG
LINGGO NG PASKO NG MULING
PAGKABUHAY.
Ang isa po sa mga ARAL ay ito:
NAKIKITA NG MGA MATA ANG
MAY PUSONG HANDA.
2. UNANG PAGBASA
a. Saan mula ang Unang Pagbasa?
MULA SA MGA GAWA NG MGA
APOSTOL.
b. Sa Unang Pagbasa, kanino
mga puso ang handa?
ANG PUSO NG MGA MIYEM-
BRO NG BUONG KAPULUNGAN
NG MGA SUMASAMPALATAYA.
c. Saan handa ang kanilang mga
puso?
HANDA ANG KANILANG MGA
PUSO NA BIGYAN NG SOLUSYON
ANG REKLAMO NG MGA HELLE-
NISTA LABAN SA MGA HEBREO.
ANG REKLAMO NG MGA HELLE-
NISTA AY ITO: ANG MGA BABAING
BALO SA PANGKAT NILA AY NA-
PAPABAYAAN SA PANG-ARAW-
ARAW NA PAMAMAHAGI NG
IKABUBUHAY.
d. Dahil handa ang kanilang mga
puso, ano ang nakita ng mga
mata nila?
NAKITA NG MGA MATA NG MGA
MIYEMBRO NG KAPULUNGAN
NA KALUGOD-LUGOD ANG PANU-
KALA NG MGA APOSTOL. ITO AY
ANG PUMILI ANG BUONG KAPU-
LUNGAN SA MGA KASAMAHAN
NILA NG PITONG LALAKING KILA-
LA SA PAGIGING MABUTI, MATA-
LINO AT PUSPOS NG ESPIRITU
SANTO, AT ILALAGAY SILA NG MGA
APOSTOL SA TUNGKULIN NG PA-
NGANGASIWA SA PAMAMAHAGI
NG IKABUBUHAY PARA WALANG
MAPAPABAYAAN. SA GAYON, MA-
IUUKOL NG MGA APOSTOL ANG
KANILANG BUONG PANAHON SA
PANALANGIN AT SA PANGANGA-
RAL NG SALITA NG DIYOS.
e. Ano ang ginawa nila sa nakita
ng kanilang mga mata?
TINUPAD NILA ANG PANUKALA
NG MGA APOSTOL. KAYA PINILI
NILA SI ESTEBAN, ISANG LALA-
KING MATIBAY ANG PANANA-
LIG SA DIYOS AT PUSPOS NG ES-
PIRITU SANTO, AT SINA FELIPE,
PROCORO, NICANOR, TIMON,
PARMENAS AT NICOLAS NA TAGA-
ANTIOQUIA, ISANG HENTIL NA
NAAKIT SA JUDAISMO. INIHARAP
SILA SA MGA APOSTOL; SILA’Y
IPINANALANGIN NG MGA ITO AT
PINATUNGAN NG KAMAY.
2. IKALAWANG PAGBASA
a. Saan mula ang Ikalawang
Pagbasa?
MULA SA UNANG SULAT NI
APOSTOL SAN PEDRO.
b. Sa Ikalawang Pagbasa, kani-
nong mga puso ang handa?
ANG MGA PUSO NG MGA LU-
MALAPIT SA PANGINOON, ANG
BATONG BUHAY NA ITINAKWIL
NG MGA TAO, NGUNIT HINIRA-
NG NG DIYOS, AT MAHALAGA
SA KANYANG PANINGIN.
c. Saan handa ang kanilang mga
puso?
HANDA ANG KANILANG PUSO
BILANG MGA BATONG BUHAY
NA MAGING SANGKAP NG ISANG
TEMPLONG ESPIRITWAL. AT BI-
LANG MGA SASERDOTENG NA-
KATALAGA SA DIYOS, HANDANG
MAGHANDOG NG MGA HAING
ESPIRITWAL NA KALUGOD-LU-
GOD SA DIYOS DAHIL KAY HESU-
KRISTO.
d. Dahil handa ang kanilang mga
puso, ano ang nakita ng mga
mata nila?
NAKITA NG MGA MATA NG MGA
LUMALAPIT SA PANGINOON, ANG
BATONG BUHAY NA SILA AY ISANG
LAHING HINIRANG, MGA SASER-
DOTE NG HARI, ISANG BANSANG
NAKATALAGA SA DIYOS. PINILI NG
DIYOS UPANG MAGING KANYA AT
MAGHAYAG NG MGA KAHANGA-
HANGANG GAWA NIYA. TINAWAG
NG DIYOS SA KADILIMANAN TUNGO
SA KANYANG KAGILA-GILALAS NA
KALIWANAGAN.
3. MABUTING BALITA
a. Ayon kanino ang Mabuting Balita?
AYON KAY SAN JUAN.
b. Sa Mabuting Balita, kaninong
puso ang handa?
ANG PUSO NI APOSTOL TOMAS.
c. Saan handa ang kanyang puso?
SA SINABI NG PANGINOONG HE-
SUS SA KANILANG MGA ALAGAD:
“HUWAG KAYONG MABALISA;
MANALIG KAYO SA DIYOS AT MA-
NALIG DIN KAYO SA AKIN. SA BA-
HAY NG AKING AMA AY MARAMI-
NG SILID; KUNG HINDI GAYON,
SINABI KO NA SANA SA INYO. AT
PAROROON AKO UPANG IPAGHA-
NDA KO KAYO NG MATITIRHAN.
KAPAG NAROROON NA AKO AT
NAIPAGHANDA NA KAYO NG MA-
TITIRHAN, BABALIK AKO AT ISASA-
MA KAYO SA KINAROROONAN KO.
AT ALAM NA NINYO ANG DAAN
PATUNGO SA PUPUNTAHAN KO”
(Juan 14:1-4).
d. Bakit naging handa ang puso
niya?
DAHIL INALAM NIYA ANG DAAN
TUNGO SA PUPUNTAHAN NG
PANGINOONG HESUS. KAYA, TI-
NANONG NIYA, “PANGINOON,
HINDI PO NAMIN ALAM KUNG
SAAN KAYO PUPUNTA, PAANO
NAMIN MALALAMAN ANG DAAN?
(Juan 14:5).
e. Dahil handa ang kanyang puso,
ano ang nakita ng mga mata niya?
NAKITA NG MGA MATA NI APOSTOL
TOMAS NA ANG PANGINOONG HE-
SUS AY ANG DAAN, KATOTOHANAN
AT ANG BUHAY, NA WALANG MAKA-
PUPUNTA SA BAHAY NG KANYANG
AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN NIYA.
5. PAGSASABUHAY
Ayon sa natutuhan nating
ARAL ngayong IKA-5 LINGGO
NG PASKO NG MULING PAG-
KABUHAY:
ANG NAKIKITA NG MGA MATA
KAPAG HANDA ANG PUSO.
a. Magbahagi ng iyong mga gi-
nagawa o gagawin upang
maging handa ang iyong puso.
Dahil handa na ang iyong puso,
ano ang nakikita ng iyong mga
mata? At ano ang iyong ginaga-
wa sa nakikita ng iyong mga mata?
b. Magbahagi ng iyong mga gi-
nagawa o gagawin upang ma-
tulungan ang iyong kapwa na
maging handa ang kanilang
puso. Dahil handa ang kanilang
puso, ano ang nakikita ng kani-
lang mga mata? At ano ang gi-
nagawa nila sa nakikita ng kani-
lang mga mata?
photos: ctto