San Isidro Labrador Parish - Tagbac

San Isidro Labrador Parish - Tagbac habang may pag-asa, may buhay..❣️

25/04/2026
Isang mapagpalang pagbati mula sa Parokya ni San Isidro Labrador!Sa araw na ito, buong galak nating  ipinagdiriwang ang ...
13/04/2026

Isang mapagpalang pagbati mula sa Parokya ni San Isidro Labrador!

Sa araw na ito, buong galak nating ipinagdiriwang ang ika-33 Sacerdotal Anniversary ng ating mahal na Pari Rev. Fr. Mario Corona. Sa loob ng tatlong dekada at higit pa, patuloy ninyong iniaalay ang inyong buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang sambayanan. Ang inyong dedikasyon, kababaang-loob, at malasakit sa bawat mananampalataya ay nagsisilbing inspirasyon sa amin upang lalong tumibay sa aming pananampalataya.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pagmamahal, at sakripisyo. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at mas marami pang taon ng masiglang paglilingkod sa Kanyang ubasan.

Maligayang ika-33 Sacerdotal Anniversary po, Fr. Mario! Patuloy po kaming sumusuporta at nagdarasal para sa inyo.

🙏 Ikalawang Araw ng Stations of the CrossMarso 10, 2026 | Pakris ng KusangloobSa pagpapatuloy ng ating paglalakbay ngayo...
12/03/2026

🙏 Ikalawang Araw ng Stations of the Cross
Marso 10, 2026 | Pakris ng Kusangloob

Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay ngayong Kuwaresma, matagumpay na naisagawa ang ikalawang araw ng Stations of the Cross sa PaKris ng Kusangloob.

Maraming salamat sa lahat ng mga kapatid na buong pusong nakiisa sa taimtim na pagdarasal at pagninilay. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay patunay ng ating pagkakaisa bilang isang pamayanang naglilingkod at nagmamahal.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang lalo nating maunawaan ang kahalagahan ng sakripisyo at paglilingkod, at maisabuhay ang mga aral ni Kristo sa ating araw-araw na gawain. 💜🙏

🙏 Unang Araw ng Stations of the CrossPebrero 27, 2026 | PaKris ng PaglilingkodSa pagsisimula ng ating paglalakbay ngayon...
28/02/2026

🙏 Unang Araw ng Stations of the Cross
Pebrero 27, 2026 | PaKris ng Paglilingkod

Sa pagsisimula ng ating paglalakbay ngayong Kuwaresma, matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Stations of the Cross sa PaKris ng Paglilingkod.

Maraming salamat sa lahat ng mga kapatid na buong pusong nakiisa sa taimtim na pagdarasal at pagninilay. Ang inyong presensya at pakikibahagi ay patunay ng ating pagkakaisa bilang isang pamayanang naglilingkod at nagmamahal.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang unang araw na ito upang lalo nating maunawaan ang kahalagahan ng sakripisyo at paglilingkod, at maisabuhay ang mga aral ni Kristo sa ating araw-araw na gawain. 💜

Sa espesyal na araw na ito, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa kaloob ng iyong bokasyon at sa walang sa...
05/12/2025

Sa espesyal na araw na ito, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa kaloob ng iyong bokasyon at sa walang sawang paglilingkod nyo sa ating parokya. Ang iyong kababaang-loob, sakripisyo, at tapat na paggabay ay naging inspirasyon at lakas ng aming pamayanang Kristiyano.

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng Panginoon ng kalakasan, karunungan, at kagalakan sa iyong ministeryo. Dasal po namin na ang iyong puso ay manatiling nagliliyab sa pagmamahal at paglilingkod kay Kristo at sa Kanyang sambayanan.

Maraming salamat padre, sa iyong pagiging mabuting pastol sa amin. Pagpalain nawa kayo ng mas marami pang taon ng biyaya at paglilingkod.

Happy Sacerdotal Anniversary, Fr. Philip

Address

Lubang

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Parish - Tagbac posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share