01/05/2026
MALIGAYANG KAPISTAHAN, SAN JOSE MANGGAGAWA!
Ngayong Mayo 1, kaisa ng buong Simbahan, ating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ni San Jose Manggagawa. Siya ang huwaran ng lahat ng mga manggagawa—isang taong naglingkod nang may katapatan, kababaang-loob, at dangal sa pamamagitan ng kanyang mga kamay.
Itinataas natin sa Diyos ang lahat ng ating mga pagsisikap, pagod, at pangarap sa tulong ng panalangin ni San Jose.
PANALANGIN PARA SA MGA MANGGAGAWA
O Dakilang San Jose, na naging huwaran ng kasipagan at tapat na paglilingkod, Ipinapanalangin namin ang lahat ng mga manggagawa sa buong mundo. Nawa’y pagpalain mo ang gawa ng aming mga kamay, Bigyan mo kami ng lakas ng katawan at tatag ng loob sa gitna ng mga pagsubok. Tulungan mo kaming makita ang halaga ng aming pagtatrabaho, Hindi lamang para sa aming sarili, kundi para sa kaluwalhatian ng Diyos at paglilingkod sa kapwa. Gabayan mo rin ang mga naghahanap ng marangal na hanapbuhay.
San Jose Manggagawa, Ipanalangin mo kami