03/01/2019
"Laging nating isaisip na hindi natin eto ministeryo. Maaring may gamitin iba ang Panginoon para matupad ang Kanyang layunin. " - Ptr. Ian De Felipe
Tunay, tayo ay mga instrumento lamang.
Nagsimula ang LWCF Breakthrough Camp 2018 sa isang panalangin. Panalangin na gamitin ng Panginoon ang mga buhay ng lingkod Niya para ihayag ang salita. By faith and by grace, nag-vision , nag-conceptualize at higit sa lahat mas higit na nanalangin sapagkat ang ministeryong eto ay hindi madali at nangangailangan ng higit pang preperasyon para eto ay maisakatuparan.
"Kung tayo ay mag-iisip ng isang tema na sa tulong ng Diyos, na tayo mismo ay personal na nakakaranas, na malapit sa puso natin, ano iyon at bakit?" -- malalalim na pag-uusap ng ating inatasang Camp Directress at ang kanyang assistant habang lulan ng sasakyan papauwi. Basag, struggling and depressed. Masasalim sa araw-araw pamumuhay natin bilang mga Kristyano.
Isang tanong na marahil nagbigay hudyat para isilang ang temang, "Unleashed: Conquering Spiritual Battles". Ang temang ,maging ang mga taong naghanda neto ay nakakaranas ng laban pero sa biyaya ng Panginoon ay patuloy na pinagtatagumpayan.
Papalapit ng papalapit ang mga araw, papalapit din ng papalapit ang kaba. Puro what if's. What if hindi mangyari ang ating mga gustong mangyari. What if hindi matuloy. What if hindi pa ako ready. Pero sa gitna ng lahat ng mga ito. Mas nakita pa rin ang pagkilos ng Diyos na sa kabila ng lahat, tanging Siya lamang ang may kontrol sapagkat muli, eto ay hindi natin ministeryo kundi sa Kanya.
Mula sa preperasyon , 5 months to be exact. Maraming mga challenges na halos by faith lang talaga. By faith lang na makapag-raise tayo na halos 130,000 na budget na hindi namin alam kung paano namin hahanapin. By faith lang kung paano pag-iisahin ang puso ng lahat ng alumni na alam naman nating mahirap gawin sa kabila ng kanilang busy schedules. At lalong by faith sapagkat, individually ay may pinagdadaanang laban sa kanilang buhay. Di naiwasan sa amin ang ma-discourage sa lahat ng bagay, pero sa biyaya at habag ng Diyos. Itinuloy ang laban at sa biyaya ng Panginoon , natapos din kahit na binagyo.
Salamat sa Panginoon sapagkat sa kabila ng pagiging basag natin, tayo ay tinipon ng Diyos for His glory. Sa kabila ng pagiging basag natin, ginamit tayo ng Diyos upang lalong madakila ang pangalan Niya. At higit sa lahat, na sa personal nating laban ng buhay, alam nating may Diyos tayong kasama, na kailanman hindi tayo mag-iisa.
Salamat mga kapatid, salamat mga ka-Warrior sapagkat kasama kita sa laban. Ang laban na eto ay hindi katapusan ngunit simula lamang ng pagharap sa higit pang mga laban. Maaring bumagsak tayo pero sa bawat pagbagsak, makita sa atin ang muling pagbangon na kasama natin ang Diyos :)
.