Nuestra Señora del Pilar Parish

Nuestra Señora del Pilar Parish The official page of the Nuestra Señora del Pilar Parish, Brgy. Suba, Majayjay, Laguna

2nd Page: Kamanggagawa ni Dada Pilar

25/08/2026

𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 | 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗢𝗗𝗘 𝟑

𝘏𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢: 𝘓𝘪𝘯𝘨𝘬𝘰𝘥 𝘚𝘢 𝘗𝘢𝘨𝘭𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯

Sa bawat paglilingkod ay may kuwento ng pananampalataya, pagsubok, at pagtugon sa tawag ng Diyos.

35 years of faith. One faithful servant.

Sa ika-tatlong episode ng 𝗕𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 , samahan natin si Brother Narciso na ibahagi ang kanyang karanasan bilang isang 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗦𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 at ang mga biyayang natagpuan niya sa kanyang paglilingkod.

𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐. 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒊𝒚𝒂𝒚𝒂. 💙



Verse of the Day || Ika-25 ng Agosto 2026“Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakaila...
25/08/2026

Verse of the Day || Ika-25 ng Agosto 2026

“Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.”

- Mga Awit 100:5

HOMILY HIGHLIGHTS || Linggo sa Karaniwang Panahon“Ang Simbahan ay itinatag ni Kristo at Siya ang tunay na pundasyon nito...
24/08/2026

HOMILY HIGHLIGHTS || Linggo sa Karaniwang Panahon

“Ang Simbahan ay itinatag ni Kristo at Siya ang tunay na pundasyon nito. Kaya kapag minahal ang Simbahan, minamahal din natin si Kristo na siyang puso at pinagmulan nito."

— Mula sa homiliya ni Rev Fr. Atty. Manuel Manggao patungkol sa ebanghelyo ayon kay San Mateo.

Ulat Parokya ||TINGNAN || Bagong Mukha ng Nuestra Señora Del Pilar de Suba Unti-Unti nang Nabibigyang Buhay at Kulay!!!M...
23/08/2026

Ulat Parokya ||

TINGNAN || Bagong Mukha ng Nuestra Señora Del Pilar de Suba Unti-Unti nang Nabibigyang Buhay at Kulay!!!

Makalipas ang ilang linggo ng ating pag-uulat ay makikita sa mga litrato ang malaking improvement sa ginagawang bagong “facade” o mukha ng parokya.

Hindi nga maiwasan na mapalingon ang mga dumadaan sa harapan ng parokya ng Nuestra Señora Del Pilar de Suba sapagkat unti-unti na ngang nakikita ang bagong mukha ng parokya. Bagamat madami pa din ang kailangan gawin ay pursigido naman ang bawat kamanggagawa ng parokya. Sa bawat araw na nagdaraan ay patuloy ang ating mga kamanggagawa upang makalikom ng sapat na pondo upang maisakatuparan ang proyektong ito na siyang huling bahagi ng 3 phase improvement ng Parokya.

Sa mga nagnanais pong makiisa sa hangarin ng parokya na gawing higit na maganda at kaaya-aya ang parokya para sa lahat ay maari po kayong makipa-ugnayan sa tanggapan ng parokya o mag iwan ng mensahe sa aming FB page.

=====

Herald’s Pillar
Media Ministry of Nuestra Señora Del Pilar de Suba
Brgy. Suba, Majayjay, Laguna

18/08/2026

𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 | 𝗘𝗣𝗜𝗦𝗢𝗗𝗘 𝟐

𝘏𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢: 𝘈𝘯𝘨 𝘛𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢

Sa bawat paglilingkod ay may kuwento ng pananampalataya, pagsubok, at pagtugon sa tawag ng Diyos.

Sa ikalawang episode ng 𝗕𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮, samahan natin siyang ibahagi ang kanyang karanasan bilang isang 𝗧𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 at ang mga biyayang natagpuan niya sa kanyang paglilingkod.

𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐. 𝑩𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒊𝒚𝒂𝒚𝒂. 💙


Paggunita sa Kapistahan ni San Tarcisio Patron ng mga Lingkod ng Dambana o mga Sakristan.San Tarcisio ng Roma Martyr at ...
15/08/2026

Paggunita sa Kapistahan ni San Tarcisio Patron ng mga Lingkod ng Dambana o mga Sakristan.

San Tarcisio ng Roma Martyr at Tagapaglingkod ng Banal na Eukaristiya Ipanalangin mo kami!

Paggunita sa Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
15/08/2026

Paggunita sa Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria

ULAT PAROKYA  ||"Pagbibigay ng Mukha at Kulay sa Facade ng Nuestra Señora del Pilar de Suba, Hindi Napigilan ng Bagyo at...
14/08/2026

ULAT PAROKYA ||

"Pagbibigay ng Mukha at Kulay sa Facade ng Nuestra Señora del Pilar de Suba, Hindi Napigilan ng Bagyo at Malakas na Ulan"

Sa kabila ng ilang araw ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyo, at ng paulit-ulit na pagsususpinde ng pasok ng mga mag-aaral at ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong institusyon, hindi nasuspinde ang hangarin ng ating mga kamanggagawa na matapos ang pinapangarap na bagong mukha ng parokya, gayundin ang kasalukuyang ginagawang kampanaryo.

Makikita sa mga larawang kuha ni Rev. Fr. Atty. Manuel Manggao na patuloy pa rin ang paggawa sa parokya. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang inilalagay ang mga natural stones na magbibigay ng bagong mukha at kulay sa ating simbahan.

Inaasahan na bago matapos ang taong ito, masisilayan na ng mga parokyano — lalo na ng mga kamanggagawa ng parokya — ang bunga ng kanilang sakripisyo at pagsisikap.

Patuloy din ang panawagan ng parokya sa lahat ng may mabubuting kalooban at mga deboto ng Mahal na Birheng del Pilar na makiisa sa layunin ng parokya na higit na mapaganda at makilala ang Nuestra Señora del Pilar de Suba.

Para sa mga nagnanais tumulong, bukas palagi ang tanggapan ng parokya. Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa aming official FB page.

====
Herald’s Pillar Media Ministry
Nuestra Señora del Pilar de Suba
Brgy. Suba, Majayjay, Laguna

Paggunita sa Kapistahan ni Santa Clara ng AssisiSanta Clara ng Assisi ipanalangin mo kami!!
11/08/2026

Paggunita sa Kapistahan ni Santa Clara ng Assisi

Santa Clara ng Assisi ipanalangin mo kami!!

Address

Brgy. Suba, Majayjay. Laguna
Majayjay
4005

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Sunday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm

Telephone

+639394600003

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora del Pilar Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Nuestra Señora del Pilar Parish:

Shortcuts

Share