Mabitac Evangelical Church - UCCP

Mabitac Evangelical Church - UCCP ⛪ Isang pamayanang sumasamba sa Diyos, nag-aaral ng Kanyang Salita, at nagsasabuhay ng pag-ibig ni Cristo. 📖 Pananampalataya • Pag-asa • Pag-ibig

🙏 ✝  Pagbubulay at Panalangin  “Lumapit, makinig, at magtiwala - ang Diyos ay kumikilos sa bawat panalangin..” “Hindi La...
26/08/2026

🙏 ✝ Pagbubulay at Panalangin




“Lumapit, makinig, at magtiwala - ang Diyos ay kumikilos sa bawat panalangin..”

“Hindi Lahat ng Hindi Nakakakita ay Bulag.”

Hindi lahat ng hindi nakakakita ay bulag, sapagkat may mga taong sadyang ipinipikit ang kanilang mga mata. Nagbubulag-bulagan.

Bakit kaya? Bakit may mga taong nakikita naman ang isang bagay, ngunit pinipilit pa ring huwag makita? Bakit may mga taong pinipiling huwag makialam?

May mga dahilan kung bakit nangyayari ang pagbubulag-bulagan.

✨ Una, Takot;

May mga taong ayaw mapahamak. Minsan, nakikita natin ang katotohanan, ngunit natatakot tayo sa maaaring maging kapalit ng pagsasabi nito.

📖 Kawikaan 29:25 — “Ang pagkatakot sa tao ay nagdudulot ng bitag.”

Alam natin na minsan, ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi nagiging maganda ang bunga. Natural lamang sa tao ang magkaroon ng takot. Ngunit ang nais nating tugon ay hindi takot, kundi ang pagsasabi ng katotohanan.

Hindi para palabasin na mali sila. Kundi dahil ito ang totoo.

Hindi para palabasin na tama ka. Kundi ang katotohanan.

Malinaw dapat sa atin na ang nais nating ipahayag ay ang katotohanan. Sa pagsasabi ng katotohanan, hindi ito dapat parang sinasabi nating, “Tama ako.” Kundi, “Ito ang totoo.” Wala nang iba.

✨ Ikalawa, Sariling Kapakanan;

Kapag hindi sariling tahanan ang nasasaktan, madaling magsara ng mata. Basta't hindi ako ang apektado.

Nagiging kapahayagan ang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng iba. Dahil doon sa sinasabing sariling kapakanan, hindi mo na rin tinitingnan ang iba. Ang mahalaga sa iyo ay ang sarili.

Kapag ang sarili lamang ang iniisip, madaling sabihin, “Hindi naman ako ang apektado.”

At dahil hindi tayo ang nasasaktan, pinipili nating huwag makita.

✨ Ikatlo, Pakikibagay;

May mga pagkakataong sinasabi natin, “Ganyan naman lahat.”

Kapag paulit-ulit nating nakikita ang mali, maaari itong maging normal sa ating paningin. At kapag naging normal na sa paningin, maaari itong humantong sa pagtanggap.

Ito ang tinatawag na pakikibagay.

Dahil nakikita natin na ginagawa rin ng iba, iniisip natin na ayos lamang. Nagiging kalakaran. At kapag naging kalakaran, hindi na natin nakikitang mali.

Ngunit ang aral ng Panginoon: Huwag tayong makiayon sa takbo ng mundo.

Huwag tayong padala. Tumindig pa rin tayo sa katotohanan.

Dahil kung ang tingin natin ay, “Ganyan naman,” at “Wala rin namang mangyayari,” unti-unti nating tinatanggap ang bagay na dapat sana ay ating tinututulan.

✨ Ikaapat, Katigasan ng Puso;

May mga taong nagsasabing, “Alam kong mali, ngunit ayaw kong kumilos.”

Ito ay kawalan ng tapang na harapin ang katotohanan.

Minsan, ang pananahimik sa harap ng mali ay maaaring maging pagtahimik sa pagsang-ayon dito.

📖 Santiago 4:17 — “Ang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin, ngunit hindi niya ginagawa, ay nagkakasala.”

Kaya hindi sapat na alam natin kung ano ang tama. May pagkakataong kailangan din nating kumilos ayon sa ating nalalaman.

Ang tunay na pagkabulag ay hindi iyong hindi nakakakita.

Kundi iyong nakakakita na, ngunit pinipilit na huwag makita.

Kaya ang tanong sa ating budhi:

Nakikita ko ba ang mali?

At kung nakita ko ang mali, saan ako tatayo? Kanino ako papanig?

Sapagkat tayong mga tagasunod ng Panginoon ay tinawag hindi lamang upang makita ang liwanag, kundi upang tumindig sa liwanag kahit madilim ang paligid.

Tatayo tayo hindi para sabihin na “Tama tayo.”

Tatayo tayo para sabihin:

“Ito ang totoo.”









📅 August 26

💚🕊️✝️ Tinig ng PananampalatayaIka-13 Linggo matapos ang Pentekostes✨ Buwan ng Misyon“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang is...
23/08/2026

💚🕊️✝️ Tinig ng Pananampalataya

Ika-13 Linggo matapos ang Pentekostes

✨ Buwan ng Misyon

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang bayan na nasa ibabaw ng bundok ay hindi maitatago. Hindi rin sinisindihan ang isang ilawan at inilalagay sa ilalim ng takalan, kundi sa ibabaw ng lalagyan ng ilaw, at nagbibigay liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, lumiwanag ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.
📖 Mateo 5 :14-16

Sa digital na daigdig napakaraming boses ang nagsasalita, ngunit sa gitna ng ingay, sino ang nagpaparinig ng tinig kay Kristo?

Kapag nakikita ng mundo ang mga ipinopost natin sa social media, nakikita ba si Kristo sa ating buhay o tayo lamang?

"Misyon sa Digital na Daigdig - Maging Tanglaw sa Gitna ng Ingay"

✨ Huwag maging dagdag ingay - maging tinig ng katotohanan.

Bakit? Sa ngayon maraming maling impormasyon, paninirang puri, galit at mapanglinlang na mga salita sa tinatawag nating digital world.

Ang hamon bago tayo magpost, mag share o magkaroon ng komentaryo, mahalagang itanong natin, ito ba ay totoo? Makabubuti ba, nakakapagpakita ba ito ng karakter ni Kristo?

Kaya't mahalaga na tandaan natin na hindi lahat ng maari nating sabihin ay kailangan nating sabahin, - huwag tayong maging dagdag ingay - maging tinig tayo ng katotohanan.

✨ Huwag gawing entablado ang sarili - gawin itong dungawan para makita si Kristo.

Madaling maging sentro ang sarili. Ang ating mukha, opinyon, tagumpay at pananaw, ngunit tandaan natin, - ANG MISYON AY HINDI TUNGKOL SA KUNG SINO TAYO, HINDI ITO TUNGKOL SA TINGNAN NINYO AKO KUNDI TINGNAN NINYO SI KRISTO. Kaya sa bawat digital presence natin sikaping hindi lamang makita ang ating personalidad kundi maramdaman nila ang pag- ibig, kababaang loob at habag ni Hesus.

Ang hamon sa atin sikapin nating hindi makita ang ating personalidad kundi madama ang pag-ibig, kababaang loob at habag ni Kristo.

✨ Gamitin ang teknolohoya bilang - tulay hindi pader.

Bakit may mga tao tayong binablock natin sa social media? Mga dati nating ka communication. Oh sa tingin natin may mga hindi magagandang nangyayari.

Ang isang mensaheng ipinaparating sa social media ay daan ng pag- asa - maaring makarating sa mga taong hindi natin kayang punthan. Ang isang panalangin, salita ng Diyos o maging patotoo ay maaring maging munting liwanag sa mga taong dumaraan sa dilim o sa mga taong mayroong pinag dadanan. Ang salita ng Diyos ay bumubuhay sa ating espiritu. Gumigising sa atin, na hindi tayo makaramdam na mag-iisa sa dilim. Kaya gamitin natin ang teknolohiya bilang tulay hindi pader. Gawin nating nakapagbibigay ng biyaya hindi ng sugat. Kung ito may ginagamit upang maghatid ng takot, gamitin natin ito na maghatid ng pag-asa, - ebanghelyo na tinatawag nating magandang balita.

✨ Ang pinakalamakas na digital misyon ay ang buhay na katibayan ng ebanghelyo.

Maaaring maganda ang ating post. Napakahusay ng ating video at maraming nag likes. Maraming nagbigay ng magandang komentaryo. Ngunit higit na mahalaga ang buhay na tunay na sumasalamin kay Kristo. Dahil sa post natin, tayo lamang ang nakakakita. Opinyon lang natin ang kanilang nababasa, video lang natin ang kanilang napagmamasdan. Ngunit higit na mahalaga ang buhay na sumasalamin kay Kristo. Ang hamon, huwag maging kristiyanong banal sa screen, ngunit kabaliktaran sa tunay na buhay.

Sa digital na daigdig, - hindi kailangan ni Kristo ang maraming ingay. Ang kailangan Niya ay ang mga tagasunod Niya ang magiging tanglaw. Hindi natin kailangan ang pinakamaingay na boses. Ang kailangan natin ay maging tapat na tinig. Hindi kailangan - lahat ay malaman, kung sino tayo, ang mahalaga ay may isa o dalawang tao na nakakakilala at nakakakilala kay Kristong ating Panginoon, dahil sa atin.

Kapag hinahawakan ba natin ang ating mga celpon, misyon ba ang laman ng ating puso? At kapag tayo ay nagsasalita - biyaya ba ang naiiwan o sugat?

Kapag nasa digital world tayo, nakikita ba ng iba ang liwanag ni Kristo?

"Ikaw at ako maging tanglaw - hindi dagdag ingay."






📅 August 23

✨ Sapagkat sa pamilya ng Diyos, walang naiiba—lahat ay may lugar, lahat ay mahalaga, at lahat ay malugod na tinatanggap....
22/08/2026

✨ Sapagkat sa pamilya ng Diyos, walang naiiba—lahat ay may lugar, lahat ay mahalaga, at lahat ay malugod na tinatanggap.

Laguna 2, District Fellowship


📅 August 22

✝️🕊️ Laguna 2, District Fellowship🌿 ✝️🕊️🌿 Propetikong Misyon“Pagtataguyod at Pakikipaglakbay kay Hesus Kasama ang mga An...
22/08/2026

✝️🕊️ Laguna 2, District Fellowship

🌿 ✝️🕊️🌿
Propetikong Misyon

“Pagtataguyod at Pakikipaglakbay kay Hesus Kasama ang mga Anawim”
📖Lucas 4:16-18

Sa Lucas 4:18, ipinahayag ni Hesus ang Kanyang misyon:

“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha…”
Dito makikita na ang misyon ni Hesus ay may dalawang mahalagang mukha:

✨ Pagtataguyod — maging tinig ng mga walang tinig.
Ang Anawim ay tumutukoy sa mga dukha, naaapi, naaabandona, at umaasa sa Diyos. Ang iglesya ay tinatawag hindi lamang na kaawaan sila, kundi manindigan para sa kanilang dignidad, karapatan, at kapakanan.

✨ Pakikipaglakbay — hindi lamang tumulong, kundi sumama.
Ang tunay na misyon ay hindi “pupunta tayo sa kanila, tutulungan natin sila, at aalis tayo.” Sa halip, lumalakad tayo kasama nila—nakikinig sa kanilang kuwento, nakikibahagi sa kanilang mga pakikibaka, at hinahanap kasama nila ang daan tungo sa buhay na mas makatarungan.

✨ Pagpapalaya — dalhin ang mabuting balita sa konkretong buhay.
Sinabi ni Hesus na Siya ay isinugo upang maghayag ng kalayaan sa mga bihag at magpalaya sa mga inaapi. Kaya ang misyon ng simbahan ay hindi lamang salita. Dapat itong makita sa pagkalinga, pagtatanggol, pakikinig, pagbabahagi, at pagkilos.
Isang mahalagang tanong para sa simbahan:
“Kapag sinabi nating kasama natin ang mga Anawim, kasama ba talaga natin sila sa kanilang paglalakbay—o pumupunta lamang tayo sa kanila kapag may programa?”

Ang pagiging tagasunod ni Hesus ay nangangahulugang makita ang mga taong madalas hindi nakikita, marinig ang mga tinig na madalas hindi naririnig, at makipaglakbay sa mga taong madalas iniiwan.
Ang propetikong misyon ay hindi lamang magsalita tungkol sa mga Anawim. Ito ay tumayo kasama nila, lumakad kasama nila, at ipakita sa kanila na sa kaharian ng Diyos, sila ay mahalaga at hindi nakalimutan.











Laguna 2
DistrictFellowship
UCCPSanbuenaventura
Lusiana

📅 August 22

🙏🎁🎂 Panibagong Taon ng Pagpapala!Maligayang Kaarawan! Sa iyo James Jonas. 🎂🙏 Ipinagpapasalamat namin ang buhay na ipinag...
20/08/2026

🙏🎁🎂 Panibagong Taon ng Pagpapala!

Maligayang Kaarawan! Sa iyo James Jonas. 🎂🙏

Ipinagpapasalamat namin ang buhay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Dalangin namin na patuloy kang lumaking malusog, mabait, masayahin, at may pusong nagmamahal sa Panginoon.

Nawa'y samahan ka ng Diyos sa bawat araw ng iyong paglaki. Pagpalain ka Niya ng karunungan, lakas, at maraming masasayang alaala kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Huwag mong kalilimutang mahal na mahal ka ni Jesus, at lagi Siyang kasama saan ka man naroon.

"Lumaking may karunungan, pangangatawan, at kaluguran sa Diyos at sa mga tao." 📖 Lucas 2:52




📅 August 21

🙏🎁🎂 Panibagong Taon ng Pagpapala!Maligayang Kaarawan🎂 Kap. Janel  nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kasiglahan n...
20/08/2026

🙏🎁🎂 Panibagong Taon ng Pagpapala!

Maligayang Kaarawan🎂 Kap. Janel nawa’y patuloy kang pagpalain ng Diyos ng kasiglahan ng pangangatawan, at kagalakan sa bawat araw ng iyong buhay.

📖 Jeremias 29:11 "Sapagkat nalalaman ko ang mga plano Ko, para sa inyo, mga planong ikabubuti ninyo at hindi ikasasama, upang bigyan kayo ng pag-asa at kinabukasan.”

Isang pangako nang patuloy na pag-iingat ng Panginoong Hesus Kristo.

📅 August 20

🙏 ✝  Pagbubulay at Panalangin  "Lumapit, makinig, at magtiwala - ang Diyos ay kumikilos sa bawat panalangin."Bakit Dumar...
20/08/2026

🙏 ✝ Pagbubulay at Panalangin




"Lumapit, makinig, at magtiwala - ang Diyos ay kumikilos sa bawat panalangin."

Bakit Dumarating sa Tao ang Depresyon?

May mga pagkakataon sa buhay natin na dumarating ang matinding kalungkutan, panghihina, pag-aalala at kawalan ng pag-asa. Maging ang mga taong malapit sa Diyos ay maaaring dumaan sa mabibigat na pagsubok. Makikita natin sa Aklat ng mga Awit na ang mga lingkod ng Diyos ay nakaranas din ng matinding kalungkutan at paghihirap. Ngunit sa gitna ng kanilang pinagdaraanan, natutuhan nilang bumalik at kumapit sa Diyos at sa Kanyang Salita.

✨ Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng liwanag at direksiyon.

Sinasabi sa Awit 119:105 na ang Salita ng Diyos ay ilawan sa ating mga paa at liwanag sa ating landas.

Ang Biblia ay hindi lamang dapat inilalagay sa bahay, sa altar, o sa isang lugar na madaling makita. Ito ay Salita ng Diyos na dapat basahin, pagbulayan at isabuhay. Nagbibigay ito ng direksiyon, karunungan at lakas sa ating pang-araw-araw na buhay.

Maraming boses ang nagbibigay sa atin ng payo, ngunit hindi lahat ng payo ay tama. Kapag wala tayong gabay ng Salita ng Diyos, maaari tayong malito at makagawa ng mga desisyong hindi makabubuti sa atin.

Kaya mahalagang patuloy nating buksan at pagbulayan ang Salita ng Diyos, lalo na kapag tayo ay dumaraan sa mahirap na kalagayan.

✨ Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay-babala laban sa kasalanan at tukso.

Sinasabi sa Awit 119:11:

“Ang salita mo'y iningatan ko sa aking puso, upang hindi ako magkasala laban sa iyo.”

Kapag ang Salita ng Diyos ay nakatanim sa ating puso, nagbibigay ito ng babala kapag tayo ay napapalapit sa maling landas. Nagbibigay din ito ng lakas upang labanan ang kasalanan at tukso.

Kapag napabayaan natin ang Salita ng Diyos, maaaring unti-unting humina ang ating buhay espirituwal. Maaaring mawala ang ating sigla sa pananalangin, pagbabasa ng Biblia at maging sa pagsisimba.

Hindi nangangahulugan na ang isang taong nakararanas ng matinding kalungkutan ay wala nang pananampalataya. Sa halip, ipinapaalala nito sa atin kung gaano kahalaga na sa panahon ng kahinaan ay lalo tayong kumapit sa Diyos at sa Kanyang Salita.

✨ Kahit ang taong malapit sa Diyos ay maaaring dumaan sa matinding pagsubok.

Makikita natin kay Job na kahit siya ay isang taong may pananampalataya sa Diyos, dumaan siya sa napakabigat na pagsubok.

Sa Job 2:9-10, makikita natin ang kanyang pagtugon sa gitna ng kanyang paghihirap. Hindi niya hinayaan na ang kanyang pinagdaraanan ang tuluyang maglayo sa kanya sa Diyos.

Ipinapakita nito na ang pagkakaroon ng mabigat na pinagdaraanan ay hindi nangangahulugang pinabayaan na tayo ng Diyos. May mga panahong hindi natin nauunawaan kung bakit nangyayari ang isang bagay, ngunit maaari pa rin tayong kumapit sa Kanya.

✨ Matutong makuntento at magtiwala sa Diyos sa anumang kalagayan.

Natutuhan ni Pablo na maging kontento sa anumang kalagayan na kanyang nararanasan. Hindi nangangahulugan na madali ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Sa halip, natutuhan niyang harapin ang bawat kalagayan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos.

Ganito rin ang dapat nating matutuhan. Hindi man natin kontrolado ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, maaari nating piliing magtiwala sa Diyos.

Kapag mabigat ang ating kalooban, maaari nating sabihin:

“Panginoon, hindi ko man nauunawaan ang lahat ng nangyayari, ngunit nagtitiwala ako na hindi Mo ako iiwan.”

Ang depresyon at matinding kalungkutan ay hindi dapat tingnan bilang simpleng tanda na mahina ang pananampalataya ng isang tao. May iba't ibang dahilan kung bakit maaaring makaranas ang isang tao ng ganitong kalagayan. Ngunit bilang mga mananampalataya, mayroon tayong lugar na maaari nating balikan, ang presensya ng Diyos at ang Kanyang Salita.

Kaya huwag nating hayaang maalikabukan ang Biblia sa ating bahay. Huwag lamang natin itong ilagay sa altar. Buksan natin, basahin natin, pagbulayan natin at isabuhay natin.

Kapag madilim ang ating landas, ang Salita ng Diyos ang nagbibigay-liwanag.

Kapag hindi natin alam ang ating susunod na hakbang, ang Salita ng Diyos ang nagbibigay-direksiyon.

At kapag nanghihina ang ating puso, ipinapaalala nito sa atin na hindi tayo nag-iisa - kasama natin ang Diyos.

“Ang salita mo ay ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” 📖 Awit 119:105

📅 August 19

✨ Linggo ng mga Manggagawa✨ Boluntaryong Lingkod ng DiyosHindi nasusukat sa laki ng paglilingkod, kundi sa lalim ng puso...
16/08/2026

✨ Linggo ng mga Manggagawa

✨ Boluntaryong Lingkod ng Diyos

Hindi nasusukat sa laki ng paglilingkod, kundi sa lalim ng pusong naglilingkod. ❤️

Isang beses man nating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Manggagawang Pastor , ngunit hindi lang isang beses ang pasasalamat at pagkilala sa bawat pagod, oras, sakripisyo, at pagmamahal na inyong iniaalay sa Panginoon.

Buong puso. Buong lakas. Isang layunin—ang luwalhatiin ang Diyos. 🙏

📖 Colosas 3:23
📖 Mangangaral 9:10




📅 August 16

❤️‍🔥✝️Tinig ng PananampalatayaIka-12 Linggo Matapos ang Pentekostes✨ "Linggo ng mga Manggagawa" ✨"Buong Puso, Buong Laka...
16/08/2026

❤️‍🔥✝️Tinig ng Pananampalataya

Ika-12 Linggo Matapos ang Pentekostes

✨ "Linggo ng mga Manggagawa" ✨

"Buong Puso, Buong Lakas para sa Panginoon"

“Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso, na parang sa Panginoon…” — 📖 Colosas 3:23

Ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa laki ng ginagawa, kundi sa pusong buong-buo itong iniaalay sa Diyos. Sa bawat kamay na tumutulong, bawat oras na ibinibigay, at bawat sakripisyong tahimik na ginagawa ng ating mga boluntaryong manggagawa at mga pastor, nakikita ang pag-ibig sa Panginoon.

“Maging anuman ang masumpungan ng iyong kamay na gawin, gawin mo nang buong lakas.” — 📖 Mangangaral 9:10

Salamat sa inyong paglilingkod. Maaaring hindi lahat ay nakakakita, ngunit nakikita ng Diyos ang bawat pusong naglilingkod para sa Kanya. ❤️🙏




📅 August 16

16/08/2026

“Hindi man sapat ang ating mga salita upang magpasalamat, hayaan nating ang awiting ito ang magsabi ng laman ng ating puso.”




Address

32 Bonifacio Street, Barangay Masikap
Mabitac
4020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mabitac Evangelical Church - UCCP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share