Parokya ni Sta. Ma. Magdalena, Laguna

Parokya ni Sta. Ma. Magdalena, Laguna Roman Catholic Diocese of San Pablo
Official page of Parish of Saint Mary Magdalene - Brgy. Poblacion, Magdalena Laguna.

๐™‰๐™–๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ || Ika-25 ng MayoAng Pagdating ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Parokya ni Sta. Maria MagdalenaNga...
25/05/2026

๐™‰๐™–๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ || Ika-25 ng Mayo
Ang Pagdating ng Imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Parokya ni Sta. Maria Magdalena

Ngayong araw, sa paggunita kay Maria, Ina ng Sambayanan, ay naging bahagi ang ating Parokya ni Santa Maria Magdalena ng isang natatanging biyaya sa pagdalaw ng ICPI (International Centennial Pilgrim Image of Our Lady of Fatima) kasama ang mga Madre ng Our Lady of Fatima.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagdiriwang ng Banal na Misa, muling naging buhay ang paanyaya ng Mahal na Birhen ng Fatima tungo sa panalangin, pagsisisi, at pagbabalik-loob sa Diyos. Ang banal na pagdalaw na ito ay kaugnay ng misyon ng Mahal na Birhen para sa konsekrasyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at Kalinis-linisang Puso ni Maria โ€” isang paanyayang patuloy na isinusulong sa buong mundo bilang tanda ng pananampalataya at kapayapaan.

Nawaโ€™y ang pagbisita ng ICPI ng Our Lady of Fatima, na naging tanda rin ng pagmamahal at paggabay ng ating Mahal na Ina sa kanyang sambayanan, ay magpatuloy na maghatid ng pag-asa, biyaya, at mas malalim na pananampalataya sa puso ng bawat mananampalataya.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena
Apostola Media || 2026.

25/05/2026

๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹๐€ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐’ || Ngayong ๐’Š๐’Œ๐’‚-๐Ÿ๐Ÿ“ ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’š๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, buong galak nating sinalubong ang pagdating ng ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐ง๐  ๐…๐š๐ญ๐ข๐ฆ๐š sa Parokya ni Santa Maria Magdalena. Sama-samang nagtipon ang mga deboto upang mag-alay ng panalangin, pag-awit, at taos-pusong debosyon bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal at pananampalataya sa Mahal na Ina.

Naging bahagi rin ng pagdiriwang ang taimtim na pagdarasal ng Banal na Rosaryo at pagdalo sa Banal na Misa, kung saan inialay natin ang ating mga pasasalamat at pananalig sa Diyos.

Nawaโ€™y manatili sa ating mga puso ang hatid na mensahe ng pagmamahal, panalangin, at pagkakaisa ng Mahal na Birhen ng Fatima.

25/05/2026

Harana ng Miyembro ng Koro para sa Mahal na Birhen ng Fatima || Mayo 25, 2026.

24/05/2026

๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹๐€ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„๐’ || Ngayong ๐’Š๐’Œ๐’‚-๐Ÿ๐Ÿ’ ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’š๐’ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, buong galak nating ipinagdiriwang ang ๐ƒ๐š๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ค๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฌโ€”ang kapistahan ng buhay, biyaya, at banal na presensiya ng Espiritu Santo sa ating buhay. Sa araw na ito, ginugunita natin ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol, na nagbigay sa kanila ng lakas, tapang, karunungan, at matibay na pananampalataya upang ipahayag ang Mabuting Balita sa buong mundo.

Ang Pentekostes ay paalala na ang Espiritu Santo ay patuloy na kumikilos at gumagabay sa bawat isa sa atin sa araw-araw nating pamumuhay. Nawaโ€™y magningas sa ating mga puso ang apoy ng Kanyang pagmamahal upang tayoโ€™y maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa, paglilingkod, at pag-asa sa ating kapwa.

Sama-sama nating ipagdiwang ang dakilang araw na ito nang may galak at pasasalamat sa Diyos, habang patuloy nating isinasabuhay at ipinapahayag ang Kanyang Salita sa makabagong panahon.

๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‘๐’Š๐’”๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’๐’”๐’•๐’†๐’”!๐Ÿ”ฅ๐Ÿ•Š๏ธ

Feast of ๐‘ด๐’‚๐’“๐’š ๐‘ฏ๐’†๐’๐’‘ ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’๐’”Today, we commemorate the feast of the Blessed Virgin Mary, Help of Christians, our lovi...
24/05/2026

Feast of ๐‘ด๐’‚๐’“๐’š ๐‘ฏ๐’†๐’๐’‘ ๐’๐’‡ ๐‘ช๐’‰๐’“๐’Š๐’”๐’•๐’Š๐’‚๐’๐’”
Today, we commemorate the feast of the Blessed Virgin Mary, Help of Christians, our loving Mother and powerful intercessor who continually guides and protects the faithful through every trial and difficulty.

Under this beautiful title, Mary reminds us that we are never alone, for she always leads us closer to her Son, Jesus Christ. May her example of faith, humility, and obedience inspire us to remain steadfast in prayer and hopeful in Godโ€™s mercy.

As we honor Mary, Help of Christians, let us entrust to her our families, our community, and our Church, praying that she may continue to watch over us and bring us safely to Christ.

Mary, Help of Christians, pray for us.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena
Apostola Media || 2026

Nasa larawan || Linggo ng Pentekostes (Mayo 24, 2026)Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Pentekostes kung...
24/05/2026

Nasa larawan || Linggo ng Pentekostes (Mayo 24, 2026)

Ngayong araw ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Pentekostes kung saan ang Espiritu Santo ay bumaba at nagbigay ng kalakasan, kapangyarihan, katatagan at talino sa mga Apostol, at nagsisiklab ng pagbuo ng Simbahan o Kaarawan ng Simbahang Katolika. Narito ang ilang larawang kuha mula sa una at ikalawang pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong araw.

Ang bawat mananampalataya ay patuloy na nagpapakita ng malalim na pananampalataya sa ating muling nabuhay na Panginoon.

Sa apoy ng Espiritu Santo, pag-alabin Mo ang aming puso.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena
Apostola Media || 2026

๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’๐’”๐’•๐’†๐’” (๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’„๐’๐’”๐’• ๐‘บ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’š) โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasala...
24/05/2026

๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’๐’”๐’•๐’†๐’” (๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’„๐’๐’”๐’• ๐‘บ๐’–๐’๐’…๐’‚๐’š)
โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.โ€ -Juan 20, 19-23

Ngayong Linggo, Ipinagdiriwang natin ang pagbaba ng Diyos Espiritu Santo upang bigyan ng Lakas ang mga Apostol sa kanilang misyon sa paglaganap ng Mabuting Balita at ang kapanganakan ng Simbahan. Noong dumating ang araw ng Pentekostes, nagtipon-tipon ang mga alagad sa iisang lugar habang puno ng takot at pangamba matapos umakyat si Hesus sa langit. Ngunit sa gitna ng kanilang paghihintay, dumating ang Espiritu Santo na parang malakas na hangin at mga dila ng apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila. Mula noon, napalitan ng tapang ang kanilang takot at nagsimula silang ipahayag ang Mabuting Balita sa ibaโ€™t ibang wika upang maunawaan ng lahat ang pag-ibig ng Diyos.
Ang Pentekostes ay paalala na hindi tayo iniiwan ng Panginoon. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, binibigyan Niya tayo ng lakas, karunungan, at tapang upang maging ilaw at saksi ng Kanyang pagmamahal sa mundo.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena
Apostola Media || 2026

23/05/2026

TGEN Sunday with Bishop Junie
Episode 08
May 24, 2026 | Pentecost Sunday

Juan 20 : 19 - 23

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. โ€œSumainyo ang kapayapaan!โ€ sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, โ€œSumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.โ€ Pagkatapos, silaโ€™y hiningahan niya at sinabi, โ€œTanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.โ€

_____

Ang โ€œTGENโ€ (The Good ErmitaNews) ay isang online evangelization program ng Diyosesis ng San Pablo, sa pamamagitan ng Diocesan Commission on Social Communications, na naglalayon na ipalaganap ang aral ng Mabuting Balita sa tulong ng makabagong teknolohiya. Ang bawat episode ay available everyday at 6:00 AM.



โ€ŽPaggunita kay Santa Rita ng Cascia, Madre (Mayo 22)โ€Žโ€ŽNgayong araw, ginugunita natin si Santa Rita ng Cascia, isang bana...
22/05/2026

โ€ŽPaggunita kay Santa Rita ng Cascia, Madre (Mayo 22)
โ€Ž
โ€ŽNgayong araw, ginugunita natin si Santa Rita ng Cascia, isang banal na babae na naging halimbawa ng pananampalataya, pagtitiis, at pagpapatawad.
โ€Ž
โ€ŽSa kabila ng hirap at pagdurusa sa kanyang buhay bilang asawa, ina, at madre, nanatili siyang matatag sa pagmamahal at pagtitiwala sa Diyos. Dahil sa kanyang kabanalan at pagtitiis, kinilala siya bilang patrona ng mga imposibleng kaso at mga taong dumaranas ng matitinding pagsubok.
โ€Ž
โ€ŽAng kanyang buhay ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming Kristiyano upang manatiling matatag sa pananampalataya at umasa sa awa at pag-ibig ng Panginoon.
โ€Ž
โ€ŽPanalangin:
โ€Ž
โ€ŽO mahal na Santa Rita ng Cascia,
โ€Žipanalangin mo kami
โ€Župang manatili kaming matatag
โ€Žsa gitna ng aming mga pagsubok at paghihirap.
โ€Ž
โ€ŽTulungan mo kaming matutong magpatawad,
โ€Žmaging mapagpakumbaba,
โ€Žat lubos na magtiwala sa Diyos.
โ€Ž
โ€ŽNawaโ€™y matularan namin
โ€Žang iyong kabanalan,
โ€Žpagtitiis, at wagas na pananampalataya.
โ€Ž
โ€ŽSanta Rita ng Cascia,
โ€Žipanalangin mo kami.
โ€ŽAmen.
______________________________________
โ€Ž
โ€Ž๐€๐ฉ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฅ๐š ๐Œ๐ž๐๐ข๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
โ€Ž๐’๐Ž๐‚๐‚๐Ž๐Œ | ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โ€Ž
โ€Ž๐–ฌ๐–บ๐–บ๐–บ๐—‹๐—‚ ๐—†๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐—Ž๐—‰๐—ˆ๐—‹๐—๐–บ๐—๐–บ๐—‡ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐–ฎ๐–ฟ๐–ฟ๐—‚๐–ผ๐–บ๐—… ๐–ฏ๐–บ๐—€๐–พ ๐—‡๐—€ ๐–ฏ๐–บ๐—‹๐—ˆ๐—„๐—’๐–บ ๐—‡๐—‚ ๐–ฒ๐–บ๐—‡๐—๐–บ ๐–ฌ๐–บ๐—‹๐—‚๐–บ ๐–ฌ๐–บ๐—€๐–ฝ๐–บ๐—…๐–พ๐—‡๐–บ ๐—Œ๐–บ ๐–ฏ๐–บ๐—€๐–ฟ๐—ˆ๐—…๐—…๐—ˆ๐— ๐– ๐— ๐—…๐—‚๐—„๐–พ ๐—‰๐–บ๐—‹๐–บ ๐—†๐–บ๐—๐—Ž๐—๐—Ž๐—„๐–บ๐—‡ ๐—†๐—ˆ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—†๐—€๐–บ ๐–ป๐–บ๐—€๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—Ž๐—‰๐–ฝ๐–บ๐—๐–พ ๐—Œ๐–บ ๐–บ๐—๐—‚๐—‡๐—€ ๐—‰๐–บ๐—‹๐—ˆ๐—„๐—’๐–บ
โ€Ž๐—ฉ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜ ๐—ข๐˜‚๐—ฟ ๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—ง๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ธ ๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜ : ๐—ต๐˜๐˜๐—ฝ๐˜€://๐˜„๐˜„๐˜„.๐˜๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ธ.๐—ฐ๐—ผ๐—บ/@๐˜€๐—บ๐—บ๐—ฝ.๐—ผ๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ป๐˜?_๐˜=๐—ญ๐—ฆ-๐Ÿด๐˜†๐—ง๐˜„๐Ÿฏ๐—ญ๐— ๐—›๐—ป๐—ป๐—ท&_๐—ฟ=1

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐šBiyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay+Juan 17, 20-26Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay S...
22/05/2026

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

+Juan 17, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?โ€ โ€œOpo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,โ€ tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œPakanin mo ang aking mga batang tupa.โ€ Muli siyang tinanong ni Hesus, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?โ€ Sumagot si Pedro, โ€œOpo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.โ€ Ani Hesus, โ€œPangalagaan mo ang aking mga tupa.โ€ Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, โ€œSimon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?โ€ Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: โ€œIniibig mo ba ako?โ€ At sumagot siya, โ€œPanginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.โ€ Sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œPakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.โ€ Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayoโ€™y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, โ€œSumunod ka sa akin!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ+Juan 17, 20-26Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Sa...
21/05/2026

๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š
๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ค๐š-๐Ÿ• ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ค๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ค๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ

+Juan 17, 20-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, โ€œAmang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at akoโ€™y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang silaโ€™y ganap na maging isa, gaya nating iisa: akoโ€™y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at silaโ€™y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.โ€

โ€œAma, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako namaโ€™y sumakanila.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Brgy. Poblacion, Magdalena , Philippines
Magdalena
4007

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parokya ni Sta. Ma. Magdalena, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share