16/08/2026
AN EVENING WITH MARY 💙🌹
Ang Parokya ni San Antonio de Padua ay magsasagawa ng Mini Concert na may temang: "An Evening with Mary: A Song and Dance of Praise, Love, and Thanksgiving." Isang Marian Mini-Concert sa darating ng ika-4 ng Setyembre 2026.
Ito ay gaganapin sa loob ng ating Parokya at magsisimula sa ganap na ika-7 ng gabi. Ang konsyertong ito ay upang gunitain ang pagdiriwang ng ating ika-36 na Anibersaryo at ika-16 na Pagkakatatag ng ating Parokya kasabay ng pagdiriwang natin para sa nalalapit na kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.
Ang tickets ay nagkakahalagang 100 pesos at ito ay mabibili sa patio ng ating Parokya. Ang proceeds nito ay para sa mga kinakailangang instrumento ng Parish Liturgical Music Ministry gayundin para sa iba pang mga kinakailangan ng ating Parokya.
Maki bahagi sa isang gabing puno ng saya at musika. Grab your tickets now!