Solid Foundation Baptist Church

Directions Website

Solid Foundation Baptist Church A mission-driven church to a world needing grace

04/10/2026

Sunday Worship Service (10-04-2026)
HANGGANG KAILAN PA KAYO MAG-AALINLANGAN
1 Hari 18 : 17 -21

27/09/2026

Sunday Worship Service (09-27-2026) | Video Reupload
ANG KABUTIHAN NG DIYOS SA MAKASALANAN
Roma 2: 1-6

Matuwid ang Hatol ng Diyos
2 Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. 2 Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon. 3 Hinahatulan mo ang mga gumagawa ng mga bagay na ginagawa mo rin. Akala mo ba'y makakaiwas ka sa hatol ng Diyos? 4 O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabait, matiisin, at mapagpasensya? Hindi mo ba alam na ang kabutihan ng Diyos ang umaakay sa iyo upang magsisi at tumalikod sa kasalanan? 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong magsisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa Araw na iyon, kung kailan ihahayag ang p**t at makatarungang paghatol ng Diyos. 6 Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.

Speaker: Ptr. Conrad Dela Cruz

Daily Devotion: Jesus is Waiting

Youtube Channel: www.youtube.com/

Location: https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

27/09/2026

Ang Kabutihan ng Diyos sa Makasalanan
Roma 2:1-6

23/09/2026

Sunday Worship Service (09-20-2026) | Video Reupload
ISANG BAGAY PA ANG KULANG
Lucas 18:18-23

Ang Lalaking Mayaman
18 May isang pinuno ng bayan na nagtanong kay Jesus, “Mabuting G**o, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”

19 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! 20 Alam mo ang mga utos, ‘Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag kang tatayong saksi para sa kasinungalingan; at igalang mo ang iyong ama at ina.’”

21 Sinabi ng lalaki, “Ang lahat pong iyan ay tinupad ko na mula pa sa pagkabata.”

22 Pagkarinig nito ay sinabi ni Jesus, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi ang pinagbilhan sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos ay bumalik ka, at sumunod ka sa akin.” 23 Nalungkot ang lalaki nang marinig iyon, sapagkat siya'y napakayaman.

Speaker: Ptr. Conrad Dela Cruz

Daily Devotion: Jesus is Waiting

Youtube Channel: www.youtube.com/

Location: https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

20/09/2026

Isang Bagay Pa Ang Kulang
Lucas 18:18-23

13/09/2026

Sunday Worship Service (09-13-2026) | Video Reupload
CRISTO ANG PUSO NG EBANGHELYO
1 Corinto 15: 1-4

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo
1 Mga kapatid, ngayo'y ipinapaalala ko sa inyo ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang Magandang Balitang inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. 2 Naliligtas kayo sa pamamagitan nito, kung matatag ninyong pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; maliban na lamang kung walang kabuluhan ang inyong pagsampalataya.
3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo bilang pinakamahalaga sa lahat ang tinanggap ko rin: na si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, tulad ng sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, tulad din ng sinasabi sa Kasulatan

Speaker: Ptr. Noel Lacsamana

Daily Devotion: Jesus is Waiting

Youtube Channel: www.youtube.com/

Location: https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

06/09/2026

Sunday Worship Service (09-06-2026) | Video Reupload
WALA NG KAHATULAN
Roma 8: 1-4

Pamumuhay Ayon sa Espiritu
1 Kaya nga, wala nang kahatulang parusa sa mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2 Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na ako[a] mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.

Speaker: Ptr. Conrad Dela Cruz

Daily Devotion: Jesus is Waiting

Youtube Channel: www.youtube.com/

Location: https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

06/09/2026

Sunday Worship Service (09-06-2026)
WALA NG KAHATULAN
Roma 8: 1-4

31/08/2026

Sunday Worship Service (08-30-2026) | Video Reupload
PAGGAMIT NG ATING MGA KALOOB
Roma 12: 3-8

3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. 6 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. 7 Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. 8 Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.

Speaker: Ptr. Conrad Dela Cruz

Daily Devotion: Jesus is Waiting

Youtube Channel: www.youtube.com/

Location: https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

Solid Foundation Baptist Church invites you to worship with us this month of September.When: Every Sunday in September a...
30/08/2026

Solid Foundation Baptist Church invites you to worship with us this month of September.

When: Every Sunday in September at 8:30AM

Location:
https://maps.app.goo.gl/UYWDN8XtC84wDgj3A

Follow us:
Jesus is Waiting
youtube.com/


Address

Mabalacat
2010

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Solid Foundation Baptist Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share