17/10/2025
๐ฃ๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฌ๐ || Bilang tugon sa panawagan ng Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines (CBCP), hinihikayat ang mga mananampalataya na magsuot ng kulay puti tuwing Linggo ngayong Oktubre at Nobyembre at maglagay ng puting laso sa tahanan, simbahan, at pampublikong lugar bilang sagisag ng panalangin para sa pagbangon ng bansa sa gitna ng mga suliranin ng korapsyon at mga nagdaang kalamidad.
Ayon sa Circular No. 25-14 na inilabas nitong Sabado, sinabi ni Cardinal Pablo Virgilio David, Pangulo ng CBCP, na ang pagsusuot ng puting kasuotan at laso ay sumasagisag sa panawagan ng mga tao para sa transparency, accountability, at mabuting pamamahala.
Dagdag pa niya, ang gawaing ito ay nagpapahayag din ng panalangin na mawaยญlan ng dungis at muling mabago ang ating bansa sa awa ng Diyos, at mailayo sa mga kalamidad.
โHayaan nating maging sagisag ang ating mga puting kasuotan ng kadalisayang ating hinahangad โ para sa ating bayan at sa ating mga puso. Nawaโy ang panahong ito ng panalangin at pagsisisi ay maghatid sa atin ng pag-asa, kagalingan, at muling pagpapanumbalik sa katotohanan at katarungan.โ - Cardinal David