10/09/2026
HUWAG MO NANG IPAGDASAL ANG PATAY—IPAGDASAL MO SIYA HABANG BUHAY PA.
Ito ang uncomfortable truth na ayaw nating pag-usapan:
Kapag namatay na ang tao, hindi na prayer ang kailangan niya para makapagdesisyon para kay Cristo.
Hebrews 9:27 says:
“It is appointed for men to die once and after this comes judgment.”
Death comes. Then judgment.
Hindi sinabi ng Bible na:
“Mamatay muna siya, pagkatapos ay ipagdasal ninyo para mabago ang kanyang eternal destiny.”
Kung ang tao ay hindi nagkaroon ng faith and repentance habang nabubuhay, hindi natin kayang gawin iyon para sa kanya pagkatapos niyang mamatay.
Hindi mo kayang magsisi para sa kanya.
Hindi mo kayang manampalataya para sa kanya.
Hindi mo kayang tanggapin si Cristo para sa kanya.
At lalong hindi mo kayang baguhin ang desisyon ng Diyos sa pamamagitan ng dami ng dasal pagkatapos ng kamatayan.
Ito ang masakit:
Minsan, ginagamit natin ang prayer for the dead para maibsan ang guilt ng mga naiwan.
“Ipagdasal natin siya.”
Pero ang tanong na mas dapat nating itanong ay:
“Habang buhay siya, naipakita ba natin sa kanya ang Gospel?”
Habang buhay siya, inanyayahan ba natin siyang lumapit kay Jesus?
Habang buhay siya, tinuruan ba natin siyang magsisi at manampalataya?
Dahil kapag nasa kabaong na siya—
hindi na siya makakapagsisi.
Hindi na siya makakapagdesisyon.
Hindi na siya makakapagsabi ng “Jesus, I surrender.”
KAYA HUWAG NATING IPAGPALIT ANG GOSPEL SA RITUAL.
Hindi candles ang salvation.
Hindi rosary ang salvation.
Hindi funeral prayer ang salvation.
Hindi dami ng dasal ng mga naiwan ang salvation.
CHRIST IS THE SAVIOR.
Ephesians 2:8–9 reminds us that salvation is by grace through faith—not something we accomplish through religious works.
Kaya kung talagang mahal mo ang pamilya mo—
Huwag mong hintayin ang libing bago ka manalangin para sa kanilang kaligtasan.
Pray while they are alive.
Preach while they can still hear.
Correct while they can still change.
Invite them to Jesus while they can still respond.
Dahil darating ang araw na hindi na sila makakasagot sa invitation.
Ang oras para dalhin ang tao kay Cristo ay HINDI kapag nakahimlay na siya.
NGAYON.
Habang humihinga pa siya.
Habang may pagkakata pa siyang magsisi.
Habang may pagkakata pa siyang manampalataya.
Huwag mong hintayin ang kabaong para gawin ang dapat mong ginawa noong may buhay pa siya.
— Pastor Kim 🔥