Our Lady of the Miraculous Medal

Our Lady of the Miraculous Medal Established in 2023 under the Roman Catholic Diocese of Lucena, the Our Lady of the Miraculous Medal Mission Station serves Brgy. Ilayang Talim, Brgy.

Ibabang Talim and portions of Brgy. Isabang in Lucena City as well as Brgy. Isabang in Tayabas City.

Daily GospelMayo 27 2026 | Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)MABUTING BALITAMarcos 10, 32-45Ang Mabut...
27/05/2026

Daily Gospel
Mayo 27 2026 | Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

MABUTING BALITA
Marcos 10, 32-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nasa daan ang mga alagad patungong Jerusalem. Nauuna sa kanila si Hesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Ibinukod ni Hesus ang Labindalawa at sinabi ang mangyayari sa kanya. Wika niya, “Ngayo’y paahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Kanilang hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain nila, luluran, hahagupitin, at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”

Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedro, at ang sabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.” “Ano yon?” tanong ni Hesus. Sumagot sila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa sa binyag na daranasin ko?” “Opo,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo, at kayo’y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan.”

Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

DAILY GOSPELMayo 26 2026MABUTING BALITAMarcos 10, 28-31Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San MarcosNoong panaho...
26/05/2026

DAILY GOSPEL
Mayo 26 2026
MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Daily GospelLunes, Mayo 25, 2026 | Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng SambayananMABUTING BALITAJuan 19, 25-34An...
24/05/2026

Daily Gospel
Lunes, Mayo 25, 2026 | Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan
MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mayo 24, 2026 | Linggo ng Pentekostes | 10:00 AM.
24/05/2026

Mayo 24, 2026 | Linggo ng Pentekostes | 10:00 AM.

24/05/2026

Homily Highlights | May 24, 2026 | Linggo ng Pentekostes | Rev. Fr. Orson Ornedo

24/05/2026

May 24, 2026 | Linggo ng Pentekostes

Mayo 24 2026 | Linggo ng Pentekostes (AMABUTING BALITAJuan 20, 19-23Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanKi...
23/05/2026

Mayo 24 2026 | Linggo ng Pentekostes (A

MABUTING BALITA
Juan 20, 19-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawag na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Daily Gospel Mayo 23 2026MABUTING BALITAJuan 7, 37-39Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanSa huli at pinaka...
22/05/2026

Daily Gospel
Mayo 23 2026
MABUTING BALITA
Juan 7, 37-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa huli at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Hesus at malakas na sinabi: “Ang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.'” Tinutukoy niya ang Espiritung tatanggapin ng mga nananalig sa kanya. Nang panahong iyon ay hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu Santo, sapagkat hindi pa nagaganap ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Photo Highlights | May 22, 2026 | Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
22/05/2026

Photo Highlights | May 22, 2026 | Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

DAILY GOSPELMayo 22 2026 | Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng PagkabuhayMABUTING BALITAJuan 21, 15-19Ang Mabuting Bali...
21/05/2026

DAILY GOSPEL
Mayo 22 2026 | Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Daily GospelMayo 21 2026 | Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng PagkabuhayMABUTING BALITAJuan 17, 20-26Ang Mabuting Balit...
20/05/2026

Daily Gospel
Mayo 21 2026 | Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Our Lady Of The Miraculous Medal Mission Station, Brgy. Ilayang Talim
Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Miraculous Medal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share