23/01/2026
Jum’ah khutbah
Al-khatib : Ustadz Rashid “Rasdy” Panundi
Topic : Istiqbal Ramadhan (Ang Pagsalubong o Paghahanda sa Pagdating ng Buwan ng Ramadhan)
Date : January 23, 2026
Ano ang diwa ng Istiqbāl Ramaḍān?
Ito ay ang paghahanda ng puso, isip, at gawa bago pumasok ang Ramaḍān, upang masulit natin ang mga biyaya at gantimpala nito.
Paano isinasagawa ang Istiqbāl Ramaḍān?
1. Taos-pusong pagsisisi (Tawbah)
– Humingi ng kapatawaran sa Allah sa mga nakaraang pagkukulang.
2. Pagwawasto ng layunin (Niyyah)
– Mag-ayuno, magsagawa ng ‘ibādah, at gumawa ng mabuti para lamang sa Allah.
3. Pagdaragdag ng ‘Ibādah bago pa man magsimula ang Ramaḍān
– Pagdarasal, pagbigkas ng Qur’an, dhikr, at du‘ā’.
4. Pag-aaral ng mga alituntunin ng Ramaḍān
– Mga batas ng pag-aayuno (ṣawm), qiyām, zakāh, at iba pa.
5. Pag-aayos ng asal at pakikitungo sa kapwa
– Iwasan ang galit, paninirang-puri, kasinungalingan, at masamang gawa.
📌 Istiqbāl Ramaḍān = espirituwal at praktikal na paghahanda upang salubungin ang Ramaḍān nang may pananampalataya at pag-asa sa gantimpala ng Allah.
🕌ALMASJID SADAQAH JARIYAH