Parish of St. Louis, Bishop & Diocesan Shrine of St. Isidore, Lucban Quezon

Parish of St. Louis, Bishop & Diocesan Shrine of St. Isidore, Lucban Quezon Ang Parokya ni San Luis, Obispo ng Tolosa ay matatagpuan sa Bayan ng Lucban, Probinsya ng Quezon. Nabuo naman ang kumbento noong taong 1743.

Ito ay nasa jurisdiksyon ng Distrito ni San Lucas ng Diocesis ng Lucena. ANG PAROKYA

Ang Parokya ni San Luis Obispo ay matatagpuan sa Bayan ng Lucban, Probinsya ng Quezon. Ito ay nasa ilalim ng pang-ecclesial na hurisdiksyon ng Diyosesis ng Lucena at kabilang sa Distritong Pang-episcopal ni San Lucas, Vicaria ni Santo Tomas. Ang parokya ay nagsimula bilang isang “visita” noong 1578 nang itatag ito ng mga Pransiskanong Misyonero na sina Padre Juan de Plasencia at Padre Diego de Oropesa. Pormal itong naging ganap na parokya noong 1595 sa pagtatayo ng unang simbahan na gawa sa kahoy sa pamamagitan ni Padre Miguel de Talavera na itinalaga kay San Luis Obispo ng Tolosa, isang santo na nagmula din sa hanay ng mga Pransiskano. ANG SIMBAHAN

Ang unang simbahan na gawa sa bato ay itinayo noong 1630 na may baroque na stilo. Ginawa naman ang pangkasalukuyang harapan sa mga taong 1748-1753 habang gumugol naman ng 23 taon para matapos ang tore sa pagitan ng 1746-1769. Taong 1769 nang magtayo ng bakod sa palibot ng simbahan na gawa sa bato na tinawag ngayon na “quince-quince”. ANG PATRON: SAN LUIS OBISPO NG TOLOSA

Ang patron na si San Luis Obispo ay ipinanganak sa Brignoles, Provence sa Italia noong Pebrero 9, 1274. Siya ay ikalawang anak na lalaki nina Carlos II ng Anjou, na Hari ng Napoles at Sicilia sa Italia at Maria Arpad ng Hungaria, anak ni Haring Esteban V ng Hungaria. Si San Luis ay may kaugnayan kay San Luis IX sa panig ng kanyang ama at kay Sta. Isabel ng Hungaria sa panig ng kanyang ina. Nang matalo sa giyera ni Pedro III na Hari ng Aragon ng España ang kanyang amang si Carlos II, pinalaya ito sa kondisyon na bibihagin ang tatlo niyang anak na lalaki at dadalhin sila sa Catalonia, España upang ibigay sa pangangalaga ng mga Paring Pransiskano. Habang bihag, siya ay nag-aral ng Pilosopiya at Teolohiya; naging Pransiskano at pagtagal ay ipinagkatiwala sa kanya ang adminstrasyon ng Arzobispado ng Lyon sa Pransia ni Papa Celestino V. Bagama't siya ay naging tagapagmana ng mga titulo ng iniwan ng kanyang haring ama at nang namatay niyang nakakatandang kapatid, isinuko niya ang lahat sa kanyang bunsong kapatid dahil pinili niyang yakapin ang Pransiskanong Panata ng kahirapan, kalinisang-puri, at pagsunod. Pinili muna niyang ma-ordenahan bilang isang Pransikanong pari bago siya kinonsekra bilang Obispo ng Tolosa sa edad na 22 noong Pebrero 5, 1297. Sa kabila ng kanyang estado, agad na nakilala siya sa kanyang kababaang-loob at pagka-magalang; lalo na sa paglilingkod sa mga mahihirap, pagdalaw sa mga may sakit sa ospital at pagpapakain sa mga nagugutom kahit pa kalimutan niya ang kanyang sariling mga pangangailangan. Matapos lamang ang 6 na buwan ay bumaba siya sa pagiging obispo dahil sa matinding karamdaman. At, noon ngang Agosto 19, 1297, siya ay maagang namatay sa edad lamang na 23 sa kanyang bayan ng Brignoles. Siya ay naging isang santo noong Abril 7, 1317 na iginawad ni Papa Juan XXII.

Lakbay dalaw ni San Diego de Alcala sa Parokya ni San Luis Obispo:Isang Pagpapatibay ng Pananampalataya at Pagkakapatira...
25/08/2026

Lakbay dalaw ni San Diego de Alcala sa Parokya ni San Luis Obispo:Isang Pagpapatibay ng Pananampalataya at Pagkakapatiran
Isang makabuluhan at mapagpalang pagkakataon sa mga mananampalataya Ang isinagawang Lakbay Dalaw ni San Diego de Alcala sa Parokya ni San Luis Obispo ng Toulousa at Pandiocesis na Dambana ni San Isidro Labrador ay naganap ngayun Agosto 25. Sa pagdating ng imahen ni San Diego de Alcala Kasama Ang mga deboto at si Reb Mons. Dennis Imperial na a Lingkod Pari ng Minor Basilica of Saint Michael Archangel ay masiglang sinalubong ito ng mga Pari na sina Reb. Mons. Melecio V. Verastigue Ang Lingkod Pari ng Parokya at si Reb. P. Reymart Karl Estrada Katuwang na Lingkod Pari kasama Ang mga lingkod ng simbahan. PPC, PCEA,ST-MSK,PCCHD at Mga parokyano Ipinakita ng sambayanan Ang kanilang pagtanggap at paggalang sa banal na patron.Ipinakilala sa sambayanan ang katauhan ni SanDiego sampu ng kanyang mga halimbawa bilang. Mapagkumbaba,matapat sa pananalangin at sa bukas palad na paglilingkod.Naway manatili sa puso ng bawat isa ang mga aral at halimbawa ni San Diego at magsilbing inspirasyon upang patuloy na maging mga buhay nasaksi ng pananampalataya.
San Diego de Alcala, Kagalingan!

PABATID | PANAYAM UKOL SA KABANALAN NI VEN. ALFREDO MA. OBVIARMula sa Commission on Promotion on the Life, Virtues and R...
25/08/2026

PABATID | PANAYAM UKOL SA KABANALAN NI VEN. ALFREDO MA. OBVIAR
Mula sa Commission on Promotion on the Life, Virtues and Reputations of Venerable Alfredo Ma. Obviar

Sa darating na Agosto 28 (Biyernes), darating sa ating parokya at dambana ang Mula sa Commission on Promotion on the Life, Virtues and Reputations of Venerable Alfredo Ma. Obviar bilang pagbibigay ng panayam ukol sa Kabanalan ni Alfredo Ma. Obviar. Kasama dito, ang sambayanan ng iba't ibang parokya ng Distrito ni San Lukas.

Ito ang iskedyul ng gawain sa darating na Agosto 28:
1:30 n.h. - Panayam Ukol sa Kabanalan ni Alfredo Ma. Obviar
4:00 n.h. - Banal na Misa

Halina, at ating pakinggan, pagnilayan, at sundan ang kabanalan ni Ven. Alfredo Ma. Obviar! Maraming Salamat po!

24/08/2026

𝗟𝗔𝗞𝗕𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗡𝗜 𝗦𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗘𝗚𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔

"𝑨𝒃𝒂 𝑷𝒐𝒐𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒏 𝑫𝒊𝒆𝒈𝒐, 𝒌𝒂𝒎𝒊 𝒑𝒐'𝒚 𝒊𝒅𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒎𝒐."

6:00 n.u.
Agosto 25, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆: REB. MONS. DENNIS M. IMPERIAL, P.C., E.V.

Lingkod Pari at Rektor, Basilika Menor at Parokya ni San Miguel Arkanghel at Inihahandang Pandiocesis na Dambana ni San Diego ng Alcala, Lungsod ng Tayabas

TAMPOK NA GAWAIN SA ARAW NA ITO | BINYAGANG LUISITOSa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, tayo ay nakikiisa kay Hesus b...
24/08/2026

TAMPOK NA GAWAIN SA ARAW NA ITO | BINYAGANG LUISITO

Sa pamamagitan ng Sakramento ng Binyag, tayo ay nakikiisa kay Hesus bilang hari na naglilingkod, pari na nag-aalay ng papuri sa Diyos, at propeta na nagpapahayag ng salita ng Diyos. Sa sakramento ding ito, nalilinis ang mga bibinyagan sa kasalanang orihinal.

Sa araw na ito, isasagawa ang Maramihang Binyag sa ganap na ika-9 ng umaga sa loob ng ating simbahan.

PABATID | LAKBAY DALAW NI SAN DIEGO NG ALCALAMula sa Basilika Menor at Parokya ni San Miguel Arkanghel at Inihahandang P...
24/08/2026

PABATID | LAKBAY DALAW NI SAN DIEGO NG ALCALA
Mula sa Basilika Menor at Parokya ni San Miguel Arkanghel at Inihahandang Pandiyosesis na Dambana ni San Diego ng Alcala

Bukas, Agosto 25 (Martes), darating sa ating parokya ang mapaghimalang imahen ni San Diego ng Alcala, patron ng mga may sakit (lalo na ang mga may karamdaman sa balat o sugat), mahihirap, at mga katu-katulong o manggagawang gumagamit ng kamay (blue-collar workers).

Ito ang iskedyul ng gawain sa darating na Agosto 25:
5:30 n.u. - Pagsalubong sa Imahen ni San Diego ng Alcala, kasama ang sambayanan ng Basilika Menor
6:00 n.u. - Banal na Misa at susundan ng Debosyon kay San Diego ng Alcala

Halina at damhin ang mapaghimalang presensya ni San Diego ng Alcala sa ating parokya! Maraming Salamat po!

PABATID | LAKBAY DALAW NI SAN DIEGO NG ALCALA
Mula sa Basilika Menor at Parokya ni San Miguel Arkanghel at Inihahandang Pandiyosesis na Dambana ni San Diego ng Alcala

Sa darating na Agosto 25 (Martes), darating sa ating parokya ang mapaghimalang imahen ni San Diego ng Alcala, patron ng mga may sakit (lalo na ang mga may karamdaman sa balat o sugat), mahihirap, at mga katu-katulong o manggagawang gumagamit ng kamay (blue-collar workers).

Ito ang iskedyul ng gawain sa darating na Agosto 25:
5:30 n.u. - Pagsalubong sa Imahen ni San Diego ng Alcala, kasama ang sambayanan ng Basilika Menor
6:00 n.u. - Banal na Misa at susundan ng Debosyon kay San Diego ng Alcala

Halina at damhin ang mapaghimalang presensya ni San Diego ng Alcala sa ating parokya! Maraming Salamat po!

23/08/2026

𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗜 𝗔𝗣𝗢𝗦𝗧𝗢𝗟 𝗦𝗔𝗡 𝗕𝗔𝗥𝗧𝗢𝗟𝗢𝗠𝗘

6:00 n.u.
Agosto 24, 2026

𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆: REB. MONS. MELECIO V. VERASTIGUE, P.C., V.F.

Lingkod Pari at Rektor Parokya ni San Luis, Obispo ng Toulousa at Pandiocesis na Dambana ni San Isidro Labrador

22/08/2026

𝗜𝗞𝗔-𝟮𝟭 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

8:00 n.u.
Agosto 23, 2026

𝐓𝐚𝐠𝐚𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠: REB. P. REYMART KARL P. ESTRADA,

Katuwang na Lingkod Pari, Parokya ni San Luis, Obispo ng Toulousa at Pandiocesis na Dambana ni San Isidrò Labrador

Address

San Luis Street
Lucban
4328

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 11:30am
2pm - 4pm
Wednesday 8:30am - 11:30am
2pm - 4pm
Thursday 8:30am - 11:30am
2pm - 4pm
Friday 8:30am - 11:30am
2pm - 4pm
Saturday 8:30am - 11:30am
2pm - 4pm
Sunday 8:30am - 11am

Telephone

+63425403040

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish of St. Louis, Bishop & Diocesan Shrine of St. Isidore, Lucban Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Parish of St. Louis, Bishop & Diocesan Shrine of St. Isidore, Lucban Quezon:

Shortcuts

Share