06/10/2025
PROTIPS - Oct 6, 2025
Work Hard, Pray More
By Maloi Malibiran-Salumbides
Sa ating buhay, trabaho at negosyo mahalaga talaga ang sipag at pagpupursige. Kailangang magtrabaho kung ang gusto mo ay umasenso. Pero kahit gaano ka man kahusay, gaano ka mang kasipag, may mga bagay na sadyang labas sa iyong control. Kaya ang paalala ko sa iyo ngayon sa Protips, work hard and pray more.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips.
Ang sabi ni G. Campbell Morgan, "Prayer is life passionately wanting, wishing, desiring God's triumph. Prayer is life striving and toiling everywhere and always for that ultimate victory." Kung ang hangad mo ay trabaho o negosyong iyong ginagawa ayon sa kalooban ng Diyos, work hard and pray more. Paano?
1) Start your daily plans with prayer. Bago ka ba malunod sa tambak na gawain at trabaho, manalangin. The more work you have, the greater the reason for you to spend time in prayer. Kapag sinisimulan kasi natin ang araw natin sa pakikipag-usap sa Diyos, naaayos ang ating pananaw, nagagabayan ang ating mga plano at napapaalalahanan tayo na ang trabaho ay di lamang trabaho, ito ay biyayang kaloob na Diyos na marapat na gawin ng may kahusayan at katapatan.
2) Practice the pause and pray habit within the day. Kung sa opisina ay mandated na magkaroon ng break ang mga empleyado para kumain at makapagpahinga, make it your personal mandate to have internal breaks for prayer as well. Ang sabi sa 1 Thessalonians 5:16, "Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances..." Kakambal ng totoong pananalangin ang kagalakan at pagiging mapagpasalamat. If gratitude is something that you would like to cultivate, practice the pause and pray habit regularly.
3) When the going gets rough, pray. Kapag ikaw ay nahihirapan o nabibigatan sa trabaho mo, huwag susuko, huwag ka ring mag-aaway at idadahilang pagod ka o busy kaya mainit ang iyong ulo at maikli ang iyong pisi. Every difficult situation at work is an invitation for you to call on the Lord in prayer.
Start your daily plans with prayer. Do the pause and pray habit regularly and pray when the going rough at work. Work hard, pray more.
Be a blessing in the workplace today!