20/05/2026
“Take Courage, Rise and Radiate with Christ”
Ang mga kabataan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagpaabot ng kanilang tulong, suporta, at naging bahagi upang maging makabuluhan at matagumpay ang aming pakikilahok sa ginanap na Regional Youth Day 2026 sa Romblon, Romblon noong ika-4 hanggang ika-8 ng Mayo.
Ang inyong kabutihan, bukas na puso, at taos-pusong pagmamahal ay lubos naming pinahahalagahan at ipinagpapasalamat bilang mga kabataan ng ating parokya. Ang inyong suporta ay naging malaking inspirasyon at daan upang maging mas makahulugan ang aming karanasan at pakikibahagi sa gawaing ito.
Nawa’y ang Diyos ang patuloy na magbalik sa inyo ng masaganang biyaya siksik, liglig, at umaapaw, kapalit ng inyong kabutihan at pagmamalasakit.
Maraming, maraming salamat po!