UPC Lucban Shepherd's House

Directions

UPC Lucban Shepherd's House Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from UPC Lucban Shepherd's House, Religious organisation, Sitio. Ilaya Brgy. Abang , Lucban Quezon, Lucban.

01/10/2026

October 1 ,2026
Morning Devotion
L.M Department

By: Sis Shie Caasi

ECCLESIASTES 3 : 11

11 ] He hath made every thing beautiful in this time: also he hath set the world in their heart, so that no man can find out the work that God maketh from the beginning to the end.

11 ] Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao sng gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.

➡️ Mga kapatid ang salita ng Diyos ay nagpapaalala na, ang Diyos ang magtatakda ng bawat pangyayari sa tamang panahon at may layunin sa bawat yugto ng ating buhay. ang tamang panahon ng Dios ay perpekto. ang bawat karanasan natin maging ito ay masaya o mahirap ay may magandang layunin na magaganap sa tamang panahon. Bagama't gusto natin malaman ang hinaharap nguni't limitado lamang ang ating kaisipan .kaya pinapaalalahan tayo ng talatang ito na magtiwala tayo sa plano ng Diyos na mangyayari ang kanyang kalooban sa tamang panahon .matuto lamang tayong maghintay at huwag tayong mainip or magmadali. .Amen🙏

Gof bless us all .😇🙏

Psalms 122:1[1](A Song of degrees of David.) I was glad when they said unto me, Let us go into the house of the LORD. Ak...
30/09/2026

Psalms 122:1
[1](A Song of degrees of David.) I was glad when they said unto me, Let us go into the house of the LORD.
Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.

28/09/2026

September 29,2026
Morning Devotion
L.M Department

By: Sis Elma Abarca

Isaiah 41:10
[10]Fear thou not; for I am with thee: be not dismayed; for I am thy God: I will strengthen thee; yea, I will help thee; yea, I will uphold thee with the right hand of my righteousness.

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Praise God isang mapagpalang umaga mga Kapatid at mga kaibigan, salamat sa Panginoon at muli Nya tayong ginising. Every gising is a blessing from God 🙏😇 thank you Lord, thank you Jesus!

📌 Huwag tayong matakot mga Kapatid na harapin ang hamon sa ating Buhay, huwag tayong madismaya sa lahat ng pagsubok na ating nararanasan Kasama nating palagi ang Panginoon! Amen praise God! Gamitin natin ang ating pananampalataya sa Panginoon. Ipagkatiwala natin ang ating mga surilanin sa Panginoon at lumakad tayo ng may pagtitiwala sa ating Panginoon! The just live by faith! Increase our faith mga Kapatid. Use our faith, pray without ceasing🙏 😇

📌 God give us rest and renew our strength daily. God help and support us and He protect us! We are Safe in God's hand! Amen praise God! ✋🙏 😇

God is faithful to His promises! Our very present help in time of needs! God bless us all po mga Kapatid! And All the glory belong to Jesus our God and Saviour!🙏💪😇

27/09/2026

September 28,2026
Morning Devotion
L.M Department

By: Sis Fam LIBRANDA

Ephesians 5:16
[16]Redeeming the time, because the days are evil.
Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.

Purihin ang salita ng Panginoon
Pahalagahan ang Oras

Mga kapatid ang oras ay isang regalo mula sa ating Diyos na hindi natin kayang ibalik. Kapag lumipas ang isang minuto, tapos na ito at hindi na natin ito mababawi.
Minsan sinasabi natin, “May oras pa naman.” May oras pa para manalangin, maglingkod, magpatawad, magmahal, at gawin ang ipinapagawa ng Diyos.
Kaya habang may pagkakataon pa, gamitin natin ang oras sa mga bagay na may kabuluhan. Huwag nating hayaang maubos ang panahon sa mga bagay na hindi nakakatulong sa ating buhay at relasyon sa ating Diyos.
Hindi natin kontrolado kung gaano kahaba ang ating buhay, pero kaya nating piliin kung paano natin gagamitin ang oras na ibinigay sa atin.

Kaya habang may pagkakataon pa piliin lagi natin na maramdaman ang presensya ng ating Panginoon.

God bless

24/09/2026

September 24,2026
Morning devotion
L.M Department

By: Sis Lucy Gomez
Hebrews 11:6
[6]But without faith it is impossible to please him: for he that cometh to God must believe that he is, and that he is a rewarder of them that diligently seek him.
At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

➡️Itinuturo nito na hindi natin mapaluluguran ang Diyos kong walang Pananampalataya.
Dapat tayong maniwala na sya ay tunay at ginagantimpalaan niya ang mga taong taos pusong naghahanap sa kanya.
➡️Lumapit tayo sa Diyos hindi dahil nakikita na natin ang sagot, kundi dahil nagtitiwala tayo na Siya ay tapat.

22/09/2026

September 23,2026
Morning Devotion
L.M Department

Isaiah 41:10
Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo. Huwag kang mabalisa, sapagkat ako ang iyong Diyos. Pagtitibayin kita, at tutulungan kita, at aalalayan kita sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng aking marapat na tagumpay.

Magandang araw satin mga kapatid.Madali tayong mapagod o mangamba kapag mabigat ang mga suliranin sa araw-araw. Minsan, pakiramdam natin ay nag-iisa tayo sa laban ng buhay.

Ngunit ipinapaalala sa atin ng talatang ito na hinding-hindi tayo pababayaan ng Diyos. Hindi Niya tinitingnan kung gaano kalaki ang iyong problema, kundi ipinapaalala Niya kung gaano kalaki ang Kanyang kapangyarihan. Sa tuwing ikaw ay nanghihina, ang Kanyang kamay ang aalalay at magtataguyod sa iyo. Huwag mong dalhin ang lahat ng pasanin nang mag-isa.
Anjan ang Panginoon na handang umalalay satin..
Amen Hallelujah🙏🙏🙏

21/09/2026

September 22,2026
Morning Devotional
L.M Department

By: Sis Charemaine Gomez

“Strives for the hands of God”

Hebrews 10:31
It is a fearful thing to fall into the hands of the living God.

Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.

Praise the Lord! Hallelujah!
Bilang isang tao at mananampalataya, araw araw tayong magroong pakikibaka sa ating mga buhay at araw araw natin itong dapat pagtagumpayan upang tayo ay lumbago, tumatag, at tumibay sa mundong ito. Ngunit sa kabila ng pagtatagumpay na ito ay alam natin na ang ating Panginoon ang Siyang nakipaglaban sa atin. HE is the one who fought for us.

Kagaya ng sinasabi sa verse na ito mga kapatid, “kakilakilabot ang mahulog sa mga kamay ng Diyos na buhay” nakakatakot ang mawala sa presensya ng Diyos, nakakatakot ang mawalan ng proteksyon ng Diyos, nakakatakot ang mawala sa paningin ng Diyos at higit sa lahat nakakatakot ang galit at p**t ng Diyos. Napakahirap isipin na mawala sa buhay natin ang ating Panginoon na Siyang nagcocontrol ng ating mga buhay.

Salamat sa ating Panginoon sapagkat sa kabila ng ating mga pagkukulang at minsay kawalan ng pananampalataya ay patuloy pa rin Niya tayong hinahawakan at nililingap.

Kaya huwag nating abusuhin ang pag ibig at kabutihan ng ating Panginoon mga kapatid, anuman ang ating mga pagkukulang at nagagawa na hindi nakalulugod sa ating Diyos ay magpasakop tayo sa Kanyang mga salita, maniwala tayo sa Kanyang pagsasaway at pagtutuwid sapagkat ito ay pagpapakita ng Kanyang dakilang pag ibig sa atin.
Purihin ang Diyos!

To God be all the Glory!🙌
God bless us all! 🙏

19/09/2026

September 19 2026
Morning Devotion
L.M Department

By : Marissa Florido

MATEO 6:14
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit.
Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo ,hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama."

➡️kung mayrun man tao na nagkarun sa
atin ng kasalanan or mga bagay na ginawa sa atin buhay ay kailangan patawarin din natin sila at patatawarin din tayo ng Diyos 🙏
Amang nasa langit...kaya kung hindi ninyo
pinatatawad ang nagkasala sa atin ay hindi
rin tayo patatawarin ng ating Ama 🙏😇 Amen Hallelujah 🙏😇

18/09/2026

September 18,2026
Morning Devotion
L.M Department

By:Sis Elvie Dela Cruz

Ecclesiastes 5:1
[1]Keep thy foot when thou goest to the house of God, and be more ready to hear, than to give the sacrifice of fools: for they consider not that they do evil.

Ingatan mo ang iyong paa pagka ikaw ay napasasa bahay ng Dios; sapagka't ang paglapit upang makinig ay maigi kay sa magbigay ng hain ng mga mangmang: sapagka't hindi nila nalalaman na sila'y nagsisigawa ng kasamaan.

➡️Tinuturuan tayo ng mensaheng ito na hindi lamang pagpunta sa church o pagaalay ng handog ang kailangan, mas mahalaga ang matutunan natin ay ang pakikinig at pagsunod sa kanyang mga salita, minsan ang akala natin ay sapat na ang pagdarasal, pagaalay o pag attend sa church, pero kung hindi natin pinapakingan at isinasa buhay ang mga salita ng Diyos parang wala din kabuluhan ang ating ginagawa. Pinaalalahanan tayo ng Diyos na lumapit sa kanya na may paggalang, kababaang loob at handang makinig at sumunod sa kanyang mga mensahe..Amen
Purihin Ang kanyang mga salita..😇🙏

17/09/2026

September 17,2026
Morning Devotion
L.M Department

By: Sis Lou Cortez

1 Corinthians 12:24
[24]For our comely parts have no need: but God hath tempered the body together, having given more abundant honour to that part which lacked:
Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakula
ngan.

➡️ Ipinapaalala ng talatang ito na bawat bahagi ng katawan ay may halaga, kahit hindi lahat ay nakikita o napapansin. Ganoon din tayo bilang mga anak ng Diyos—bawat isa ay may kanya-kanyang lugar, kakayahan, at purpose na ibinigay ng Panginoon.
Kaya huwag nating ikumpara ang ating sarili sa iba. Sa halip, pahalagahan natin ang bawat isa at gamitin ang ating buhay upang maglingkod sa Diyos

Address

Sitio. Ilaya Brgy. Abang , Lucban Quezon
Lucban

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPC Lucban Shepherd's House posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share