Hills Of Glory Duquit

Directions Website Contact the place of worship

Hills Of Glory Duquit Our life mission is to honor God and disciple the next generation

04/10/2026

Sunday Worship Celebration
10.05.26 | 8AM

Understanding the Lord’s Prayer


02/10/2026

PSALMS 47

Ang Pinakamataas na Hari
Kinompose ng angkan ni Korah, para kantahin ng song leader.
1 Lahat ng bansa pumalakpak, magalak!
Kantahan ang Diyos, purihin sya nang malakas!
2 Si LORD ang Pinakamataas, dapat syang igalang,
sa buong mundo, sya ang haring makapangyarihan.
3 Dahil sa kanya, ang mga bayan ating natalo,
sa lahat ng mga bansa, naging superior tayo.
4 Pinili nya ang lupang sa atin ay binigay,
kayamanang minana ng Israel, ang bayang mahal nya.
5 Ang Diyos natin na si LORD ay umakyat sa trono nya,
kasabay ng tunog ng trumpet at masayang sigaw.
6 Purihin ang Diyos, kantahan sya!
Purihin ang ating hari, kumanta ng papuri!
7 Sa buong mundo, ang Diyos ang naghahari,
kantahan sya ng awit ng papuri!
8 Ang Diyos ay nasa trono nyang banal,
naghahari sya sa mga bansa.
9 Ang mga leader ng mga bayan ay nagsama-sama,
Diyos ni Abraham, kanilang sinasamba.
Nasa Diyos ang lakas ng buong mundo,
itinataas sya sa lahat ng dako.

30/09/2026

PSALMS 45

Kanta para sa Kasal ng Hari
Isang love song na sinulat para kantahin ng song leader, ayon sa tono ng Lilies. Tula ng angkan ni Korah.

1 Magagandang bagay ay umaapaw sa aking isip,
habang kino-compose ko ang song para sa hari.
Ang bibig ko ay parang lapis ng isang writer,
naka-ready na ang lyrics na aking kakantahin.
2 Ikaw ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki,
magandang salita ang lumalabas sa iyong labi,
kaya forever kang bine-bless ng Diyos.
3 I-ready mo ang iyong espada, O haring magiting,
ikaw ay dakila at makapangyarihan.
4 Mabuhay ang mahal na hari!
Sayong mga laban maging successful kang lagi,
ipaglaban mo ang totoo at ang hustisya!
Sa lakas mong yan, sigurado ang tagumpay!
5 Matalas ang iyong mga pana,
tumatagos sa puso ng mga kaaway,
mga bansa ay bumabagsak sa iyong paanan.
6 Ang tronong bigay sayo ng Diyos
*
ay hindi matatapos,
sa iyong kaharian, matuwid kang namumuno,
7 mahal mo ang matuwid, at galit ka sa masama.
Kaya pinili ka ng Diyos, ang iyong Diyos,
ginawa ka niyang masaya,
wala nang haring mas sasaya pa.
8 Ang damit mo ay pinabango ng myrrh, aloes, at cassia.
Tinutugtugan ka ng mga musicians sa palasyong pinaganda ng ivory.
9 Kasama sa mga nagse-serve sayo ay mga prinsesa,
at sa iyong kanan, naroon ang reyna,
mamahaling ginto ang nakasuot sa kanya.
10 O bride ng hari, pakinggan ang aking sasabihin,
ang bayan at kamag-anak mo ay iyo nang limutin.
11 Sa ganda mong yan, magugustuhan ka ng hari,
dahil ikaw ay kanya, dapat mo syang sundin.
12 Bibigyan ka ng regalo ng mga taga-Tyre,
susuyuin ka ng mayayaman para iyong paboran.
13 Nasa palasyo ang prinsesa, sobrang ganda nya!
Gold na sinulid ang ginamit sa gown nya.
14 Dinala sya sa hari, suot ang makulay na gown,
kasunod niya ang mga abay,
silang lahat, sa hari ay ihaharap.
15 Masaya ang lahat, excited na naglalakad,
sa palasyo ng hari, pumapasok na sila!
16 O aking hari, magkakaroon ka ng mga anak, mamanahin nila ang trono,
at gagawin mo silang pinuno sa buong mundo.
17 Dahil sa kanta ko, makikilala ang pangalan mo sa lahat ng generation,
at forever kang pupurihin ng lahat ng tao.

29/09/2026

PSALMS 44

Prayer ng Paghingi ng Protection
Para sa song leader, tula ng angkan ni Korah.
1 O Diyos, kami mismo ang nakarinig,
kinwento ng mga ancestors namin,
ang mga dakilang bagay na ginawa mo sa time nila,
nung unang panahon:
2 Ikaw mismo ang nagpalayas sa ibang mga lahi,
at sa lupa nila, nilagay mo ang iyong bayan.
Ang ibang mga lahi, iyong pinarusahan,
at ang bayan mo, bliness mo naman.
3 Nasakop nila ang lupa, hindi dahil sa armas,
ang nagpanalo sa kanila ay di sariling lakas.
Ito ay dahil sa lakas mo,
sa kamay mong makapangyarihan.
Nangyari nga ito kasi kasama ka nila,
oo, kasi mahal mo sila.
4 O Diyos, ikaw ang aking hari,
nagbibigay ng tagumpay sa bayan mong pinili.
5 Dahil sa lakas mo, napatumba namin ang aming mga kaaway,
dahil kasama ka namin, sila ay napabagsak!
6 Sa aking pana di ako magtitiwala,
di ako mase-save ng aking espada,
7 pero niligtas mo kami sa aming mga kaaway,
at pinahiya mo ang aming mga kalaban.
8 O Diyos, lagi ka naming pupurihin
at forever kaming magpapasalamat sayo.
9 Pero ni-reject mo kami ngayon, hinayaang matalo,
hindi ka na sumasama sa aming mga sundalo.
10 Pinabayaan mo kami, kaya sa kaaway ay umatras,
ang lahat ng sa amin, kinuha nila, walang tinira.
11 Hinayaan mong katayin kami na parang mga tupa,
tinapon sa ibang bansa para dun ay magdusa.
12 Binenta mo kami sa mababang presyo,
sobrang mura, parang wala kaming halaga.
13 Ginawa mo kaming katawa-tawa,
nilalait kami ng mga tao sa paligid.
14 Naging joke kami sa harap ng mga bansa,
inaasar nila kami, pailing-iling pa sila.
15 Lagi akong napapahiya,
at dahil sa hiya, gusto ko nang mawala.
16 Ayoko nang marinig, ayoko nang makita,
mga kaaway kong galit, nanlalait at naninira.
17 Pero bakit na-experience namin lahat ng ito?
Di ka naman kinalimutan,
di rin kami sumira sa ating kasunduan.
18 Ni talikuran ka, di namin ginawa,
sinunod ka namin nang buong tapat.
19 Pero dinurog mo kami, sa mga hayop pinalapa,
iniwan, pinabayaan sa dilim ng kamatayan.
20 Kung sa aming Diyos di na kami sumamba,
at kung nag-pray man kami sa diyos na di namin kilala,
21 e di sana nalaman mo na yun!
Kasi alam mo ang bawat secret na meron kami.
22 Ikaw ang dahilan kung bakit oras-oras kaming pinapatay,
at para kaming mga tupang naka-ready nang ipakatay.
23 Gumising ka, Lord! Bakit ka natutulog?
Bumangon ka! Wag mo kaming i-reject forever!
24 Bakit umiiwas ka ng tingin sa amin?
Tingnan mo, pinapahirapan kami at inaapi.
25 Bagsak na kami, subsob na sa lupa,
konting kilos man ay di magawa.
26 Please, Lord, tulungan mo na kami!
Iligtas mo kami dahil sa wagas mong pag-ibig!

28/09/2026
28/09/2026

PSALMS 41

Prayer ng may Sakit
Kinompose ni David para kantahin ng song leader.
1 Bine-bless ang taong concerned sa mahihirap,
tinutulungan ni LORD pag meron syang problema.
2 Pino-protect sya ni LORD at iniingatan ang buhay,
kilala syang pinagpala sa bayan nya,
at sa mga kaaway nya, hindi sya pababayaan.
3 Inaalagaan sya ni LORD pag meron syang sakit,
pinapagaling sya, lakas ay binabalik.
4 Nag-pray ako, “O LORD, nagkasala ako sayo.
Maawa ka sa akin, pagalingin mo ako.”
5 Mga kaaway ko, grabe ang sinasabi tungkol sa akin, sabi nila,
“Kelan ba yan mamamatay, bakit nandyan pa yan?”
6 Mga dumadalaw sa akin, ang paplastik,
gusto lang makasagap ng masamang balita,
pag alis, itsi-tsismis nila yun sa lahat.
7 Yung mga galit sa akin, nagbubulungan, ako ang pinag-uusapan,
ini-imagine nila yung pinakagrabeng mangyayari sa akin.
8 Sabi nila, “Malala na sakit nya!
Di na sya gagaling, mamamatay na yan.”
9 Yung bestfriend ko na pinagkatiwalaan ko,
ka-share ko sa pagkain, pero tinraydor ako.
10 Maawa ka sa akin, LORD, pagalingin mo ako,
para magantihan ko sila!
11 Malalaman kong natutuwa ka sa akin,
kasi di umubra sa akin ang mga kaaway ko.
12 Tinulungan mo ako kasi ginagawa ko ang tama,
nilagay mo ako sa tabi mo, forever.
13 Praise the LORD, ang Diyos ng Israel!
Purihin sya forever and ever!

27/09/2026

Sunday Worship Celebration
WALKING WITH GOD
09.27.26


23/09/2026

PSALMS 37

Ang Mangyayari sa Mabuti at Masama
Sinulat ni David.

1 Wag kang ma-stress dahil sa mga masama,
wag kang mainggit sa mali ang ginagawa.
2 Parang damo, mamamatay din sila,
at kagaya ng dahon, sila'y malalanta.
3 Magtiwala kay LORD at mabuti ang gawin,
para mabuhay ka nang safe at payapa sa lupain.
4 Kay LORD mo hanapin ang saya,
at yung mga gustung-gusto mo, ibibigay nya.
5 Ipaubaya mo kay LORD ang buhay mo,
magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka nya.
6 Magiging malinaw sa lahat na tama ka,
kasingliwanag ng araw sa tanghaling tapat.
7 Relax ka lang, hintayin mo si LORD,
wag kang ma-stress pag umaasenso ang iba,
o pag natutupad ang masamang plano nila.
8 Wag kang magpadala sa galit at sa stress,
ipapahamak ka lang nyan.
9 Kasi mawawala ang masasama,
pero ang kay LORD nagtitiwala,
tatanggapin ang pinangakong lupa.
10 Konting panahon na lang, wala nang masasama,
kahit hanapin sa lugar nila, hindi mo sila makikita.
11 Pero yung mga humble, tatanggapin ang pinangakong lupa,
ang sagana at magandang buhay, ma-eenjoy nila.
12 May pinaplano ang masasama laban sa mabubuti,
nanggigigil sila sa galit sa mga yun.
13 Pero natatawa lang si Lord sa masasama,
kasi alam nyang bilang na ang mga araw nila.
14 Nire-ready na ng masasama ang kanilang mga espada,
ready na rin ang mga pana nila.
Ililigpit nila ang mahihirap at kawawa,
at papatayin ang mga gumagawa ng tama.
15 Pero mamamatay ang mga masama sa sariling espada,
at mababali ang mga pana nila.
16 Mas okay pa yung konting meron ang matuwid,
kesa sa yaman ng mga masasama,
17 kasi mawawala ang lakas ng masasama,
pero ang mga matuwid, si LORD ang mag-aalaga.
18 Concerned si LORD sa mga malinis ang buhay,
yung lupang minana nila, forever nang kanila.
19 Sa panahong taghirap, di sila magigipit,
at kahit taggutom, sila'y sagana pa rin.
20 Pero mamamatay ang mga masama,
ang mga kaaway ni LORD, parang magandang bulaklak,
parang usok, mawawala rin sila.
21 Nanghihiram ang masama, wala nang solian,
pero ang matuwid, bukas-palad na nagbibigay.
22 Yung bliness ni LORD ang magmamana ng lupa,
palalayasin naman ang kanyang sinumpa.
23 Si LORD ang nagga-guide sa dapat lakaran ng mga tao,
at pino-protect nya yung mga nagpapasaya sa kanya.
24 Kahit madapa pa sila, makakabangon din agad,
kasi hawak ni LORD ang kamay nila.
25 Simula nung bata pa ako hanggang ngayong matanda na,
never kong nakitang pinabayaan ang mga matuwid,
kahit mga anak nila, never namalimos ng pagkain.
26 Kung magbigay at magpahiram ang mga matuwid, laging willing,
ang mga anak nila, nagiging blessing.
27 Lumayo ka sa masama at gawin mo ang mabuti,
at ang lahi mo ay laging mabubuhay sa lupain.
28 Since mahal ni LORD ang tama,
di nya pababayaan ang mga tapat sa kanya.
Forever iingatan ang mga matuwid,
pero ang lahi ng masasama ay itatakwil.
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain,
at dun na sila titira forever.
30 Puno ng wisdom ang salita ng mga taong mabuti,
at laging patas sa lahat ang mga sinasabi.
31 Nasa puso nila ang utos ng Diyos,
never silang lumilihis dito.
32 Inaabangan ng masama ang taong mabuti,
pinaplanong sya ay patayin.
33 Pero di sya pababayaan ni LORD sa kaaway,
pag may nagdemanda sa kanya, idi-defend sya.
34 Umasa kay LORD, lagi syang sundin,
itataas ka nya at ibibigay sayo ang lupain,
makikita mo ang masasama ay palalayasin.
35 May nakita akong tao, masama at abusado,
parang puno sa Lebanon, malaki at matibay.
36 Pero pagdaan ko ulit dun, aba, wala na sya!
Hinanap ko sya, pero di ko na makita.
37 Tingnan mo ang mga mabait at matuwid,
yung mga taong tahimik ang buhay, nagpapatuloy ang lahi.
38 Pero ang mga makasalanan, mawawasak nang tuluyan,
mauubos ang lahi nila, walang maiiwan.
39 Sine-save ni LORD ang gumagawa ng tama,
sya ang takbuhan nila pag may problema.
40 Tinutulungan sila ni LORD at nililigtas,
nire-rescue sila sa masasama,
kasi kay LORD sila pumupunta para maging safe.

Address

Duhat Street Brgy Duquit, Mabalacat City, Pampanga
Mabalacat
2009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hills Of Glory Duquit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Hills Of Glory Duquit:

Shortcuts

Share