Knights of the Altar - SILP

Knights of the Altar - SILP LINGKOD NG DAMBANA ng KABATAANG ISIDORIAN!😇

BUKAS NAAA!! ✨TARA NA mga LINGKOD NG DAMBANA NI SAN ISIDRO!💚🤎 Hindi lang ‘to event… it’s a moment to pause, reflect, and...
20/03/2026

BUKAS NAAA!! ✨

TARA NA mga LINGKOD NG DAMBANA NI SAN ISIDRO!💚🤎

Hindi lang ‘to event… it’s a moment to pause, reflect, and reconnect 🙏💜

See you tomorrow sa VF4 Lenten Recollection 2026! Sama-sama tayong maglakbay sa pananampalataya, real talk, real feels, at real connection with God, kasama si Mr. Romar Chuca🤍

If pagod ka na, lost, or just need a reset… this is your sign na umattend 💭

🕗 8:00 AM
📍 Our Lady of the Assumption Parish – Lubang

Don’t miss it. Kita-kits mga ka-lingkod! ✨

🖼️: Lady of the Assumption Parish- Lubang

22/02/2026
PAX TECUM 2025 | PAHALIK SA NIÑO HESUS 2025😇🙏Ngayong araw ay matagumpay at puno ng biyaya nating natapos ang Pax Tecum 2...
26/12/2025

PAX TECUM 2025 | PAHALIK SA NIÑO HESUS 2025😇🙏

Ngayong araw ay matagumpay at puno ng biyaya nating natapos ang Pax Tecum 2025 / Pahalik sa Niño Hesus 2025—isang banal na pagtitipon na nagbigay daan sa katahimikan, panalangin, at mas malalim na paglapit sa Diyos. Sa bawat hakbang patungo sa paghalik kay Niño Hesus, nadama natin ang Kanyang presensya—banayad ngunit makapangyarihan, tahimik ngunit tumatagos sa puso.

Ang Pax Tecum ay hindi lamang isang gawain kundi isang paanyaya: ang huminto sa gitna ng kaguluhan ng mundo, ang magpakumbaba tulad ng isang bata, at ang muling ialay ang ating mga sarili sa Panginoon. Sa Pahalik sa Niño Hesus, ipinapaalala sa atin na ang tunay na pananampalataya ay nagmumula sa pusong marunong magtiwala, magmahal, at sumunod sa kalooban ng Diyos.

Marami ang napaluha, marami ang natahimik, at marami ang muling nagbalik-loob. Ang bawat panalangin na inialay, bawat pasasalamat, at bawat pagsusumamo ay tinipon ng Panginoon. Ang kapayapaang ating natamo ngayong araw ay hindi nagtatapos sa loob ng simbahan—ito ay hamon na ating dalhin sa ating pamilya, sa paaralan, sa komunidad, at sa araw-araw na paglilingkod.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng gawaing ito, mga altar servers at sa lahat ng nagbigay limos at nanalangi . Higit sa lahat, salamat sa Diyos na patuloy na kumikilos sa ating mga buhay, at kay Niño Hesus na walang sawang tumatawag sa atin na lumapit at magtiwala.

Pax Tecum — Kapayapaan ay sumainyo.🙌🏻😇
Niño Hesus, sa Iyo kami bumabalik, nagtitiwala, at nagmamahal.🙌🏻











Address

Tagbac, Occidental Mindoro
Lubang
5109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Knights of the Altar - SILP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share