15/05/2026
WOW, PEACE ✌️😙
Ang daming ingay! ang daming bulong ng isipan; ang daming hinahabol na hinaing at halinghing, at tila hindi matunton ang katahimikang nakaagapay.
Kaya naman inaanyayahan namin ang bawat kabataan sa isang sandali ng paghinto at pagninilay sa pamamagitan ng Taizé Prayer. Ito ay bukas para sa lahat—sa mga pagod, sa mga naghahanap ng sagot, at sa mga nais lamang magpasalamat sa isang payak ngunit taimtim na paraan.
Ang Taizé ay isang payak at taimtim na paraan ng pananalangin—isang sandali ng katahimikan upang bigyang-daan ang tinig ng Diyos na mangusap sa ating puso.
📅 Date: May 22, 2026
⏰ Time: After 5:30PM MASS
📍 Place: Our Lady of Lourdes Parish Iyam, Lucena City