21/09/2022
Bakit kay buti Mo?
Isa,dalawa, tatlo, apat na salitang tanong.
Binuo ng isipan, pinalawak ng karanasan.
Marahil bunga ng nararamdaman,
O sampal nang magising sa katotohanan.
Katotohanang di mawari'y kung saan ba dapat magsimula.
Sa paglalarawan ba ng hangganan ng iyong kabutihan,
O sa pagbilang ng aking mga kasalanan.
Sa bawat bukang liwayway,
Nagpatuloy ang daloy ng buhay.
Idinilat ang mga mata,
Sabay check kung online na ba sya.
Kakausapin, babatiin
Magpapalitan ng matatamis na salita,
na pawang ikalulungkot ng araw
ang di pagsilay sa kanyang ngiting nakakatunaw.
Walang bahid ng pasasalamat.
Pinatapos ang araw na walang ikaw.
Nakaligtaang idalangin ang mga gabing
ikaw ang naging unan sa tuwing umuulan.
Ikaw ang humaplos at yumakap sa ilalim ng buwan.
At ikaw ang naging kumot na sa aki'y bumabalot.
Hanggang takipsilim ay dumating,
At ang bitui'y nagsimulang magningning.
Pinatapos ang araw nang di ka naalala.
Pinatapos ang araw na kunwari kaya Kong wala ka.
Di ka naalala pag sitwasyon ko'y puro ligaya. Ngunit, nang magkagipitan na, saka lang hinanap-hanap ka.
Naalala ka nang mawasak itong pusong labis mong iniingat-ingatan.
Lumapit akong nagmamakaawang sana'y tulungan.
Tulungang buoing muli't gawing bago.
Naalala ka nang akoy tinalikuran ng itinuring kong mundo.
Sa ere, akoy nag-iisa, nababalisa.
Di makasabay, pinupuno lamang ng lumbay.
Nasa langit ka't ako'y nasa lupa.
Ngunit bakit sa tuwing kailangan kita'y di ko ramdam ang milyon-milyong milyang distansya nating dalawa.
Oo nga pala, nakalimutan Kong Diyos ka.
Datapwa't di nakikita, presensya mo'y di nawawala.
Binihisan mo ako't pinakain. Binuo at ginawang bago. Ang maitatanong ko lang bakit Kay buti mo?
Sa kabila ng aking paglimot at pagtalikod, inakap mo ko't tinulungang makabangong muli,
mula sa mga bagyong dulot ng aking pagkawala,
galing sa landas na iyong nilaan at ginawa.
Di masukat-sukat ang kabutihan mo. Pagmamahal mo'y puro at solido.
Sinaktan ka mang lubusan ngunit itoy di naging batayan upang manakit ka rin at mang-iwan.
Nagmahal ako. Minahal ko siya at mahal mo ko. Di niya sinuklian kaya't ngayo'y ikaw ang pinili ko.
Minahal Kita dahil kailangan Kita.
Pero mahal mo pa rin ako, kahit walang mahagilap na rason upang akoy mahalin mo.
Lord, Sabay kaming nagplano.
Nag-iwan pa siya ng mga katagang "di Kita iiwan." Nakakatawa nga lang, sakin niya sinabi, sa iba niya tinupad.
Nakakatawa di ba? Ngunit alam niyo iyong totoong nakakatawa?
Totoong nakakapagpapaπππ’π