Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena

Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena, Catholic Church, Capistrano Subd. , Brgy. Gulang-Gulang, Lucena.
(2)

The Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena is the only recognized official page of Our Lady of Peñafrancia here in the Diocese of Lucena.

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 24 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 | Masayang sinalubong ng sambayanan ng Parokya at Pandiocesis n...
24/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 24 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 | Masayang sinalubong ng sambayanan ng Parokya at Pandiocesis ng Dambana ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia ang Imahen ni San Fernando, ang Patron ng Diocesis ng Lucena.

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 24 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026 Let us unite in prayer and celebrate the Feast Day of Saint Bartholomew the...
23/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 24 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

Let us unite in prayer and celebrate the Feast Day of Saint Bartholomew the Apostle. Known for his sincere faith, unwavering devotion, and wholehearted commitment to Christ, St. Bartholomew serves as a powerful witness to the truth, grace, and love of our Lord.

As we face the daily struggles and challenges of life, let us seek his intercession to help us follow Christ with faith, courage, perseverance, and generosity, remaining steadfast in our calling to live and share the Gospel.

23/08/2026

Ang Pagdalaw ni San Fernando, Patron ng Diocesis ng Lucena sa Dambana ni Ina | Ika-23 ng Agosto, 2026 - 4:00 ng hapon

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 23 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Aming ipinapabatid na wala po muna ang ating Sunday Mass Livestrea...
22/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 23 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 | Aming ipinapabatid na wala po muna ang ating Sunday Mass Livestream ngayong araw, ika-23 ng Agosto, 2026 sa ganap na ika-7 ng umaga dahil sa mga nangyayaring technical difficulties tulad ng pagkawala ng aming internet connection ngayon. Amin na po itong ginagawan ng paraan at hinahanapan ng solusyon.

Hinihingi namin ang inyong lubos na pang-unawa. Maraming Salamat po.

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 23 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026𝑺𝑼𝑵𝑫𝑨𝒀 𝑺𝑪𝑹𝑰𝑷𝑻𝑼𝑹𝑬𝑺 | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon(A)UNANG PAGBASAIsaia...
22/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 23 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

𝑺𝑼𝑵𝑫𝑨𝒀 𝑺𝑪𝑹𝑰𝑷𝑻𝑼𝑹𝑬𝑺 | Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon(A)

UNANG PAGBASA
Isaias 22, 19-23

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon kay Sabnang katiwala sa palasyo:
“Aalisin kita sa iyong katungkulan,
at palalayasin sa iyong kinalalagyan.
Tatawagin ko sa araw na iyon ang aking lingkod,
si Eliaquim na anak ni Helcias.
Siya ang pagsusuutin ko ng iyong buong kasuotan,
ibibigay ko sa kanya ang iyong kapangyarihan,
siya ang magiging pinakaama ng Jerusalem at ng Juda.
Ibibigay ko sa kanya ang susi ng bahay ni David;
ang kanyang buksa’y walang makapagsasara
at walang makapagbubukas ng ipininid niya.
Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda
itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar
at siya’y magiging marangal na luklukan
para sa sambahayan ng kanyang ama.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Ako, P**n, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

Dakila man ang P**ng D’yos, mahal din niya ang mahirap
kumubli ma’y kita niya yaong hambog at pasikat.
Ang dahilan nito, P**n, pag-ibig mo’y di kukupas.
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 11, 33-36

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kayamanan, karunungan at kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang kanyang mga panukala at pamamaraan! Gaya ng nasusulat:

“Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoon,
O sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyos
para siya nama’y gantimpalaan?”

Sapagkat mula sa kanya at sa pamamagitan niya at sa kanya ang lahat ng bagay. Sa kanya ang karangalan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 16, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.” At mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Mga Teksto mula sa awitatpapuri.com

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026Ating salubungin ang pagbisita bukas, ika-23 ng Agosto hanggang ika-29 ng Ag...
22/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

Ating salubungin ang pagbisita bukas, ika-23 ng Agosto hanggang ika-29 ng Agosto ng imahen ni San Fernando sa Parokya at Pandiocesis na Dambana ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia! Sama-sama tayong makiisa sa panalangin, pagpupugay, at Banal na Misa bilang isang sambayanan.

Mga Natatanging Gawain:

Pag-salubong sa labas ng Capistrano Subd.
Ritu ng Pagtanggap sa Imahen
Pagluluklok ng Imahen sa Altar
Pagbabahagi ng Maikling Panayam
Pagdiriwang ng Banal na Misa (5:00 PM)

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026 Her queenship is not one of earthly power or distance, but of profound mate...
22/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

Her queenship is not one of earthly power or distance, but of profound maternal love and active intercession. Standing beside her Son, Christ the King, Mary acts as the ultimate Advocate for our hopeless causes, our unseen heartbreaks, and our daily trials.

As we reflect on her coronation, let us place our trust in her gentle hands, knowing she never turns away a child who seeks her refuge.

21/08/2026

Misa Pamimintuho: Novena, Debosyon at Banal na Misa sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia | Unang Araw ng Nobena sa Ika-anim na Lupi | Ika-22 ng Agosto, 2026 - 6:30 ng umaga
Punong Tagapagdiwang: Rdo. Mons. Charles A. Herrera, P.C., E.V.

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐀𝐃𝐎 | Araw ng Pamimintuho at Debosyon sa Mahal na Birhen ng Peña...
21/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 22 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐀𝐃𝐎 | Araw ng Pamimintuho at Debosyon sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia

Panalangin para sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia

Ititig mo sa akin ang iyong mahabaging mga mata, O Birhen ng Peñafrancia, at kaawaan mong dumudulog saiyo na puno ng pagsisisi. Alagaan mo ang aking pamilya, ang aking mga pinsan at mga tumutulong sa akin. Tulungan mo ang mga nananampalataya saiyo, ang mga yumao na at mga buhay, lalong lalo na ang mga karapat dapat mong tulungan. Sa oras ng aking mga pagaalin-langan, pagkukulang at paghihirap lalong lalo na sa aking pagkamatay, tulungan mo ako, sabihin mo na ako ay iyong taga-sunod, na dala ng malaking pagtitiwala sa iyong pagkalinga nakaluhod sa iyong paanan sa paghingi ng iyong pagtulong.

Ina naming Birhen ng Peñafrancia, ipanalangin, tulungan at iligtas mo ako, Amen.

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 21 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒 | Araw ng Debosyon sa El Divino RostroPanalangin sa El Div...
20/08/2026

𝐏𝐃𝐒𝐎𝐋𝐏 𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 21 𝓐𝓾𝓰𝓾𝓼𝓽 2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒 | Araw ng Debosyon sa El Divino Rostro

Panalangin sa El Divino Rostro

O Jesus, sa iyong kapait-paitang pagpapakasakit para sa amin, ay nakintal sa iyong mukha ang matinding kalungkutan na tanda ng lyong walang hanggang pagmamalasakit sa sangkatauhan lalo na sa mga mahihirap at pinabayaan. Aming pinararangalan ang lyong Banal na Mukha na siya ring nagpamalas ng kagandahan, pagmamahal at kaamuan ng Diyos Ama.

Sa kabila ng lyong sirang kaanyuan, namamalas namin ang lyong walang hanggang pag-ibig na siya namang nag-uudyok sa amin na Ika'y amin ring mahalin at himukin ang iba na Ikaw rin ay mahalin sa mga sirang kaanyuan ng aming kapwa na ipinagkakatiwala mo sa amin. Ang luha na masaganang bumukal sa lyong mga mata at pisngi ay parang mga perlas na nais naming tipunin upang tubusin ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga makasalanan sa pamamagitan ng lyong hindi matatawarang halaga.

O Jesus, ang lyong kabanal-banalang mukha ay nagbibigay-galak sa aming kalooban, kahit hindi ko man masulyapan ang tamis ng iyong sulyap o maramdaman man ang lyong di masaysay na lambing, hinihiling namin na manatili ang pagkakakintal ng lyong Banal na Mukha sa aming puso. Pag-alabin mo kami ng lyong pag-ibig upang sa pamamagitan nito. kami nawa'y maging karapat-dapat na makibahagi sa pagsamba at pagdakila ng iyong maluwalhating Mukha sa kalangitan. Amen.

Address

Capistrano Subd. , Brgy. Gulang-Gulang
Lucena
4301

Opening Hours

Tuesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Wednesday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Thursday 8am - 11:30am
2pm - 4pm
Friday 8am - 11:30am
2pm - 5pm
Saturday 8am - 11:30am
2pm - 4:30pm
Sunday 8am - 11:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish & Diocesan Shrine of Our Lady of Peñafrancia de Lucena:

Shortcuts

Share