02/10/2024
Sa pagdiriwang ng ika-15 Taunang Selebrasyon ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo sa darating na ika-5 hanggang ika-7 ng Oktubre 2024 sa Barangay Mainaga, Mabini, Batangas, bilang pagbabalik ng pasasalamat at papuri sa Kanya na siyang naging daluyan ng pagpapala at kaligtasan ng bawat Mainagueno, karangalang ihandog sa inyong lahat ng Kapisanang Buklod ang mga sumusunod na aktibidad. Kaya itala na sa inyong kalendaryo, halina’t saksihan ang masaya at makabuluhang pagdiriwang!