12/05/2022
●- KAYA MO BA? -●-
- Bilang isang Christiano Masaya Pero Challenging Tama?
- Minsan ng dahil sa Pag-subok Natatalo tayo.
- Na kung minsan Dahil sa Pag-Subok Madalas Natatakot tayo na baka Hindi natin kaya, Madami tayong takot sa Puso.
- Kaya ko kaya? Magagawa ko kaya? Baka mapahiya lang ako! Baka diko kaya!.
- Napaka rami nating doubt or Duda sa ating sarili na Hindi natin kaya.
-Pero alam mo ba na sinasabi sayo ng Diyos na kaya mo? Bakit paano? Kaya ko ba talaga?
- Balikan natin ang Bibliya Marahil Maraming may alam Tungkol sa Kwento ni Job(Ang tapat na linggkod ng Diyos).
- Sa buhay ni JOB marami tayung malalaman.
- kagaya ng Sinubok ni Satanas Si JOB maliwanag na Hindi ang DIYOS ang nag bibigay sayo ng Suliranin or Mga pag subok!
- Maliwanag din na ang DIYOS lamang ang nag papahintulot sayo Job 1:12 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, "Kung gayon, GAWIN MO NANG LAHAT ANG GUSYO MONG GAWIN SA KANYA, HUWAG MO LAMANG SIYANG SASAKTAN". At umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh.
- Ngayun Bakit ngaba Hinayaan ng Diyos na Subukin ni Satanas si Job? Ibig bang sabihin Hinahayaan tayo ng Diyos? Ibig bang sabihin ayaw satin ng Diyos?
- Maling-Mali! Kahit kailan di niya tayu pinapabayaan Malinaw ding sinabi ng Diyos na "HUWAG MO LAMANG SIYANG SASAKTAN". Bakit? Dahil mahal ka ng Diyos Kapatid!.
- Ngayun bakit ngaba Hinayaan ng Diyos na Subukin Ni satanas si Job?
- DAHIL NANINIWALA ANG DIYOS NA KAYA NATIN! NANINIWALA ANG DIYOS NA MAGAGAWA NATIN! Dahil tayo ay kalarawan ng Diyos!
Gen 1:27 NILALANG NGA NG DIYOS ANG TAO AYON SA KANYANG LARAWAN. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,
- Dahil na niniwala ang Diyos na kaya natin! Naniniwala ang Diyos na magagawa natin!
-Dahil naniniwala ang Diyos na Hindi mahina ang kanyang mga anak!!.
.
-J,CUTE💖