01/05/2026
โ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐ค๐ฃ๐, ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐๐ค๐ฉโ
Ngunit minsan hindi na natin mabilang kung ilang beses na tayong nag tanong, maaaring sampo, bente, o higit pa. At minsan naman hindi na natin alam ang sagot sa mga tanong na pilit mong hinahanap.
Ayos lang mag karoon ng tanong sa isip natin, pero ang hindi ayos ay ang tanong ang mag hihila sayo para lumayo sa presenya niya, tumalikod sakaniya, at maka ramdam ng lamig sa pananampalataya.
Pero alam mo bang inahanda ng Diyos ang lahat ng sagot sa mga tanong moโkasi ang gusto niya lahat ng ito ay nasa tamang oras at panahon, maaaring matagal, mahirap, at mabigat ang proseso kasi gusto ka niyang maging handa para sa sagot na hinahanap mo. At ang sagot na yon ay hindi lang isa kundi higit pa, dahil nais ng Diyos na maintindihan mo.
Kaya't kung ikaw ang taong nag hahanap ng kasagutan sa lahat ng mga tanong na meron ka ngayon. Wag mong hanapin sa maka mundong bagay, ngunit hanapin mo sa nag iisang laging may sagot sa lahat ng tanongโat yon ang Diyos.
Oo medyo mahirap intindihin, pero balang araw makikita mo rin na lahat ng tanong mo sa isip mo ay nasagot na ng Diyos, kasi siya ang ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐.