12/05/2024
Ang tulang ito ay inilalahad ko sa lahat ng ina sa buong mundo
isang ina,
Tulad ng alon sa dagat na walang katapusan.
Kahit pa'y ang mundo ay 'di mapanatag,
Siya'y patuloy na magbabantay.
Ang kanyang mga palad na may kuwintas ng pawis,
Naghatid ng aliw at kapayapaan sa puso.
Ang boses niya'y tulad ng batingaw,
Na laging tatawag sa atin upang bumalik.
Ang kanyang mga mata, isang bukal ng pag-asa,
Na laging nagbibigay ng liwanag sa ating landas.
Ang kanyang puso, isang tahanan ng pag-ibig,
Na patuloy nating iniingatan.
"Ina",tatlong letra ngunit nagsakripsyo ng sobra
Inuuna ang mga anak bago ang sarili nila
Walang katumbas na pag mamahal ang ibinibigay nila
Sadyang wala ngang katulad ang ating mga ina
Sila young matatawag nating "INA"
(Nay,Ma,Mom,Etc.)
Ina na di natin aakalain na ating makakapiling.
Ina na akala mo eh!! Hanggang bahay lang,
Pero may tinatagong kalukohan kapag sinakyan na ang iyong mga biro.
Ina na kapag nagdrama ay dinaig pa ang MMK sa drama,
Ina na makakasama mo sa oras ng problema...
At INA na parang barkada molang kung kayo ang magkasama..
Mga kasabihan nila noon ay palaging na uungkat,! Kapag siya na ang magkukuwento.
Ina na Una naming g**o,
ikaw ang naging Una naming tagapayo,
Ikaw din ang Una naming nurse/ doctor at ikaw, ina ang naging Una naming matalik na kaibigan
INA maraming salamat nga Pala,
Para SA lahat Ng iyong mga pag-aalaga At pag-aaruga,
Maraming salamat nga po pala,
Para SA lahat Ng iyong mga supporta.
Lubos kami na nagpapasalamat SA panginoon,
Sapagkat ika'y ipinagkaloob SA akin,SA amin,
Alam KO na Hindi sapat ang tulang Ito,
Ang tulang nilikha para sa inyo.
Ina Ikaw ang aming mundo, ang aming buhay,
Ang aming tanglaw sa lahat ng araw.
Salamat, ina sa iyong pagmamahal,
Pagmamahal, Na walang hanggan at walang katulad.
Happy mother's day to all mother's in the whole world. And happy mother day to our Mama Mary
Just keep it up.... Being a good mom.
Composed by :Marian Christine Llever
Happy mother's day OLGP momies , nanay, Lola , mama .