Kapilya ni San Roque - Malinta, Los Baños

Kapilya ni San Roque - Malinta, Los Baños Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapilya ni San Roque - Malinta, Los Baños, Church, Malinta, Los Baños.

13/05/2026

𝗩𝗜𝗩𝗜𝗧 𝗩𝗘𝗥𝗢 𝗜𝗡 𝗠𝗘 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗨𝗦
Ginintuang Taon sa Pagkapari ni Reb. Msgr. Jose D. Barrion, PC

Ang Diyosesis ng San Pablo, kaisa ang Mahal na Obispo, ang kaparian, mga relihiyoso, at sambayanang mananampalataya, ay buong galak at pasasalamat na nagpupuri sa Diyos sa paggawad Niya ng biyaya kay 𝐑𝐄𝐁. 𝐌𝐒𝐆𝐑. 𝐉𝐎𝐒𝐄 𝐃. 𝐁𝐀𝐑𝐑𝐈𝐎𝐍, 𝐏𝐂 sa pagdiriwang ng kanyang 𝑰𝒌𝒂-𝟓𝟎 𝑻𝒂𝒐𝒏𝒈 𝑮𝒊𝒏𝒕𝒐𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒊𝒃𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒑𝒂𝒓𝒊, ang kauna-unahang pari sa diyosesis na nagkamit ng ganitong biyaya ng paglilingkod.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Banal na Misa ng Pasasalamat sa ika-14 ng Mayo 2026 sa Parokya ng Immaculada Concepcion, Poblacion, Los Baños, Laguna, ganap na ika-9:00 ng umaga.

Sa banal na pagdiriwang na ito, ang homiliya ay ipagkakaloob ni 𝑨𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒖𝒏𝒚𝒊𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆 𝑭. 𝑪𝒂𝒓𝒅𝒊𝒏𝒂𝒍 𝑨𝒅𝒗𝒊𝒏𝒄𝒖𝒍𝒂, Arsobispo ng Maynila.

Makikiisa rin sina Ang Lubhang Kagalang-galang Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio sa Pilipinas, Ang Lubhang Kagalang-galang Marcelino Antonio Maralit, Jr., D.D., Obispo ng San Pablo, at iba pang mga obispo sa ating bansa.

Inaanyayahan ang buong sambayanan na makiisa sa makasaysayang pagdiriwang na ito ng pasasalamat at pagpupuri sa Diyos para sa biyaya ng banal na bokasyon at matapat na paglilingkod.

30/04/2026

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔 | 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝗼𝘀 𝗕𝗮𝗻𝗼𝘀

“𝑯𝒂𝒍𝒊𝒏𝒂, 𝒕𝒂𝒚𝒐’𝒚 𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒂𝒍𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒍𝒂𝒌𝒍𝒂𝒌 𝒌𝒂𝒚 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒂!”

Ang ating bansa ay kilala bilang “Pueblo Amante de Maria” o bansang sumisinta kay Maria. Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, isinasagawa natin ang kinaugaliang araw-araw na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria, bilang pagpaparangal sa kanya bilang pinakamagandang bulaklak sa hardin ng Panginoon.

Bilang pagpapatuloy ng ating tradisyon sa bayan ng Los Baños, simula bukas, ika-1 ng Mayo hanggang ika-31 ng Mayo 2026, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga gawaing ito kaugnay ng pagdiriwang ng Flores de Maria:

• Lunes hanggang Sabado
4:00 PM | Pagdarasal ng Santo Rosaryo
5:00 PM | Banal na Misa at Pag-aalay ng Bulaklak

• Linggo
3:00 PM | Pagdarasal ng Santo Rosaryo
4:00 PM | Banal na Misa at Pag-aalay ng Bulaklak

Makiisa tayo sa mga gawaing ito, kasabay ng saliw ng awit sa pag-aalay ng mga bulaklak, isang pamanang yaman ng ating parokya.


27/03/2026

Address

Malinta
Los Baños
4030

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni San Roque - Malinta, Los Baños posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category