Carucaruhan de Lucban

Directions

Carucaruhan de Lucban Ang "Caru Caruhan de Lucban" ay isang samahan ng Parokya ni San Luis Obispo, sa Bayan ng Lucban, Que

๐—ข๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฐ โ€ข| ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—ฆ๐—–๐—ข ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ โ€ข|    PANALANGIN NI SAN FRANCISCO NG ASISSIPanginoon ako'y gawin Mong...
04/10/2026

๐—ข๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฐ โ€ข| ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—™๐—ฅ๐—”๐—ก๐—–๐—œ๐—ฆ๐—–๐—ข ๐—ก๐—š ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ๐—œ โ€ข|

PANALANGIN NI SAN FRANCISCO NG ASISSI

Panginoon ako'y gawin Mong daluyan
Ng Iyong hinahon at kapayapaan.
Pag may kagalitan, pag-ibig ialay.
Pag may kasakitan, patawad iakbay.
Pag may kaguluhan, ugnaya'y tibayan.
Pag may kalituhan, tiwala'y lakasan.
Pag may kamalian, totoo'y itanghal.
Pag may kabiguan, pag-asa'y iluwal.
Pag may kalungkutan, ligaya'y isayaw.
Pag may kadiliman, liwanag itanglaw.

O Gurong butihin,
Turuan Mo akong mas hanap-hanapin
Ang makakalinga kaysa kalingain,
Ang makaunawa kaysa unawain,
Ang makapagmahal kaysa pa mahalin.

Pagkat kung iisipin,
Nasa pagbibigay ang kasaganaan,
Nasa paumanhin ang kapatawaran.
Nasa pagkamatay ang muling pagsilang
Sa kaginhawahan na walang hanggan. Amen

San Francisco ng Assisi, Ipanalangin mo kami.

๐™Š๐™ ๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ง๐™š 1 | ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™๐™š๐™ง๐™š๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™š๐™จ๐™ช๐™จPANALANGINO Maluwalhating Sta. Teresita, na itinaas n...
01/10/2026

๐™Š๐™ ๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ง๐™š 1 | ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™๐™š๐™ง๐™š๐™จ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™š๐™จ๐™ช๐™จ

PANALANGIN

O Maluwalhating Sta. Teresita, na itinaas ng Makapangyarihang Diyos upang tularan at bigyan ng inspirasyon ang pamilya ng sangkatauhan, sumasamo ako sa iyong mahimalang pamamagitan.

Napakamakapangyarihan mo sa pagkakamit ng bawat pangangailangan ng katawan at kaluluwa mula sa Puso ng Diyos. Ipinahahayag ka ng Banal na Inang Simbahan bilang "kamangha-manghang tagapagtaglay ng mga himala... ang pinakadakilang santo ng makabagong panahon." Ngayon buong taimtim kong isinasamo sa iyo na dinggin mo ang aking kahilingan:

(BANGGITIN ANG KAHILINGAN)

at tuparin ang iyong mga pangakong pagpapalaganap ng langit sa paggawa ng mabuti sa lupa... pagpapahintulot na mahulog mula sa langit ang taluyot ng mga rosas. Munting Bulaklak pagkalooban mo ako ng iyong pananampalataya tulad ng sa isang bata, ng biyayang makita ang mukha ng Diyos sa mga tao at mga karanasan sa aking buhay, at ibigin ang Diyos nang may lubos na pagtitiwala.

Sta. Teresita aking madreng Carmelita, tutuparin ko ang iyong pakiusap na "ipakilala ka sa lahat ng dako ng mundo" at patuloy kong aakayin ang iba patungo kay Jesus sa pamamagitan mo. AMEN

Santa Teresita ng Sanggol na si Jesus, Ipanalangin mo kami!

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 29 โ€ข| ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™ˆ๐™ž๐™œ๐™ช๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก, ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™–๐™›๐™–๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก |โ€ขPANA...
29/09/2026

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 29

โ€ข| ๐™‹๐™–๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™– ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™ˆ๐™ž๐™œ๐™ช๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก, ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™‚๐™–๐™—๐™ง๐™ž๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก, ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™–๐™›๐™–๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ง๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™š๐™ก |โ€ข

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa.
Amen.

San Miguel Arkanghel, Ipanalangin mo kami.

PANALANGIN KAY SAN GABRIEL ARKANGHEL

O pinagpalang Arkanghel San Gabriel, sugo ng Diyos tagapaghatid ng Mabuting Balita ng Panginoon. Tagapagpaliwanag at Tagapagtanggol ng Katotohanan. Tulungan mo kaming maging patotoo ng Diyos. Sa binyag at kumpil nakibahagi kami sa Pagkapropeta ni Kristo upang magbigay ng patotoo sa harap ng mundo at maghatid ng Mabuting Balita sa Kapwa. Tanggapin nawa namin ng buong Pagmamahal, pag aralan ng buong ingat, isabuhay ng buong Katapatan at Palaganapin ng buong sigasig ang aral na ipinagkatiwala sa amin ng Panginoon. Sa pamamagitan mo kamtan nawa namin ang biyayang aming Hinihiling

Patnubayan mo kami mabunying sugo ng Langit, sa aming pagmamalasakit at paninindigan. Ukol sa kapangyarihan, katotohanan, kabanalan at katarungan ng Diyos. Upang kami'y maging tunay na saksi ni Kristo, ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Amen.

San Gabriel Arkanghel, Ipanalangin mo kami.

PANALANGIN KAY SAN RAFAEL ARKANGHEL

Oh kamahal-mahalang Arkanghel San Rafael, kagamutan ng Diyos para sa kagalingan ng mga tao, sa lubos na pagpapakumbaba ay ipinag-aamo-amo namin sa iyo na ikaw nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat ng aming kailangan, gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos ng sugat ng mga kasalanan, at gamutin mo rin ang mga sakit at karamdaman ng aming katawang lupa, upang magkamit kami ng kaligayahan dito sa lupa at sa langit man. Amen.

San Rafael Arkanghel, Ipanalangin mo kami.

๐˜š๐˜ฆ๐˜ต๐˜บ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ 28 | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€ | ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ณโ€œ๐˜ผ๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค...
28/09/2026

๐˜š๐˜ฆ๐˜ต๐˜บ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฆ 28 | ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€ | ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ณ

โ€œ๐˜ผ๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ก๐™ž๐™ ๐™ค ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™ช๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ช๐™จ๐™ค ๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™–๐™ฅ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐˜ฟ๐™ž๐™ฎ๐™ค๐™จ. ๐™ ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฎ๐™ง๐™ค๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™๐™–๐™ฎ, ๐™ž๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™ ๐™ค ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–."
- ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™

๐‘ƒ๐ด๐‘๐ด๐ฟ๐ด๐‘๐บ๐ผ๐‘ ๐พ๐ด๐‘Œ ๐‘†๐ด๐‘ ๐ฟ๐‘‚๐‘…๐ธ๐‘๐‘๐‘‚ ๐‘…๐‘ˆ๐ผ๐‘ ๐ท๐ธ ๐‘€๐ด๐‘๐ผ๐ฟ๐ด ๐ด๐‘‡ ๐‘€๐บ๐ด ๐พ๐ด๐‘†๐ด๐‘€๐ด

+ Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay naghandog ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tanan. Kasihan kami ng iyong pag-ibig upang maihandog ang aming buhay para sa iyo at sa aming kapwa tao. Inakay rin ng mapagpala Mong kamay ang iyong mga lingkod na sina San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa lupain ng Hapon upang tularan ang sakripisyo ni Kristo at ipamansag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan.

Isinasamo namin na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal na martir na kami'y maging matatag sa pananampalataya tulad nila at maging kasangkapan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa aming bayan at sa mga bansang nasa paligid namin. Dinggin Mo ang aming kahilingan at ang tanging biyayang aming hinihingi:

(Banggitin ang mga kahilingan)

Kaisa ni San Lorenzo Ruiz at mga kasama, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

+ Amen.

๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐€๐“ ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€, ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช!

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 27         |โ€ข๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‚๐™๐™‰๐™„๐™๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™‘๐™„๐˜พ๐™€๐™‰๐™๐™€ ๐˜ฟ๐™€ ๐™‹๐˜ผ๐™๐™‡ โ€ข|Panalangin Ipinagdarangal naming SAN VICENTE, mapagmahal na l...
27/09/2026

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 27
|โ€ข๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‚๐™๐™‰๐™„๐™๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™” ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™‘๐™„๐˜พ๐™€๐™‰๐™๐™€ ๐˜ฟ๐™€ ๐™‹๐˜ผ๐™๐™‡ โ€ข|

Panalangin

Ipinagdarangal naming SAN VICENTE, mapagmahal na lingkod ng mga mahihirap at kapus-palad, sa panahon ng iyong pamamalagi sa lupa, minsan ay hindi binigo ang sinumang nangangailangan ng iyong tulong. Lumalapit kami sa iyo sa panahon ng aming pangangailangan, naniniwala at umaasang hindi mo kami bibiguin. Ihingi mo po sa Panginoon ng kasaganahan ang mga naghihirap, kagalingan sa may karamdaman, kapanatagan sa may mabigat na dalahin sa kalooban, pangangalaga sa mga napabayaan, pagbubukas-palad ng mga nananagana, katarungan mula sa mga may kapangyarihan, pagbabalik ng loob ng mga naliligaw ng landas, tibay ng loob para sa kaparian, katapatan sa simbahan, kapayapaan sa lahat ng bansa, pagmamahal at pagmamalasakit sa kapaligiran at pagliligtas para sa lahat.
โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €
Nawa ang apoy ng pag-ibig ni KRISTO na pinag-alab ng BANAL NA ESPIRITU sa iyong busilak ng puso ay magsilbing ningas na gagabay at magpapatatag sa aming ugnayan sa Diyos at kapwa. Turuan mo kami, o banal na lingkod ng mga mahihirap, na magmahal at magpahalaga sa bawaโ€™t isa sa presensya ni HESUS.
โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €
Nawaโ€™y madama ng lahat ang bunga ng iyong mahabaging pamamagitan sa gitna ng lahat ng mga pagsubok sa buhay. Hanggang sa pagdatal ng panahong mapabilang kami sa Kaharian ng Diyos, na wala nang pagtutunggali, hinanakit at kalungkutan, sa halip ay pawang kaligayahang walang hanggan. Amen!
โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €โ €
SAN VICENTE DE PAUL, Ipanalangin mo kami!

๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘ | โ€ข ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข  ๐’๐š๐ง ๐๐š๐๐ซ๐ž ๐๐ข๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ž๐ญ๐ซ๐ž๐ฅ๐œ๐ข๐ง๐š โ€ข|PANALANGIN KAY PADRE PIOMahal na Padre Pio, ...
23/09/2026

๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘ | โ€ข ๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐๐š๐๐ซ๐ž ๐๐ข๐จ ๐ง๐  ๐๐ข๐ž๐ญ๐ซ๐ž๐ฅ๐œ๐ข๐ง๐š โ€ข|

PANALANGIN KAY PADRE PIO

Mahal na Padre Pio, tumatawag ako sa iyo ngayon kasama ng maraming nagmamahal at namimintuho sa iyo.

Alang-alang sa mga sugat na iyong tiniis nang maraming taon bilang pakikiisa sa pagpapakasakit ni Jesus, naging kalugud-lugod ka sa Panginoon at tinawag ka upang mapabilang sa kasamahan ng mga banal.

Naniniwala akong dinidinig ng Panginoon ang iyong pagtawag para sa mga humihingi ng paggaling at pinatatawad din niya ang iyong mga pinatawad. Ang paggaling ng mga maysakit ang katibayan na hindi ka binibigo ng Panginoon.

Sumasamo ako sa iyo na tulungan akong ilapit sa Diyos ang aking kahilingan.

(Banggitin ang kahilingan.)

Huwag mo sana akong pabayaan at pagpalain mo ang lahat ng aking mga mahal sa buhay. Amen.

SAN PADRE PIO,
ipanalangin mo kami.

๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿญ | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ, ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎPanalanginDiyos ng Awa, pinili mo ang isang maniningil ng...
21/09/2026

๐—ฆ๐—ฒ๐˜๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿญ | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ, ๐—”๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ

Panalangin

Diyos ng Awa, pinili mo ang isang maniningil ng Buwis, na si San Mateo Apostol. Upang ibahagi ang karangalan ng mga Apostoles. Sa kanyang mga Gawa at panalangin, tulungan nyo po nawa kami na sundin ang panginoong Hesukristo at maging matapat sa iyong paglilingkod. Isinasamo namin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo, kapisan mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—ฆ๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—–๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ก๐—ข๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Œ๐’‚๐’š ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’๐’”๐’† ๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’–๐’‘๐’†๐’“๐’•๐’Š๐’๐’O mapagkumbabang San Jose ng Cuper...
18/09/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ง๐—ฌ๐—˜๐— ๐—•๐—ฅ๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿด | ๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—ฆ๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—–๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ก๐—ข

๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’Œ๐’‚๐’š ๐‘บ๐’‚๐’ ๐‘ฑ๐’๐’”๐’† ๐’๐’ˆ ๐‘ช๐’–๐’‘๐’†๐’“๐’•๐’Š๐’๐’

O mapagkumbabang San Jose ng Cupertino, tanging nilingap ka ng Diyos sa pag-aaral mo, sa Espiritung Banal taimtim kang nanambit. At dinamayan ka sa hirap ng pagsusulit. Ako ngayon sa harap mo ay nagsusumamo, Ilahad mo sa Diyos ang aking pagsamo.

Ama, tanglawan mo po ang aking abang kaisipan. Nawa ang diwa ko ay lagi mong patnubayan sa pagsasaliksik ng iyong Katotohanan. Nawa'y makabahagi sa iyong kapahaman. Sa sandali ng pagsusulit ako'y iyong lingapin. Ipag-adya sa pagkalimot at mga alalahanin. Nawa'y akong lumago sa karunungang maka-Diyos, at ibigin ka sa aking kapwa ng tunay at lubos. Ikaw na pinagmulan ng dakilang karunungan. Liwanag kang gumagabay sa buhay na walang hanggan. Amen. ๐Ÿ™

๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™…๐™ค๐™จ๐™š ๐™ฃ๐™œ ๐˜พ๐™ช๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™ค, ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ ๐™–๐™ข๐™ž!

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 10 | ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‚๐™๐™‰๐™„๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„ ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„๐˜พ๐™Š๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™๐™Š๐™‡๐™€๐™‰๐™๐™„๐™‰๐™ŠPANALANGIN KAY SAN NICOLAS DE TOLENTINO Panginoon, ika...
09/09/2026

๐™Ž๐™š๐™ฉ๐™ฎ๐™š๐™ข๐™—๐™ง๐™š 10 | ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‚๐™๐™‰๐™„๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™†๐˜ผ๐™‹๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„ ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™„๐˜พ๐™Š๐™‡๐˜ผ๐™Ž ๐™‰๐™‚ ๐™๐™Š๐™‡๐™€๐™‰๐™๐™„๐™‰๐™Š

PANALANGIN KAY SAN NICOLAS DE TOLENTINO

Panginoon, ikaw ang aming pinagkukuhanan ng tapang at lakas ng loob sa pagharap sa araw-araw ng buhay, ipinagkaloob Mo po sa amin si San Nicolas de Tolentino upang higit na pag-alabin ang aming pananampalataya. Biyayaan Mo po kami ng kakayahang maisabuhay ang Inyong mga aral, manatiling tapat at mahinahon sa gitna ng kahirapan at pagsubok sa buhay. Maging lingkod nawa kami tulad ni San Nicolas sa aming kapwa lalo na sa mga mahihirap at mga nagdurusa, mabuhay nawa kami bilang tapat Mong tagapaglingkod. AMEN

SAN NICOLAS DE TOLENTINO
Ipanalangin mo po kami.

Address

San Luis Street Brgy. 8
Lucban
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carucaruhan de Lucban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share