IFI Parish of Saint John of Sahagun

IFI Parish of Saint John of Sahagun An Aglipay Church where St. John of Sahagun is the patron saint.

Maligayang Kapistahan ng Birhen ng Balintawak! Patrona ng Iglesia Filipina Independiente! โ›ชNgayong araw ginugunita natin...
26/08/2026

Maligayang Kapistahan ng Birhen ng Balintawak! Patrona ng Iglesia Filipina Independiente! โ›ช

Ngayong araw ginugunita natin ang inang tumayo kasama ng ating mga ninuno sa Balintawak โ€” simbolo ng pananampalataya, tapang, at pag-ibig sa bayan. Sa kanyang halimbawa, itinuro niya sa atin na ang tunay na debosyon ay may kasamang paglilingkod, at ang tunay na panalangin ay nagiging gawa para sa kapwa.

Nawaโ€™y sa ilalim ng kanyang pag-aaruga, patuloy na lumakas ang ating simbahan at sambayanan. Gabayan nawa tayo ng Birhen ng Balintawak upang maging ilaw sa dilim, maging tinig para sa inaapi, at maging tahanan ng pagkakaisa.

Gaganapin ang Banal na Misa para sa pag-gunita ng banal na kapistahan ng ating mahal na Patrona Birhen ng Balintawak sa Agosto 30, 2026, Ika-8 ng Umaga. Magkita-kita po tayo! ๐Ÿงก

Viva La Virgen!
Mabuhay ang IFI!
Para sa Diyos at sa Bayan! ๐Ÿ’™โ›ช

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ Matagumpay na naisagawa ang family ministry sa Pamilya ng Roxas-Asuncion. Ang gawain na ito ay naging isang ma...
24/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ

Matagumpay na naisagawa ang family ministry sa Pamilya ng Roxas-Asuncion. Ang gawain na ito ay naging isang makabuluhang pagkakataon upang manalangin, magbahagi ng salita, at maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan din nito, muling pinagtibay ang samahan ng bawat isa sa loob ng tahanan.

Nawaโ€™y mas lalong pagtibayin ng ating Pananampalataya ang ugnayan ng bawat p
Pamilya sa Diyos at sa isaโ€™t isa. ๐Ÿงก

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Tayo ay nilikha ng Diyos at minahal niya upang matuto rin tayong magmahal. Ang ating buhay ay n...
23/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Tayo ay nilikha ng Diyos at minahal niya upang matuto rin tayong magmahal. Ang ating buhay ay nagkakaroon ng tunay na kahulugan kapag hindi lang natin ito ginagamit para sa sarili, kundi para rin sa Diyos at sa ating kapwa.

Ito ang paalala sa atin ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: ialay natin ang ating sarili bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ang buhay na biyaya Niya sa atin, ay isinasauli rin natin sa pamamagitan ng paglilingkod. Sapagkat hindi lang natin tinatanggap ang buhay bilang biyaya โ€” tayo rin ay tinatawag na gawing biyaya ang ating buhay para sa iba. ๐Ÿงก

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isang mapagpalang Linggo! Kanina ay sama-sama tayong dumalo sa Banal na Misa. Sa simpleng pagti...
23/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isang mapagpalang Linggo! Kanina ay sama-sama tayong dumalo sa Banal na Misa. Sa simpleng pagtitipon na ito, naipadama natin ang ating pasasalamat at pananampalataya sa Diyos.

Nawaโ€™y ang ating natutunan kanina sa Banal na Misa ay maging gabay saatin sa loob ng isang buong linggo. Patuloy tayong maglingkod, magmahal, at magpasalamat sa biyaya ng Panginoon. ๐Ÿงก


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 5Matagumpay na naisagawa kanina ang Pag-aaral ng mga Sacristan ni Apung San Juan...
23/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ

๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 5

Matagumpay na naisagawa kanina ang Pag-aaral ng mga Sacristan ni Apung San Juan, sa pangunguna ni Bro. John Florenz Utulo, mas napalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa tamang gamit ng simbahan at sa tunay na kahulugan ng paglilingkod sa altar. Isang araw na puno ng pagkatuto, pagninilay, at paninibago ng dedikasyon sa misyon.

Nawaโ€™y baunin ng bawat isa ang mga natutunan at patuloy na maglingkod nang may pusong tapat, at may pananampalataya, at may pagmamahal kay Kristo. ๐Ÿ’›



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 5Isang araw ng pagkatuto at paglilingkod para sa ating mga sacristan! Ngayong Ag...
21/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ

๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 5

Isang araw ng pagkatuto at paglilingkod para sa ating mga sacristan! Ngayong Agosto 23, 2026 magkakaroon ng pag-aaral tungkol sa tamang paggamit ng mga kagamitan sa simbahan at sa kahalagahan ng kanilang paglilingkod sa altar. Layunin nito na mas mapalalim ang kanilang paglilingkod sa bawat misa ng ating Simbahan.

Ang programang ito ay papangunahan ni Bro. John Florence Utulo. Sama-sama nating ipagdasal ang mga kabataang lingkod, nawaโ€™y magpatuloy sa sa kanilang masiglang paglilingkod nang may pananampalataya, disiplina, at pagmamahal sa Diyos.



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 3Mga kuhang larawan mula sa isinagawang aktibidad ng mga sacrista...
16/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 3
Mga kuhang larawan mula sa isinagawang aktibidad ng mga sacristan na naglalayong mapatibay ang kanilang samahan, pagkakaibigan, at relasyon sa kanilang ministeryo ng paglilingkod. Sa pamamagitan ng mga simpleng gawain, nagkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama, magbahaginan, at higit na makilala ang isaโ€™t isa.

Ang mga aktibidad na ito ay nagsilbing paalala na ang paglilingkod sa simbahan ay hindi lamang tungkol sa tungkulin, kundi tungkol din sa pagkakaisa, pagtutulungan, at pag memoria ng mga gawain sa loob ng simbahang kanilang ginagalawan. Nawaโ€™y lalo pang maging matatag ang kanilang samahan at patuloy silang maging masaya at tapat sa kanilang paglilingkod sa Panginoon.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 2Noong nakaraang Agosto 9, isinagawa ang pulong ng mga sacristan ...
16/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐ŸŽ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ๐™†๐™๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰ - Week 2
Noong nakaraang Agosto 9, isinagawa ang pulong ng mga sacristan bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng *Buwan ng mga Sacristan*. Tinalakay sa pagpupulong ang mga gawain, aktibidad, at paghahandang kinakailangan upang maging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang.

Naging pagkakataon din ito upang makapagbahagi ng mga ideya at mungkahi ang bawat isa, bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon at pagmamalasakit sa paglilingkod sa simbahan. Nawaโ€™y maging matagumpay ang kanilang paghahanda at magsilbing inspirasyon ang kanilang tapat na paglilingkod sa Panginoon at sa ating pamayanan.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Kaya nga ipinapaalala sa atin ng babaeng Cananeo na hindi lahat ng katahimikan ay pagtanggi. An...
16/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ ๐ˆ ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Kaya nga ipinapaalala sa atin ng babaeng Cananeo na hindi lahat ng katahimikan ay pagtanggi. Ang katahimikan ng Panginoon ay isang imbitasyon sa atin para sa mas malalim na pananampalatay. Sa halip na tumalikod, mas lalo tayong tinatawag na kumapit sa Panginoon.

Kaya ang Ebanghelyo ngayon ay hindi lamang nagtatanong kung gaano kalaki ang ating pananampalataya. Tinuturuan din tayo nito kung paano mamuhay nang may pananampalataya. Patuloy na lumapit. Matutong maghintay. Manatiling mapagpakumbaba. Huwag agad sumuko.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ 16, 2026Isang mapagpalang Linggo sa piling ng Panginoon! Kanina habang nag mimisa, pinaalala saatin na ...
16/08/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ 16, 2026

Isang mapagpalang Linggo sa piling ng Panginoon! Kanina habang nag mimisa, pinaalala saatin na sa kabila ng pagod at gulo ng mundo, may lugar pa rin tayo kung saan tayo tahimik na pinakikinggan at minamahal. Sa bawat dasal, awit, at pagbabasbas, muli tayong pinalakas upang baunin natin ito sa isang buong Linggo.

Salamat sa lahat ng naglingkod, umawit, at nakiisa kanina. Nawaโ€™y dalhin natin ang kapayapaan at pag-asa saan man tayo dalhin ng panahon. Sa Diyos ang lahat ng papuri! ๐Ÿ’›

Address

San Juan
Lubao
2005

Telephone

+639519899796

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI Parish of Saint John of Sahagun posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share