ICF Men and Women's Department

ICF Men and Women's Department Men and Women of ICF

27/05/2026

Seize Every Opportunity to Show Kindness

Proverbs 3:27–28

"Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa kung ika’y may kakayahan na ito ay magawa. Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag mong sabihing, ‘Bumalik ka bukas at saka ko ibibigay.’”

God has given us another day of opportunity—a chance to show compassion, kindness, and love to the people around us. Ang bawat bagong araw ay hindi lamang blessing para sa atin kundi pagkakataon din upang maging pagpapala sa iba.

Ipinaaalala sa atin ng Proverbs 3:27–28 na huwag nating ipagpaliban ang paggawa ng mabuti. Kapag binigyan tayo ng Diyos ng pagkakataong tumulong sa isang tao, that moment itself may be a divine appointment. Maaaring tayo ang sagot ng Diyos sa panalangin ng isang nangangailangan.

Makikita natin ang magandang halimbawa nito sa kuwento ng Good Samaritan sa Luke 10:25–37.

Una sa lahat, binuksan ng Good Samaritan ang kanyang mga mata upang makita ang pangangailangan ng iba. Hindi siya nagbulag-bulagan sa sitwasyon ng sugatang lalaki. Hindi siya nagmadaling lumampas. Instead, he noticed him, stopped, and allowed compassion to move his heart.

Maraming tao ang dumaan sa kalsadang iyon. Some even knew God's law very well. Ngunit isang tao lamang ang nagpahintulot na ang kanyang pagmamahal ay maging aksyon.

Sinasabi sa Luke 10:34:

"Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang a**o at dinala sa bahay-panuluyan upang maalagaan doon."

The Good Samaritan did not waste time. Hindi niya sinabi, “Babalikan na lang kita bukas.” Hindi siya naghanap ng dahilan para umiwas. He seized the opportunity and immediately acted in love.

May isang napakalalim na aral tayong makukuha rito:

Kindness is not measured by how much we have, but by how willing we are to use what we have.

Hindi mayaman ang Good Samaritan. Wala siyang dalang napakaraming resources. Pero ginamit niya kung ano ang mayroon siya noong mga sandaling iyon—ang kanyang langis, alak, benda, hayop na sinasakyan, oras, at lakas.

Madalas iniisip natin na hindi tayo makakatulong dahil kulang tayo sa pera, kulang sa resources, o kulang sa oras. But God does not ask us to give what we do not have. He simply asks us to use what we already have.

Sometimes kindness looks like:
• Listening to someone who is hurting.
• Giving encouragement to someone who feels hopeless.
• Helping someone who is in need.
• Praying for someone who is struggling.
• Offering your time to someone who feels alone.

Sa mata ng Diyos, even the smallest act of kindness can become an act of love.

True love always moves downward in humility so that it can lift someone upward in healing.

Ang mundong ito ay puno ng mga taong sugatan.

Some are physically wounded.
Some are emotionally wounded.
Some are spiritually wounded.
Some are financially wounded.

Maraming tao ang naglalakad araw-araw na may dalang sakit, disappointment, anxiety, fear, at loneliness. Madalas hindi natin sila napapansin dahil abala tayo sa sarili nating mga gawain at problema.

Pero araw-araw, may mga taong inilalagay ang Diyos sa ating landas na nangangailangan ng compassion.

And sometimes, our hands become God's hands for them.

Kapag pinili nating tumulong, makinig, mag-encourage, o manalangin para sa iba, tayo ay nagiging daluyan ng pag-ibig at biyaya ng Diyos.

Reflection

The story of the Good Samaritan teaches us that love must act.

Hindi dapat naghihintay ang kindness ng mas magandang pagkakataon, mas maraming pera, o mas convenient na schedule.

Kapag may pagkakataon tayong gumawa ng mabuti, that moment may be the very opportunity God has prepared for us.

Hindi hinihingi ng Diyos ang perfection. Ang hinahanap Niya ay willing heart.

Kapag pinili nating maging mabait, mahabagin, at mapagbigay, nagiging instrumento tayo ng Kanyang pagmamahal sa isang mundong sugatan at nangangailangan ng pag-asa.

So let us reflect on these questions today:

• Sino sa buhay ko ang maaaring nangangailangan ng kindness ngayon?
• May pagkakataon ba akong pinalampas dahil ako ay naging abala o nag-atubili?
• What simple act of kindness can I do today for someone who is hurting?

Remember this:

A small act of kindness can make a big difference in someone's life.

Minsan ang simpleng pakikinig, pagngiti, pagtulong, pag-encourage, o panalangin ay maaaring maging sagot ng Diyos sa isang taong nangangailangan.

Prayer

Our Dear Loving, Gracious and Forgiving Father,

Maraming salamat po sa panibagong araw na Iyong ipinagkaloob sa amin. Thank You for giving us opportunities to show kindness, compassion, and love to the people around us.

Holy Spirit, bigyan Mo po kami ng puso na tulad ng puso ng Good Samaritan. Buksan Mo ang aming mga mata upang makita ang mga taong nangangailangan ng tulong. Buksan Mo rin ang aming puso upang kami ay maantig sa kanilang kalagayan.

Tulungan Mo po kaming huwag ipagpaliban ang paggawa ng mabuti. Teach us to use whatever we have—our time, our words, our resources, and our strength—to bless others.

Gawin Mo po kaming instrumento ng Iyong kabutihan at pagmamahal sa mundong ito na puno ng sugatan at nangangailangan ng pag-asa.

May our lives become channels of Your kindness and grace. And may every act of kindness point people closer to You.

This we pray in the mighty name of Jesus.

Amen.

26/05/2026

The True Meaning of God’s Blessing

“The Lord bless you and keep you;
The Lord make His face shine upon you, and be gracious to you;
The Lord lift up His countenance upon you, and give you peace.”
— Numbers 6:24–26

Alam n’yo ba na ang Diyos ay nasa business of blessing His people?
It is in God’s heart to bless His children.

Because God is our Provider and Blesser, blessing is part of His character. Ngunit mahalagang maintindihan natin kung ano talaga ang ibig sabihin ng “blessing” ayon sa Bible.

Maraming tao ang iniisip na kapag blessed ka, ibig sabihin mayaman ka, successful ka, o wala kang problema. Pero ayon sa Kasulatan, ang tunay na blessing ay higit pa sa material na bagay.

Kapag sinasabi nating “God bless you,” hindi lang ito simpleng pagbati. Ito ay panalangin at declaration na:

* “Lord, samahan Mo siya.”
* “Guide and protect this person.”
* “Bring them closer to You.”

Sa Bible, ang blessing ay:

* presensya ng Diyos,
* biyaya ng Diyos,
* kapayapaan,
* spiritual strength,
* at tamang relasyon natin sa Panginoon.

The greatest blessing is not riches or success — the greatest blessing is God Himself.

Makikita natin ito sa buhay ng mga lingkod ng Diyos. Si Job ay dumaan sa matinding pagsubok ngunit nanatiling tapat sa Panginoon. Si Paul ay nakaranas ng prison, persecution, at suffering, ngunit nanatiling blessed dahil kasama niya ang Diyos. Kahit si Jesus Christ mismo ay nagdusa rito sa lupa.

Kaya hindi basehan ng blessing ang kawalan ng problema.
Sometimes God blesses us by giving.
Sometimes He blesses us by protecting us from wrong things.
And sometimes God blesses us through trials that make us spiritually stronger.

Ang pinakadakilang blessing na maibibigay ng Diyos ay kaligtasan kay Cristo. Through Jesus, we receive:

* forgiveness,
* salvation,
* eternal life,
* peace,
* hope,
* at presensya ng Holy Spirit.

Maaaring mahirap ang isang tao sa materyal na bagay pero spiritually blessed siya dahil kasama niya ang Diyos. Because true blessing is not measured by possessions but by God’s presence.

Romans 12:14 says:

“Bless and do not curse.”

Bilang mga Kristiyano, tinatawag tayo ng Diyos na maging pagpapala rin sa iba—sa pamamagitan ng encouragement, prayer, forgiveness, grace, at pagmamahal.

Reflection

Kapag sinabi mo bang “God bless you,” tunay ba itong nanggagaling sa puso?
Do you see blessing as material things only, or do you recognize God’s presence as the greatest blessing of all?

Conclusion

Ang tunay na blessing ay hindi lang pera, comfort, o success.
True blessing is having God in our lives.

Kapag kasama natin ang Diyos, may peace tayo kahit may problema. When we walk with Christ, we remain blessed even during difficult seasons.

Ang pinakamalaking blessing na maibibigay ng Diyos ay ang Kanyang presensya, kaligtasan, at pangakong buhay na walang hanggan kay Jesus Christ.

Kaya kapag sinabi mong “God bless you,” sabihin mo ito nang may pagmamahal at pananampalataya — dahil hinihiling mo na ang Diyos mismo ang kumilos sa buhay ng taong iyon.

Prayer

Heavenly Father,
Maraming salamat po sa tunay na blessing na nagmumula lamang sa Inyo. Teach us, Lord, to understand that real blessing is not only material things but Your presence, grace, peace, and salvation.

Holy Spirit, tulungan Mo po kaming mamuhay nang malapit sa Iyo araw-araw. Kapag sinasabi namin ang “God bless you,” hayaan Mong manggaling ito sa pusong puno ng pagmamahal at panalangin para sa iba.

Guide us, protect us, strengthen us, and help us become a blessing to other people. Thank You for the greatest blessing of all — our salvation through Jesus Christ.

In Jesus’ name, Amen.

24/05/2026

Invest in Eternity

“Though I appreciate your gifts, what makes me happiest is the well-earned reward you will have because of your kindness.” — Philippians 4:17

Maraming tao ang abala sa pag-iipon ng kayamanan dito sa lupa—bahay, lupa, negosyo, pera, at iba pang material na bagay. Hindi naman masama ang magkaroon ng mga ito, ngunit pinaaalalahanan tayo ng Diyos na may mas mahalagang investment kaysa sa anumang kayamanan sa mundong ito.

Tinawag ni Jesus ang prinsipyong ito na “storing up treasure in heaven.” Sa Matthew 6:19-20 sinabi Niya:

“Don’t store up treasures here on earth, where moths eat them and rust destroys them, and where thieves break in and steal. Store your treasures in heaven, where moths and rust cannot destroy, and thieves do not break in and steal.”

Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay pansamantala lamang. Darating ang araw na maiiwan natin ang lahat ng earthly possessions. Ngunit ang mga bagay na ginawa natin para sa Diyos at para sa ibang tao ay may eternal value at eternal reward.

Paano tayo nakakapag-ipon ng treasure sa heaven? Sa pamamagitan ng pag-invest sa buhay ng tao. Kapag tayo ay nagbibigay ng oras, pagmamahal, encouragement, panalangin, tulong, at resources para sa gawain ng Diyos at sa kapakanan ng iba, tayo ay naglalagay ng kayamanan sa eternity.

Sa Philippians 4:17, pinasalamatan ni Apostle Paul ang mga taga-Philippi dahil sa kanilang generosity. Ngunit higit pa sa natanggap niyang tulong, mas ikinagalak niya ang eternal reward na naghihintay sa kanila dahil sa kanilang kabutihan at sakripisyo.

Ganito rin ang puso ng Diyos para sa atin. Hindi Niya nakakalimutan ang bawat kabutihan na ginagawa natin. Every act of kindness, every sacrifice, every help, and every seed planted for God’s glory has eternal impact.

Minsan iniisip natin na maliit lang ang ating nagagawa—isang simpleng pagtulong, pakikinig, pag-encourage, o pag-share ng Word of God. Ngunit sa mata ng Diyos, ang mga iyon ay mahalaga at maaaring gamitin Niya upang baguhin ang buhay ng isang tao magpakailanman.

Ang mundo ay nagtuturo na unahin ang sarili, ngunit ang kaharian ng Diyos ay nagtuturo ng generosity, compassion, at pag-ibig. Kapag tayo ay nagbibigay nang may tamang puso, hindi tayo nawawalan. Sa halip, tayo ay nag-iinvest sa isang kayamanang hindi kailanman mawawala.

Reflection

* Saan ko mas inilalagay ang aking puso—sa earthly treasures o sa eternal treasures?
* Paano ko magagamit ang aking oras, talento, lakas, at resources upang maging blessing sa iba?
* Sino ang taong maaaring pag-invest-an ko spiritually this week?

Prayer 🙏

Heavenly Father,
Maraming salamat po sa Iyong Salita na nagpapaalala sa amin na ang tunay na kayamanan ay hindi matatagpuan sa mundong ito kundi sa aming eternal relationship with You.

Tulungan Mo po kaming magkaroon ng pusong mapagbigay, mapagmahal, at handang maglingkod sa iba. Teach us to invest our time, energy, talents, and resources sa mga bagay na may eternal value.

Alisin Mo po ang selfishness, greed, at takot sa aming puso. Bigyan Mo kami ng faith to trust You and to become a blessing to others. Help us to store treasures in heaven rather than focusing only on temporary things here on earth.

Thank You, Lord, because You are our greatest reward and eternal treasure.
In Jesus’ Name we pray, Amen. 🙏

24/05/2026
23/05/2026

🌿 Devotional: Choose to Change

“Throw off your old sinful nature and your former way of life, which is corrupted by lust and deception.” — Ephesians 4:22

Alam n’yo ba na ang pagbabago na nais nating mangyari sa buhay natin ay hindi gagawin ng Diyos kung hindi natin ito pagpapasyahang piliin na maganap sa buhay natin?

Change requires making choices.

Hindi sapat ang mangarap lang na tayo’y magbago. Although the desire to change is a good thing, it is not enough. Para magbago, kailangan nating gumawa ng desisyon. Kailangan nating piliing magbago.

Every moment, every day, every minute, we are challenged to make a choice. Tandaan natin ito: “Life is full of choices.”

Ang pagbabago ay dapat intentional.

Are you going to be any different in six months? Magiging mas mabuti ka ba pagkalipas ng isang taon? Are you going to be healthier, stronger, and more mature? Magiging mas masaya ka ba? Are you going to be less in debt? Magiging mas katulad ka ba ng nais ng Diyos para sa’yo?

These changes will only happen if you choose to change—because change doesn’t happen accidentally.

Madalas iniisip natin na hinihintay lang natin ang Diyos na baguhin tayo. No! God is waiting on you. Hinihintay Niya na sabihin mo, “Yes, Lord, willing akong gawin ang mga pagbabagong ito.”

You will need to make intentional choices in order to grow. Walang growth without change. There is no change without loss, and there is no loss without pain.

Kung gusto mong lumago, kailangan mong magbago. And change means letting go of old things in order to grab hold of new things.

Parang trapeze lang ito. The trapeze artist swings from one bar and reaches for another. Sa isang punto, kailangan niyang bitawan ang isa para mahawakan ang kasunod. If he tries to hold on to both, he gets stuck in the middle and falls.

May ilan sa atin na naiipit sa gitna. You’re falling because you haven’t let go of the old patterns, old habits, and old ways of thinking.

Kailangan mong bitawan ang dati mong pamumuhay.

The Bible says, “Throw off your old sinful nature and your former way of life.” Sa madaling salita, let it go. Yung mga dating habits, dating sakit, dating patterns, at dating kasalanan—bitawan mo na.

Sinasabi rin ng Bible sa Philippians 2:13 na ang Diyos ay gumagawa sa atin upang tuparin ang Kanyang mabuting layunin. Trust that God is working in you “to will and to act in order to fulfill His good purpose.”

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa surrendered heart at intentional choice. Hindi sapat ang gusto lang natin magbago; kailangan nating piliing sumunod sa Diyos araw-araw.

✨ Reflection

Hindi mangyayari ang growth kung kapit pa rin tayo sa lumang buhay. May mga bagay, habits, at mindset na kailangan nating bitawan upang maranasan natin ang bagong direksyon na inihanda ng Diyos para sa atin.

Change is painful sometimes, but staying the same can be even more painful. Kapag pinili nating sumunod sa Panginoon, tutulungan Niya tayong mabago mula sa loob palabas.

🙏 Prayer

Heavenly Father, maraming salamat po sa Iyong pagmamahal at biyaya. Tulungan Mo po kaming piliing magbago araw-araw. Bigyan Mo kami ng lakas na bitawan ang mga dating kasalanan, maling habits, at unhealthy patterns sa aming buhay.

Holy Spirit, teach us to trust You completely and to follow Your will even when it is difficult.

Panginoon, baguhin Mo po ang aming puso at isip upang mas maging katulad kami ni Jesus. Thank You because You never give up on us.

In Jesus’ name, Amen. 🙏

Address

Enriquez Street Corner Magallanes Street
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ICF Men and Women's Department posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share