Camareros de Quezon

Camareros de Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Camareros de Quezon, Religious organisation, Lucena.

Camareros de Quezon is a community-based organization of custodians of religious images, icons and relics in the province of Quezon aiming to preserve, dignify and enrich the tradition of owning and maintaining santo images

02/09/2023
SANTA ANA Y SAN JOAQUIN (Catanauan, Quezon)Museo Diocesano de PasigDOCE ESTRELLAS: La Niña MariaSeptember 1-24, 2023The ...
02/09/2023

SANTA ANA Y SAN JOAQUIN
(Catanauan, Quezon)

Museo Diocesano de Pasig
DOCE ESTRELLAS: La Niña Maria

September 1-24, 2023
The museum is open every Wednesday to Saturday (1 to 5 PM) and Sunday (10 AM to 5 PM)











SAN JOAQUIN (Catanauan, Quezon)Museo Diocesano de PasigDOCE ESTRELLAS: La Niña MariaSeptember 1-24, 2023The museum is op...
02/09/2023

SAN JOAQUIN
(Catanauan, Quezon)

Museo Diocesano de Pasig
DOCE ESTRELLAS: La Niña Maria

September 1-24, 2023
The museum is open every Wednesday to Saturday (1 to 5 PM) and Sunday (10 AM to 5 PM)











SANTA ANA(Catanauan, Quezon)Museo Diocesano de PasigDOCE ESTRELLAS: La Niña MariaSeptember 1-24, 2023The museum is open ...
02/09/2023

SANTA ANA
(Catanauan, Quezon)

Museo Diocesano de Pasig
DOCE ESTRELLAS: La Niña Maria

September 1-24, 2023
The museum is open every Wednesday to Saturday (1 to 5 PM) and Sunday (10 AM to 5 PM)











27/04/2023

Inviting friends to watch our concert this coming monday, May 1, 2023 at the Antipolo Cathedral - 8:00pm; featuring three choirs - The Loreto Minstrels, The Archdiocesan of our Lady of Loreto Shrine and Cantus. Admission is free.

We will be performing pieces by Lucio D. San Pedro "Misa Birhen Maria" and AJ Consolacion's "Misa Inmaculada Concepcion" with the festival brass. The conductors are Joven Valeras, Franz Ramirez and Jopi Vergara Diestro.

The soloist are Bianca Lopez-Aguila and Kris Gonzales. I will be playing the organ on that evening. Let's bring our friends as we start the 2023 Pilgrims Season.

"DOMINGO DE RESURRECCION”Itinuturing na rurok ng año liturgico ng Iglesia Catolica, ang Domingo de Resurreccion ang pina...
08/04/2023

"DOMINGO DE RESURRECCION”

Itinuturing na rurok ng año liturgico ng Iglesia Catolica, ang Domingo de Resurreccion ang pinakahuli at pinakamahalagang araw ng Semana Santa. Tinatawag ding Domingo de Pascua, sa araw na ito ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang muling pagkabuhay ni Jesucristo.

Ang banal na celebracion liturgica ng Domingo de Resurreccion ay nagsisimula sa Vigilia de Pascua sa gabi ng Sabado Santo. Tinaguriang pinakapangunahin sa lahat ng pagdiriwang, ito ay nahahati sa apat na bahagi: ang Lucernarium at Exsultet; ang Liturgia de la Palabra; ang Liturgia Bautismal; at ang Liturgia de la Eucaristia.

Binibigyang-diin sa Lucernarium ang katotohanang si Jesucristo ang liwanag ng sanlibutan. Dito sa yugtong ito binabasbasan ang apoy at inihahanda ang cirio pascual na ginagamit sa Santa Misa at iba pang celebracion liturgica ng Simbahan. Ipinahahayag naman sa Exsultet ang muling pagkabuhay ni Jesucristo.

Kinapapalooban ng mga Pagbasa mula sa Biblia ang Liturgia de la Palabra: pito mula sa Lumang Tipan at dalawa mula sa Bagong Tipan, ang Epistola at ang Evangelio.

Bukod sa Letania, ang Liturgia Bautismal ay kinatatampukan ng pagbabasbas sa tubig na ginagamit sa pagbibinyag at ang pagpapanibago ng mga pangako sa binyag.

Ang Vigilia de Pascua ay nagwawakas sa Liturgia de la Eucaristia na nagbibigay pagkakataon sa mga mananampalatayang tanggapin ang Katawan at Dugo ni Jesucristo.

Dito sa Filipinas, ang pagdiriwang ng Domingo de Resurreccion o Domingo de Pascua ay lalong pinatitingkad ng tradicional na Encuentro. Tinatawag na Salubong sa Katagalugan, isinasalarawan sa procesion na ito ang pagtatagpo ng nagdadalamhating Birheng Maria at muling nabuhay na Panginoong Jesucristo. Ang mabunying pagtatagpo ay sinasabayan ng pag-awit ng coro at mga mananampalataya ng Regina Coeli, isang panalanging alay ng Simbahan sa Ina ng Muling Nabuhay na Panginoon.



“VIERNES SANTO”Ang Viernes Santo ay bahagi ng Triduum Paschale o Triduo Pascual, ang napakahalagang celebracion liturgic...
07/04/2023

“VIERNES SANTO”

Ang Viernes Santo ay bahagi ng Triduum Paschale o Triduo Pascual, ang napakahalagang celebracion liturgica ng Iglesia Catolica na nagsisimula sa gabi ng Jueves Santo at nagtatapos sa gabi ng Domingo de Resurreccion o Domingo de Pascua.

Ginugunita sa taunang Viernes Santo ang pagpapakasakit at kamatayan ni Jesucristo. Kinatatampukan ito ng isang mataimtim na pagdiriwang ng Iglesia Catolica, banal na pagdiriwang na nahahati sa tatlong bahagi.

Ang unang bahagi ng banal na pagdiriwang ng Simbahan tuwing Viernes Santo ay ang Liturgia de la Palabra. Ang unang pagbasa ay mula sa Aklat ng Profeta Isaias, samantalang ang ikalawang pagbasa ay mula sa Sulat sa mga Hebreo. Hango naman ang Evangelio sa salaysay ni San Juan tungkol sa Pasion o paghihirap at pagkamatay ni Jesucristo.

Bukod sa mga Pagbasa at Evangelio mula sa Biblia, napapaloob din sa unang bahagi ng banal na pagdiriwang ang Oracion Universal. Binubuo ito ng sampung panalangin o pagsamo: para sa Iglesia Catolica; para sa Santo Papa; para sa lahat ng obispo, presbitero o sacerdote, diacono at laico; para sa mga catecumenado; para sa pagkakaisa ng mga Cristiano; para sa mamamayang Judeo; para sa mga hindi naniniwala kay Cristo; para sa mga hindi naniniwala sa Dios; para sa mga oficial ng gobierno; at para sa mga dumaranas ng samu't saring paghihirap.

Tampok naman sa ikalawang bahagi ng banal na pagdiriwang tuwing Viernes Santo ang Adoracion de la Cruz. Nagsisimula ito sa pagpapahayag ng presbitero o sacerdote ng Ecce lignum Crucis na tinutugunan naman ng Venite, Adoremus ng diacono o coro. Ang pagbibigay-pugay sa Santa Cruz ay karaniwang sinasabayan ng taimtim na pag-awit ng Crux Fidelis o iba pang angkop na himig at pag-awit ng Stabat Mater bago magwakas ang yugtong ito.

Panghuling bahagi ng banal na pagdiriwang ang Sagrada Comunion. Ibinabalik ng diacono o ng presbitero o sacerdote sa altar ang Santisimo Sacramento mula sa pinaglagakan nito matapos ang Misa de la Ultimo Cena ng nagdaang gabi. Pinangungunahan ng presbitero o sacerdote ang pag-usal ng Pater Noster, Quia Tuum at Agnus Dei bago tanggapin ng sambayanan ang hostia santa.

Ang banal na pagdiriwang ng Liturgia de la Palabra, Adoracion de la Cruz at Sagrada Comunion ang kinikilalang pinakamahalagang kaparaanan ng paggunita sa Viernes Santo bagama't nagsasagawa rin ang mga mananampalataya ng mga Visita Iglesia, Via Crucis at Procesion na nagtatampok sa Santo Entierro at Virgen de la Soledad.



"SEMANA SANTA"Inihuhudyat ng Abril 2, 2023 ang pagsisimula ng Semana Santa, ang taunang paggunita sa pagpapakasakit, kam...
01/04/2023

"SEMANA SANTA"

Inihuhudyat ng Abril 2, 2023 ang pagsisimula ng Semana Santa, ang taunang paggunita sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesucristo.

Tinatawag na Mahal na Araw sa Katagalugan, ang Semana Santa ay pumapatungkol sa isang linggong makulay ngunit taimtim na pag-alala sa mga huling araw ng Panginoong Jesucristo. Nagsisimula ito sa Domingo de Ramos at nagwawakas sa Domingo de Resurrección.

Ang paggunita sa Semana Santa ay sinasabing nagsimula sa España noong 1500s o ikalabing-anim na dantaon. Nagpasya ang Iglesia Catolica na maglunsad ng mga parada na kinatatampukan ng mga yugto mula sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Jesucristo. Layon nitong higit na maipaunawa ang kahulugan at kahalagahan ng pag-aalay ng Panginoon ng kanyang buhay alang-alang sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Mula sa España, ang paggunita sa Semana Santa ay ipinalaganap ng mga misionero na nagpakilala ng Iglesia Catolica sa kapuluan ng Filipinas. Kabilang rito ang Agustinos na dumating noong taong 1565; Franciscanos, taong 1577; Jesuitas, taong 1581; Dominicanos, taong 1587; at Recoletos, taong 1606.

Ang Semana Santa sa Filipinas ay nagsisimula sa Domingo de Ramos o Linggo ng Palaspas. Laksa-laksang mananampalatayang Catolico ang humuhugos sa mga simbahan upang gunitain ang mabunying pagpasok ni Jesucristo sa Jerusalem. Ang mga palaspas na kanilang iwinawagayway ay binabasbasan ng pari at kanilang iniuuwi sa kani-kanilang mga tahanan pagkatapos ng unang Misa ng taunang Mahal na Araw.

Bukod sa Pagbabasbas ng mga Palaspas, ang Semana Santa sa Filipinas ay kinatatampukan ng mga Pabasa, Senakulo, Visita Iglesia, Via Crucis, Encuentro o Salubong at iba pang kaparaanan ng pagpupugay sa Panginoong Jesucristo.

Lumulundo ang Semana Santa sa vigilia ng pag-aantabay sa Domingo de Resurrección na tinatawag ding Domingo de Pascua.



22/10/2022
22/10/2022

Pagbati ng Kapayapaan!

Malugod po namin kayong iniimbithan sa kauna-unahang Marian Exhibit dito sa ating Bayan na may temang "MARIA INA at Gabay ng Gumaca". Itatampok po natin ang ibat-ibang Imahen ng Mahal na Birheng Maria na nasa pangangalaga ng Pamilyang Gumaqueño. Kaya magkita-kita po tayo sa darating na Linggo upang masaksihan ang nasabing gawain. Hangarin ng gawaing ito ay upang manumbalik ang pananampalataya at tradisyon na ating kinagisnan.


Address

Lucena
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camareros de Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Camareros de Quezon:

Share