12/03/2026
📣 Paanyaya sa Ramadan Da’wah Series 🌙
Assalamu ‘Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh! 🤲
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa aming Ramadan Da’wah Series habang papalapit ang huling mga araw ng pinagpalang buwan ng Ramadan. Sama-sama nating palalimin ang ating kaalaman, pananampalataya, at pag-alaala kay Allah.
📅 Petsa: Sabado, March 14, 2026
🕘 Oras: Pagkatapos ng Salatut Taraweh
🎤 Tagapagsalita: Sheikh Salman Sarguilla
📍Purok Mangga, Pangi, Maco, Davao de Oro
Inaanyayahan ang lahat; mga kapatid na lalaki at babae, pamilya, at mga kaibigan. Dalhin din ang inyong mga mahal sa buhay upang sama-sama nating makamtan ang kaalaman at biyaya ng Ramadan.
Huwag nating sayangin ang natitirang mga araw ng Ramadan. Ito ay pagkakataon upang magsisi, magbalik-loob, at mas mapalapit kay Allah.
Kita-kits po tayo, In shaa Allah! 🤍
Maaaring ibahagi ang paanyayang ito sa iba pang kapatid. 📲